04

26 3 0
                                    

"May problema ka nanaman kaya ka narito, ano?"

Inilapag nya ang isang collins glass ng mojito sa aking harapan. Umupo sya sa harap ko at sumimsim sa dinala nyang inumin para sa akin. Hindi talaga sya natututo sa pagpapainom sa akin ng alak.

"Nagugutom na ako, pwede bang pagkain ang ibigay mo sa akin at huwag alak?"

"Pfft---pinagugutuman ka na ng asawa mo? Bago yan ah."

Mahina lamang syang natawa at sinuri ang ekspresyon ko. Matagal ko nang kilala ang lalakeng ito. Dahil noong nakatira pa ako sa mga magulang ko, ay nasa tapat lamang ang bahay namin ang kina Yonghoon.

Hindi ko masasabing best friend ko sya kahit na palagi ko syang takbuhan kapag may problema. Marami pang taong mas malapit sa akin kumpara sa kanya. Pero isa sya sa kakaunting tao na alam lahat ng tungkol sa akin. Kaya ganito ako ka-komportableng kasama sya.

"O. Sabihin mo sa asawa mo bayaran nya sakin ito, ha?"

Inabot na ako ng alas syete at hindi ko parin alam kung uuwi ako sa bahay namin ng asawa ko. Kung kay papa naman ako uuwi ay malapit lamang rin iyon dito pero siguradong magtatanong rin iyon. Kaya't heto at mag-isa akong costumer ng hindi pa nag-ooperate na college bar. Alas otso pa ang opening kaya't naglilinis pa ang mga staff.

"O. Ayan."

Hindi nya kaagad kinuha ang bayad ko sa inihain nyang cheese fries, at tinitigan ako ng matagal.

"Tanga. Binibiro lang kita, kailan ka ba nagbayad ng nilamon mo dito?"

"..."

"..."

"Yonghoon..." -Ako.

"Oh?"

Sa tatay nya ang college bar na ito. Pwede nya namang gamitin ang tinatapos na degree para makapili ng profession pero inuuna nya parin palagi ang pagtugtog. Hindi nya iiwan ang pagbabanda kahit na anong mangyari. Pangatlong taon na nya sa College of Arts at isang taon na lamang ay tapos na sya. Gustong-gusto ko ang kursong iyon pero heto sya at sinasayang lamang.

"Bumalik na sya..." -Huminto sya sa pag-kibo ng inuupuang high-bowl chair nang sabihin ko iyon.

"..."

"Sino?" -Sya, kahit na alam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko.

Pagkatapos mangalahati ng pagkain sa harap ko ay nawalan rin ako ng gana.

"Si Ate Solar."

Mababa ang aking tono. Kasing baba ng tingin ko sa aking sarili sa tuwing ang babaeng iyon ang pag-uusapan.

Sya.

Si Ate Solar.

Ang babaeng pinakamamahal ng asawa ko.

"Since when? Paano mo nalaman?"

Hindi ko parin matingnan sa mata ang lalakeng kaharap ko. Dahil kahit na pumunta ako dito para may makausap ay ayokong maglabas ng kahit anong emosyon.

"N-nakita ko sila kanina."

"Sila?" -Sya.

"..."

"Kasama nya ang asawa ko..."

"...At ang anak nila."

Masakit parin sa aking sabihin iyon. Kapag binabanggit ko...parang namamatay parin ako ng paulit ulit. Asawa ko si Leedo. Pero sa iba sya may inaakong anak.

Bakit naman ako magrereklamo? Hindi ko nakakalimutang sinamantala ko lamang ang kahinaan nya kaya asawa ko sya ngayon.

Dahil gustong-gusto ko si Leedo.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon