18

8 0 0
                                    

"Pa... Iuuwi ko na po si Henna."

Tumango lamang si papa sa kanya. Yumuko sya sa nakakatanda at dinampian lamang sya nito ng palad sa kanyang ulunan.

"Mag-ingat kayo." -Kumaway akong muli sa aking ama matapos maisara ni Leedo ang pinto ng kotse.

Ang unang mga minuto sa loob ng sasakyan ay katahimikan. Alas dyes na ng gabi at ngayon lamang kami parehong inabot ng ganitong oras sa ibang lugar na hindi magkasama.

"Pag dating sa atin ay iinitin ko nalang ang pagkaing nasa ref. Hindi ka pa kumakain, hindi ako nakapagluto."

Hindi nagtagal ang tingin nya sa akin at ibinalik rin sa kalsada. Maghapon akong wala sa bahay namin at kasama lamang ni Papa sa talyer. Si Leedo nama'y nagpaalam na kasama sya nina Ravn sa Starlight.

Pero pareho naming alam na may problema at pareho ding kinailangan ng lumaylow.

Dalawang taon na kaming magkasama sa bahay at napakahirap magtago ng mga bagay sa pagitan ng mag-asawa.

Alam kong ginugulo ang isip nya ngayon. Dahil ganoon rin ako.

"Henna..."

"..."

"Hm?"

Naramdaman ko ang pag-angat nya sa isang kamay para hanapin ang palad ko. Kinuha iyon at ipinatong sa kanyang hita. Habang ang isang kamay nama'y patuloy sa pagmamaneho.

"..."

"Pag-usapan natin ito pag-dating sa bahay, ha?"

Mababa ang kanyang boses. Napakasarap pakinggan kung wala lamang ibang bumubulong sa aking utak. Matapos akong ngitian ay tsaka matagal nyang hinagkan ang aking palad.

Kahit ang mga sumunod na ilang minuto sa ay tahimik parin. Walang iba kundi ang pagnakaw nya ng mga tingin sa akin at pagpisil sa aking palad. Palagi nyang ibinibigay sa akin ang assurance na wala akong dapat ipag-alala dahil sya ang asawa ko at kailangang magtiwala ako sa marriage naming dalawa.

Kagaya ng sinabi sa akin ni Papa.

"Hintayin mo ako sa loob, iga-garahe ko lamang ang kotse." -Sya nang pagbuksan ako pababa ng sasakyan.

Kinuha ko ang kanyang bag at dinala papasok sa bahay. Pagkatuloy ay binuksan ang lahat ng ilaw at paunti-unting nag-ligpit ng iilang mag nakakalat na gamit.

Si Leedo nama'y pumasok sa kwarto para magpalit ng kanyang ipinampasok na damit. Ilang sglit pa'y naramdaman ko syang palapit sa akin sa gitna ng pangunguha ko ng mga isinampay na damit sa clothing rack.

"..."

"Bukas na yan, magpahinga na tayo."

Ang mga kamay nya mula sa likuran na syang pumalibot sa aking beywang. Amoy na amoy ko rin ang matapang na alak na malamang ay kinonsumo nya kanina.

Kinuha nya sa aking kamay ang ilang balumbon ng damit at inilagay iyon sa katabing basket. Pagkuwa'y ang paghawak sa aking pulsuhan para yakagin ako papasok sa aming kwarto.

Sya rin ang nagbukas ng pinto at umakay sa akin paupo sa gilid ng kama. At sa harapan ko'y naupo sya hawak ang aking dalawang palad.

"..."

Matagal nya akong tinitigan bago nag-salita.

"..."

"..."

"Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Solar."

"Alam ko ring... nasasaktan kita, Henna."

Hindi ko alam kung paano sya nakasisiguradong alam ko ang tungkol doon. Gayung sinabi sa akin ni Ate Solar na huwag nang banggitin pa kay Leedo ang bagay na iyon.

Ipinagpaalam nya sa akin ang sarili kong asawa para gamitin sya ng isang gabi alang-alang sa pangangailangan ng kanilang anak ng kapatid. At gusto nyang magpanggap ako na walang alam para hindi maguluhan ang asawa ko sa desisyong gagawin para sa bata.

Rason ba ang pagpapaubaya nya sa akin noon kay Leedo para pumayag ako sa gusto nya ngayon? Hindi iyon rason pero iyon ang tama kaya't iyon ang dapat mangyari.

"A-ah... Mahina raw ang preno ng kotse mo, napansin ni Papa kanina nang ihatid mo ako. D-dalhin mo raw sa kanya para matingnan nya."

Inilayo ko ang aking sarili sa harapan nya ngunit mabilis nya rin akong naibalik sa pwesto kung saan nya ako pinaupo.

"Henna..."

"Mahal kita."

"At ayokong mag-tago ng anumang bagay sa iyo."

"..."

"..."

"Kaya't kung nasasaktan ka sa mga nangyayari... Magalit ka sa akin, Mahal."

Bakit naman ako magagalit sa asawa ko? Hindi nya kasalanang magkaanak sa iba bago pa nya ako mahalin. Kahit ang sumiping sa babaeng alam kong kayang-kaya syang bawiin sa akin...kahit na para sa buhay ng kanilang anak... hindi pa rin iyon kasalanan ng asawa ko.

"Kung magagalit ako sayo...."

"..."

"..."

"...Mapipigilan ba noon ang pagtulong mo sa anak nyo?"

Nawala ang amo sa kanyang mata at napalitan ng lungkot. Ang buntong hininga nya kasabay ang pagluwag ng hawak sa aking kamay, alam kong nagpapakita ng hindi nya pag-sang ayon sa sinabi ko.

Tumutol man ako o hindi, mabuting tao at mabuting ama si Leedo. At hindi mababawasan ng pagiging kasal nya sa akin ang pagiging ama nya sa batang iyon.

"..."

"Henna..."

Hindi nya na kailangang tapusin pa ang sasabihin.

Sa pagdadamot na ipahiram ang asawa ko, alam kong nagiging makasarili ako, hindi kay Ate Solar kundi sa batang walang muwang kung gaano magiging kasakit sa akin ito.

Kaya't kailangan ko na iyong tanggapin.

Para sa asawa ko.

"Naiintindihan ko, Leedo."

"Ipinaliwanag na sa aking lahat ni Ate Solar."

"Nag-sorry sya... Hindi nya ginusto ang nangyayari."

"Pero iyon ang tamang gawin, Mahal."

"..."

"..."

"Hindi para kay Ate Solar. Para sa bata. Gawin mo ang dapat."

Pakiramdam ko'y may bakal ako sa labi sa sobrang bigat ingiti ng mga ito. Gayundin ang mga luhang anumang segundo ay papatak.

Pero hindi dapat maramdaman ng aking asawa ang hinanakit na ito. Ayaw kong mas lalo syang mahirapan na magdesisyon. Kaya't kahit sa ngiti ay makita nyang sinusuportahan ko sya.

"..."

"Isa pa..."

"...Isang gabi lang naman iyon. Habambuhay naman kitang asawa e."

Pagkasabi ko'y lumiwanag ang kanyang mukha. Hindi dahil binasbasan ko ang gagawin nyang pakikipagtalik sa dating nobya, kundi dahil nakikita nyang naiintindihan ko patutunguhan ng lahat.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now