42

7 0 0
                                    

"Nakita nya na ang mga bata, hindi mo na pwedeng itago sa kanya, Solar."

Kung hindi ako marunong kumarga ng sangggol ay kabaligtaran ang babaeng kaharap ko. Hindi dahil mahilig sya sa bata, kundi dahil nurse sya sa ospital na ito at parte lamang ito ng trabaho nya.

"Wala akong pakialam."

Nasabi ko at hindi naiwasang magtaas ng boses. Kaibigan ko sya mula pa noong high school, at kahit na dumalang ang pagkikita namin, sya parin ang nag-iisang kaibigang kinakailangan ko.

Kung nagkahiwalay man kami noong college, iyon ay dahil magkaiba kami ng ginustong karera.

Literal na karera, dahil pangangarera rin ang nagtaguyod sa kolehiyo nya. Illegal track, sabi nga nya. Hindi nadadala kahit na ilang beses syang magpalipas ng gabi sa kulungan.

"Gawin mo ang lahat. Hindi ko kayang pagsabayin ang dalawang sanggol."

"..."

"Hindi ko nga ginusto ang isa. Ang dalawa pa kaya."

"..."

"..."

"Mag-isip ka ng paraan bago pa sya makabalik dito."

Alam nya kung gaano ako kasaya ng makakuha ng admission sa international law school. That was one out of a thousad tries, but this bullshit happened inside me at hindi ko pwedeng tanggapin ang offer na iyon nang buntis ako. I always thought I wouldn't have the opportunity again that I even tried to end this child inside...para lang matuloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa.

But when the college gave me another chance to move my admission for the next trimester, sinabi ni Byul na dalhin ko na lamang ang nasa sinapupunan ko dahil siguradong nakapanganak na ako pagdating ng college semester na iyon.

Ilang buwan kong itinago ang pagbubuntis sa lahat.

She promised that I just have to give birth and she'll do the rest. Kung anuman ang paraan nya para manatiling malinis ang pangalan ko sa kolehiyo, hindi ko na sya pakikialaman.

"Solar."

"..."

"..."

"Solar, hindi kaya ng konsensya ko e."

Tangan nya ang isang sanggol sa mga kamay nya. Mahinang iniuugoy ang katawan na parang isinasayaw ito. Na hindi bagay sa suot nyang puting uniporme. Lalung-lalo na, hindi bagay sa pagkatao nyang medyo magaspang kung kumilos.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalitang muli. Ayaw kong pagsimulan ito ng pagtalikod nya sa akin. Dahil kung magkakaganun, wala na akong ibang lalapitan pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo."

"Isa pa..."

"..."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now