01

88 5 3
                                    

Wala akong nagawa kundi kiligin habang pinakikinggan ang boses nyang tinatawag ang pangalan ko.

Kung hindi ko sya kilala ay baka isipin kong nagagalit sya sa akin sa lagong at kapal ng kanyang boses. Magda-dalawang taon na kaming kasal, pero para parin akong teenager kung kiligin kapag kaharap sya... o kahit marinig lang sya. Hindi parin ako makapaniwalang sya ang asawa ko.

"...Kim Henna, kapag hindi ka pa bumangon bubuhatin na kita riyan."

Patuloy kong isiniksik ang aking mukha sa unan at nagpapanggap na tulog. Halos hindi pa sumisikat ang araw ay nanggigising na sya. Ni hindi pa ako nakakapagsuot ng kahit ano maliban sa comforter na nakabalot parin sa akin. Paano ko ba sasabihin na...masakit parin ang katawan ko dahil sa kanya?

"...Wake up now. Nakalimutan mo na yata ang death anniversary ng mama mo."

Naramdaman kong lumubog ang bahagi ng kama kung saan sya naupo. Tama sya, anibersaryo nga ng kamatayan ni mama pero hindi ko naman nakalimutan iyon.

"Labas ka muna." -Nasabi ko kahit kapapasok lamang nya ulit ng kwarto namin.

"..."

"Labas ka muna ulit magbibihis pa ako."

"At bakit naman ako lalabas? Nakita ko nang lahat yan ng ilang beses."

Asawa nya ako kaya't alam ko iyon. Ang ayokong makita nya ay ang iika-ika kong lakad dahil sa ginawa nya sa akin kagabi.

Isang bagay na ayokong aminin sa sarili ko kung bakit mahal na mahal ko ang lalakeng ito, ay dahil ibinibigay nya ang lahat ng pangangailangan ko...oo, pati iyon.

"Tawagan mo muna ang florist at magpagawa ka ng bouquet para kay mama." -Sinuklay nya ng kanyang mga daliri ang magulo ko pang buhok nang bumangon ako sa kama.

"..."

"Bumaba ka na rin kaagad. Lalamig ang almusal." -Isang halik sa aking noo ang ginawa nya bago tumayo palabas ulit ng kwarto.

Dalawang taon palang nang mamatay ang mama sa sakit nya kaya't ang papa na lamang ang nakakasama ko. Mayroon akong nakatatandang kapatid pero hindi ko sya kasama dahil magkaiba kami ng ama.

Limang taon sya nang kunin sya at iwan kami ni mama. Sumama sya sa kanyang ama sa ibang bansa. Malamang ay kinalimutan nya na ang tungkol sa amin dahil ni hindi nya alam na wala na ang aming ina.

Pero ako, hindi ko sya makakalimutan. Dahil hanggang malagutan ng hininga ang mama, sya ang gustong makita nito.

Twenty pa lamang ako kaya't malamang ay twenty-one pa lamang ang kapatid kong iyon. Alam ko ang pangalan nya kaya't ilang buwan pa lang nang magsimula akong ipagtanong sya sa dati naming lugar, ang huli kong balita ay nasa Washington parin sila naninirahan at nag-aaral sya sa magandang unibersidad. Hindi na yata sila babalik pa ng bansa.

"Hindi pwedeng tanghali na gumigising palagi ang asawa mo. Kapag nagbuntis iyan, baka lalong hindi na yan makagulapay at manaba na lamang."

Nasa itaas pa lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang boses ng papa. Kung siraan nya ako sa asawa ko, parang hindi nya ako anak. Hindi ko alam na nandito pala sya, edi sana bumangon ako ng maaga kung iyon ang gusto nya.

Una kong nakita ang pinakang gwapong lalake sa aking paningin. Ang gwapo gwapo nya kasi kahit sa tshirt na puti lamang. Syempre, ang asawa ko iyon. Hindi naman gwapo ang papa ko, no.

"Hayaan nyo na po, Papa. Sabado naman e. Tuwing weekdays naman ay maaga yang nagigising kapag bumabangon ako."

Tatawa-tawa lamang sya habang ipinagtatanggol ako sa aking ama. Totoo naman e, gusto kong gising na ako bago pumasok sa trabaho ang asawa ko kaya't maaga rin akong nagigising.

"Pa, ang aga-aga nyo naman po, tulog pa ang kaluluwa ni mama sa sementeryo dadalawin mo na."

"Good morning po."

Nahuli ang bati ko sa kanya nang makababa ako at makalapit sa hapag-kainan. Hinigit naman ng isang lalake ang upuan para sa akin.

Ang asawa ko talaga, ang bait-bait na, napaka-gentleman pa.

"Bakit hinahayaan mo itong si Gunhak na magluto ng pagkain nyo, trabaho mo dapat ito bilang maybahay."

Hanggang kailan ba nya ako balak sermunan? Minsan na lamang sya dumalaw sa amin ay hindi pa nya ako kakampihan. Palibhasa magkasundo silang dalawa.

"Papa, mabuti na lamang po at hindi nahahawa sa kakasermon mo itong si Leedo." -Ako

"..."

"Kumain ka na, ubusin mong lahat yan." -Isa-isa nyang inilagay sa plato ko ang kung anu-anong pagkaing iniluto nya.

Ang papa naman ay taas-kilay akong inaasar. Ang dalawang lalakeng pinaka-importante sa akin, magkaibang-magkaiba talaga sila. Si papa ay napaka istrikto at kabaligtaran naman ang asawa ko.

Kung may pagkakapareho man sila, iyon ay pagiging masipag at maalaga sa pamilya. Tinanggap ni papa ang aking ina kahit na hindi na ito dalaga nang mahalin nya. Kahit hindi sila ikinasal, naging mabuting asawa sya kay mama.  Ang totoo ay gusto rin nyang kupkupin ang anak ni mama sa unang asawa nito, pero nasa ibang puder na sya lumaki.

Si papa rin ang dahilan kaya't nakilala ko ang lalakeng pinakasalan ko. Mekaniko nya dati sa talyer si Leedo at doon ko ito madalas makita sa tuwing dadalhan ko ng pananghalian ang papa kapag galing ako sa school.

Kahit nga alam kong may girlfriend sya noon ay gustong gusto ko parin sya. Hanggang ngayon na may posisyon na sya sa malaking auto engineering company, hindi parin ako makapaniwalang ikinasal na kami.

"Kailan nyo ba ako balak bigyan ng apo ha? Susunod na lamang ako sa mama ninyo ay hindi pa ako nakakapag-alaga ng sarili kong apo."

Nang matapos si papa sa sasabihin nya ay tsaka ako binalingan ng tingin ng aking asawa. Ngumiti sa akin at isinisenyas na ako na ang bahalangmagpaliwanag sa nakatatandang kaharap.

At pati sa pagpapaliwanag tungkol sa pagpapamilya namin ay halos kabahan pa ako.

"P-pa...gusto pa po naming i-enjoy ni Gunhak ang buhay na... kami pa lamang pong dalawa."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now