21

16 0 2
                                    

"Dinala ko lamang ang pagkain mo. P-paalis na rin ako."

Mas seryoso ang kanyang mukha kapag nasa trabaho. At kahit nasa opisina lamang sya ay hindi nababawasan ang magandang tindig nya. Hindi ang pagmasdan sya ang ipinunta ko rito, kundi ang ihatid ang naiwan nyang tanghalian.

Mula pa noong nakaraang madaling-araw na umuwi sya mula kay Ate Solar, dalawang linggo ang lumipas hanggang kanina... Palagi syang wala sa sarili.

"Intayin mo ako at samahan mo na akong kumain. Mabilis na lamang ito."

Kinuha nya ang kamay ko at ipinakapit sa aking muli ang bag ng pagkaing dala ko. Sa mesa namang katabi nya ay kinuha ang ilang magkakapatong na folders na kapwa may logo ng Kiseki. Iyon ang pangalan ng automotive company'ng ito.

Sa sandalan naman ng office chair nya ay kinuha ang itim na topcoat at isinuot iyon sa kanya. Malamang ay dadalin nya ang mga papel na iyon sa ikatlong palapag. Hindi ko sigurado kung anong meron doon pero ang alam ko'y iisa ang opisina na naroon sa ganoon kalawak na espasyo. Malamang ay syempre, sa may-ari ng kompanya.

"Sampung minuto." -Paalam nya sa akin bago lumabas ng opisina. Marahan pa nyang ginulo ang aking buhok bago ako iwan sa loob ng kwarto.

Nang makalabas sya ay inayos ko pa ang aking pagkakaupo at ang suot kong damit. Hindi ko alam na isasama nya akong mananghalian. Mukha tuloy akong labandera sa suot ko. Amoy ulam pa ako nakakahiya kay Leedo---teka---umuwi nalang kaya ako habang wala pa sya?

Hindi. Ayos lang naman sa kanya na ganito ako, natural lamang iyon dahil nag-handa ako ng pagkain ng asawa ko at naglinis ng bahay.

Halos mangalay ang batok at leeg ko mula sa paglilibot ng aking mata sa buong kwarto. Apat na buwan pa lamang sya sa opisinang ito. Noong una'y nasa ground phase sya at nasa cubicle lamang kasama ang ibang katrabaho. Pero wala pa syang dalawang taon sa kompanya ay nailipat kaagad sya sa engineering department.

Dahil rin doon kaya medyo nakakapag-adjust kami sa gastusin. Wala naman syang ipinangako at wala rin akong hinihiling sa kanyang karangyaan. Pero alam kong nagsisikap sya para sa pamilya namin.

Nawala ang paglutang ng isip ko nang may tumunog na smartphone. Kilala ko ang ringtone na iyon at alam kong kay Leedo iyon dahil sa kanya ang opisinang ito. Mabilis ko namang nakita iyon malapit sa kanyang pen holder at mabasa kung sino ang nakarehistrong tumatawag.

Sya.

S-sasagutin ko ba?

Ilang segundong nakatitig lamang ako sa screen ay natapos na ang pagriring nito bago ko pa man masagot.

Hindi ko pa nailalapag pabalik ang phone ay isang message naman ang dumating dito. At iyon parin ang kaparehong kontak na tumatawag kani-kanina lamang.

Pasensya na kung makakaabala ako, pero may importante ka bang gagawin mamaya? Pwede mo ba kaming ihatid sa bahay ng mga magulang ko? Sensitibo kasing i-byahe ang bata.

May importante bang gagawin ang asawa ko? Bukod sa magpahinga dahil ilang magkasunod na gabi na syang late nakakauwi mula sa trabaho.

Ayaw kong mag-isip ng masama. Pero dahil likas sa tao ang pagiging ganito, kung pwede lamang na pahiin ko ang text ay ginawa ko na. Dahil alam ko na kung anong mangyayaring kasunod sa oras na mabasa ng asawa ko ang mensaheng ito.

"Sinong tumatawag?" -Mula sa likuran ko ang boses na iyon.

At nang lingunin ko ay ang asawa ko matapos pumasok at maisara ang pinto ng opisina. Hindi kaagad ako nakasagot. Gusto ko pa sanang magpanggap na hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Pero nabuksan ko na ang message at si Ate Solar lamang naman ang nag-iisang taong mag-iiwan ng ganoong text sa kanya.

"S-si...Ate Solar." -Sinigurado kong hindi magtama ang mata namin nang abutin nya sa akin ang phone.

Ayaw ko kasing mabasa nanaman nya ang iniisip ko at mag-alala sa mararamdaman ko. Pero nang makita ang text mula roon ay wala syang ibang sinabi. Isinilid ang phone sa bulsa at dinampot ang susi ng kotse sa kanyang mesa.

"Hindi mo ba...rereplyan?" -Ako at huminto naman sya.

"..."

"Pwede ba akong humindi?"

Hindi ko alam ang sasabihin. Kung ako lamang ang masusunod...sino ba namang babae ang gustong mag-laan ang asawa nya ng oras para sa ibang babae? Lalo na at alam ko ang nakaraan nila.

"Wag ka ng sumimangot...wala akong ibang pupuntahan kundi sa bahay kasama ka."

Napilitan akong mangiti nang hawakan nya ang aking baba at itaas ang aking mukha sa aking pagkakayuko. Bago ako yakagin palabas ng opisina ay numakaw pa sya ng isang mabilis na halik sa aking labi.

"Gusto mo bang sa labas na lamang tayo kumain?" -Tanong nya bago kami makarating sa pantry sa ground floor.

"..."

"W-wag na. Marami ka pang-trabaho, mahuhuli ka. Isa pa, kumain naman ako sa bahay bago umalis kaya ikaw na lamang ang kumain." -Paliwanag ko.

Nang makuntento sya sa usapan ay saka nag-okupa ng mesa para sa dalawa. Ako nama'y isa-isang inilabas ang lunchboxes sa bag at iniabot sa kanya ang chopsticks.

Hindi naman ito ang unang beses na makasama nya akong kumain dito. Ang sabi nya nga'y mas gusto nyang ako ang nasa harap nya kapag kumakain sya dahil napipilitan syang kainin ang mga gulay kasama ng inihanda ko sa kanya. Hindi katulad kapag wala ako na nasusunod ang hindi nya pagkahilig kumain ng mga iyon.

"May problema ba?" -Sya nang mapansin ang makailang pag-nakaw ko ng tingin sa kanya.

"..."

"Ah...wala." -Pinili ko namang ituon ang aking atensyon para hindi na sya magtanong pa. Pagkatapos ay isa-isang inilagay ang chicken fillet sa kanyang lunchbox na hawak.

Ang totoo'y hindi ako kuntento sa isinagot nya kanina tungkol kay Ate Solar. Pero kung ano man ang dahilan nya at pinili nyang hindi ito pagbigyan gayung pabor iyon sa bata, hindi ko na sya gustong pakialaman pa doon.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now