52

7 0 0
                                    

"Psst. Hoy."

Mukha nya nanaman ang bumungad nang maramdaman ko ang yabag sa bubong palapit sa akin. Mabigat na nga ako para dito ay umakyat pa sya at sumunod. Sabagay, bubong naman nila ito at kapag gumuho ay kasalanan nya rin.

"Ano nanamang ginagawa mo rito?"

Palagi nalang iyan ang itinatanong nya kapag pinupuntahan nya ako dito. E samantalang sya itong sunod ng sunod sa akin.

"Hindi ka ba pumasok?" -Tanong nya ulit.

"Nagpapahinga pa ang mga estudyanteng galing sa university meet kaya makikisali na rin ako sa pahinga."

Natawa sya sa palusot ko kahit iyon naman talaga ang totoo.

"Bakit, di ka naman kasali dun, ah?" -Sya.

"Alam ko. Pero pagod rin ako. Tsaka teka nga..."

"...Bat ikaw lang nakikita ko, bat hindi ko nakikita si Myeong?"

Dalawang araw ko na ring hindi nakakausap si Dongmyeong. Nakikita ko syang naglalabas-masok sa bahay nila pero hindi ko sya nakakausap. Kapag naman niyayaya ko syang mag-arcade ay sinasabi nyang may ginagawa pa sila ng mama nya.

"Bakit ba? May ginagawa ang kambal ko."

"Katulong ni mama, nagliligpit ng kung anu-ano."

"Nanaman? E bat hindi ka tumulong? Napaka-batugan mo talaga."

"Kayang-kaya na nila iyon, tsaka tumulong naman ako sa pagliligpit sa bahay ng papa ni Henna ah. Kapagod rin yun, no."

Nagpaliwanag pa talaga sya. Palibhasa ay paborito sya ng mama nya kaya't okay lang na takas-takasan nya ito. Habang si Myeong naman ay papa's boy.

"Tingnan mo."

"Saan nanaman kaya sya galing?"

Magkasunod na sabi ni Dongju sa akin. Tinanaw ko naman ang inginuso nyang babae sa di kalayuan. Si Ate Henna iyon. Kilala sya kahit malayo dahil sya lang naman ang babaeng ganito sa lugar namin. Isa pa ay sya lang naman ang babaeng naparoroon sa bahay at bakuran ng papa nya nitong mga nakaraan.

Mula nang mailibing si Ninong, dito sa lumang bahay nila sya tumutuloy.

"Saan pa, edi sa bahay nila ni kuya Leedo."

"Noong isang araw pa iyan pabalik-balik roon e." -Hinuha ko.

Kung pwede nga lang raw batukan ng Kuya ko itong si Ate Henna ay nabatukan na nya sa tigas ng ulo. Umaasa kasi syang baka kapag umuwi sya sa bahay nila ng asawa nya ay madatnan nya iyon doon.

Pero wala naman ni anino ni Kuya Leedo.

Bakit ba kasi hindi nalang sya kay Kuya nang may mapala naman sya sa buhay nya? Kahit naman ganoon ang kuya ko e wala naman yung sabit.

"Kawawa naman si Noona."

"Dati..."

"...Napakamasayahin nyan."

"Walang araw na nakakasalubong natin yan na hindi nakangiti at nang-iimbita sa kanila."

"Ngayon, ni hindi yata sya nasisinagan ng araw."

Nagsi-sentimyento yata ang isang to. Paano naman masisinagan ng araw si Ate Henna e halos hindi nga ito sumikat ngayong simula na ang winter? Pero mas okay na ring ganito itong si Dongju, at may silbi ang usapan namin.

"Tinutulungan naman natin sya. Choice nya na iyan kung hanggang kailan sya ganyan." -Ako.

Kung bakit kasi kung gaano ka-bait itong si Ate Henna ay ganoon rin sya ka-tanga? Sigurado naman kaming lahat na buhay pa at hindi nawawala si Kuya Leedo. Alam nya rin sa sarili nya na sadyang ito mismo ang lumalayo sa kanya. Minsan sa sobrang bait nya ay gusto ko na syang sabunutan nang makalog naman ang utak nya. At gumising.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now