Special Chapter 1

6 0 0
                                    

Son Dongju's

"What keeps her busy?"

Nasa dalagitang nasa harap ng piano ang aking mata. Pero ang mga kamay ko ay patuloy sa pag-hiwa ng steak sa aking plato. Hindi ako sinagot ng aking kausap hanggang ipaling ko sa kanya ang atensyon.

"Noong isang araw pa iyan ganyan."

"Nagsasalita sa harap ng piano." -Nasabi ng babae sa harap ko habang pinupuno ang aking baso ng orange juice.

Sya ang asawa ko.

Ilang mahabang taon ba ang iginugol ko sa pag-aabang sa kanya? Mula pagkabata? Hanggang ngayon na halos dalawang dekada na kaming naikasal. Malaki na ang pinag-bago nya.

Magaling na syang magluto.

At kumikilos na parang isang... housewife.

Hindi talaga ako nagkamali sa pangbubwisit ko sa kanya noon.

Nawala man ang katarayan ay hindi nag-bago ang kadaldalan. Nasa lahi na kasi nila iyon. Gayundin ang pagka-hilig sa musika na naipamana nya pati sa aming dalagita.

Even on her 40's...she's still the cutest girl for me. Kahit na mayroon na kaming isang magandang anak, hindi nya mapapantayan ang ka-cute-an ng kanyang ina.

Ang mahalaga, mayroon na akong pangalawang... Saga.

"How's my princess?"

"What about your giggles?"

Binati ko ang dalagitang lumapit sa aming mag-asawa na hindi maipinta ang lawak ng ngiti. She's been like this since last week at ikinatutuwa namin iyon ng mommy nya.

Sabagay, likas namang masiyahin ang batang ito. Nagmana ng enthusiasm sa kanyang ina.

Bago umupo malapit sa akin ay inuna pa nyang ipatong ang maliit na kahon sa mesa. Hindi ko na tinanong kung ano iyon pero alam kong iyon ang pinagkaka-abalahan nya.

"Napag-isipan mo na ba ang sinabi namin ng mommy mo sa iyo?" -Ako at nilagyan sya ng toast at bacon sa plato.

Tumango lamang sya sa akin. Mukhang nasanay syang gawin ito kaya hindi nya kaagad maaalis ang gawaing iyon.

Ilang buwan pa lamang ang lumilipas mula nang sumunod sila ng kanyang mommy dito sa akin. Mabilis at maganda ang adjustments nya kahit na naninibago.

"Sa susunod na linggo ay plano na ng tito Hoon mo na sumunod rin rito."

"He's missing you a lot at baka raw may maitutulong sya sa pag-babalik bayan natin."

"Pero ang sabi ko'y hinihintay ko pa ang sagot mo. Kung gusto mo bang doon mag-enroll o dito na lamang, up to you, Princess."

"Huwag mong pansinin ang Tito mo, anak. Ang gusto mo ang masusunod at susuportahan ka namin ng daddy mo. Gusto lamang mag-liwaliw ng Tito mo. Alam mo naman iyon, matandang binata."

"Baka sa edad nya ay umaasa pa syang narito sa Macau ang soulmate nya."

Kung makapag-salita sya, akala mo'y hindi nya kapatid ang ikinukuwento sa anak.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now