14

10 1 0
                                    

"Sigurado ka bang marunong ka niyan? Baka naman sumabog ang gulong, bata ka."

Noong isang araw pa nagsimula ang klase ng second semester kaya panay estudyante rin ang costumer ni papa. Quarter to nine at pang-ilang motorsiklo na ba ang dinala ditong flat?

"Papa, dalawang dekada na akong anak ng mekaniko, hahanginan lamang po ang gulong, kayang kaya ko na ito." -Malakas kong sabi kay papa na nasa harap ng kaha.

Sinuri ko pa kung butas ang interior pero maayos naman iyon kaya't segundo lamang rin ay natapos na. Ang papa kasi, ito lamang ay ayaw pa akong hayaang gawin.

"Woo hyung, late na tayo. Nakaligtas nga tayo sa detention nung Monday, ngayon naman tayo madedetention." -Narinig kong sabi nung lalakeng driver ng motorsiklo kanina.

"Ang OA mo, Do Hanse. May ten minutes ka pa para iharurot itong motor at siguradong aabot ka pa sa klase."

"Sus, kasalanan to ng girlfriend mo hyung. Ang bagal bagal kumilos."

"Kasalanan mo, gago. Pinahiram mo kay Sejun at Subin alam mo namang mga bara-bara gumamit iyon."

"Bilisan mo na, tara na. Dami mo talagang reklamo."

Sabi nung lalakeng nag-abot ng bayad sa akin at halos wala ng makita sa haba ng bangs nya. Inabot naman sa kanya ng kasama nya ang rolyo ng mga papel.

Hinintay ko muna silang makaalis bago ako bumalik sa loob ng shop. Kapag ganitong puro estudyante ang nakikita ko, hindi ko maitangging nakakaramdam ako ng inggit at panghihinayang.

Pero sa tuwing naaalala ko naman na ikinasal ako sa isang mabuting tao, alam kong wala akong dapat pagsisihan. Mas mahalaga ang asawa ko sa kahit anong bagay.

"Ano, Henna, anak? Ang aga-aga mong narito. May kailangan ka ba?" -Si Papa matapos sa bumibiling costumer.

Sumabay ako sa pagpasok ni Leedo papunta rito. Kaya't kanina pang alas syete ay narito na ako at naabutan ang papa na nagbubukas ng shop.

"Nag-agahan ka na ba, ha? Gusto mo bang magpadeliver ako, ha?"

"Papa, kumain na po ako. Kayo ang kumain dahil nangangayat na kayo o. Dati para kang si Deffcon, ngayo'y Kwanghee na lamang po kayo." -Pagbibiro ko. Pero totoong may ipinayat ang papa.

"Naku, huwag mo na akong daanin sa biro-biro mong iyan. Sabihin mo na kung anong kailangan mo. Kilala kita. Hindi ka uuwi sa papa mo kung wala kang problema o kailangan." -Nakangisi nyang sabi.

Ganun ba talaga ako kadaling basahin?

Ang totoong dahilan kung bakit pumunta ako dito ay gusto ko lamang talaga syang makita. Kung inaakala nyang sasabihin ko sa kanya ang problema namin ng asawa ko, hindi ko gagawin iyon. Maedad na ang papa at ayoko nang problemahin pa nya ang buhay ng nag-iisang anak nya.

"O heto, kainin mo. Pasalubong yan sa akin ng papa ni Yonghoon kahapon galing Jeju. Masarap iyan, para hindi ka uhugin." -Hindi ko napigilang magsalubong ang kilay sa kanya.

Mula pa noon ay palagi nya akong inaasar. Sya ang magpapaiyak sa akin at sya rin ang magpapatahan. Ganoon talaga ang paraan ni papa ng paglalambing sa akin.

Binuksan ko ang package at kumuha kami pareho sa dried mandarin oranges na inabot nya sa akin. Makailang sulyap sa akin at alam kong pupurgahin nya na ako ng mga tanong. Kaya't uunahan ko na sya.

"Pa..."

"O ano?" -Sya at patuloy sa pagnguya ng makunat na dehydrated tangerines.

"..."

"..."

"Ano pong pakiramdam mo noon... Noong palaging hinahanap ni Mama si ate Ana?"

Bumagal ang pag-nguya nya at basa ko sa mukha nyang sinusubukan nyang hulaan ang aking mga sasabihing kasunod.

"Aba'y...ang pakiramdam ay malungkot."

Malungkot?

"Bakit malungkot?" -Ako at nagkibit balikat sya sa akin.

"..."

"Syempre...anak ka na namin noon pero ang ate Ana mo parin ang bukambibig nya."

Lalo na noong kunin raw ng kanyang ama si Unnie at dalhin sa ibang bansa. Gusto pa sana syang bawiin noon ni mama at papa pero hindi na sya ibinalik pa dito. Ang alam ko nga ay naroon parin sya sa Washington at hindi na iniuwi pa dito mula noong bata sya.

"Pero..."

"Mahal na mahal ko ang mama mo, kaya't tinanggap ko ang lahat ng mayroon sya."

"Henna, anak."

"..."

"..."

"Alam ko ang iniisip at nararamdaman mo."

"Tungkol ito sa...anak ni Leedo at Solar, hindi ba?"

"...Nakita ko si Solar noong nakaraan, at kinumusta ka nya sa akin."

Hindi na ako kailangan pang tumanggi, dahil alam na ni papa ang takbo ng utak ko kapag ganito rin tumakbo ang mga tanong ko sa kanya.

"Sana lamang ay namana mo sa akin ang pagiging pasensyoso." -Sya.

"..."

"Dahil kahit na anong gawin mo...maglupasay ka man riyan at lumuha ng dugo... Hindi mo maaalis sa asawa mo ang maging ama sa kanyang anak."

"Gayundin ang iyong mama sa ate Ana mo."

"..."

"..."

"Kaya't... Gawin mo ang tama... Suportahan mo si Gunhak. At alisin mo sa utak mo na maaaring masira ang relasyon nyo ng dahil doon... dahil lalake ako at nakikita kong mahal ka ng asawa mo, Henna."

"Kailangan mo lamang magtiwala sa kanya."

"..."

"At saka anong petsa na ba? Bigyan mo na ng anak ang asawa mo, para naman magkaroon na rin ako ng apo."

"Papa naman e." -Inagaw kong muli sa kamay nya ang pinapapak naming dried tangerines.

Tama kaya si papa? Alam kong nanggaling na sya sa ganitong sitwasyon noon, pero iba ang sa akin.

Ano kayang gagawin nya kapag sa kanya sinabi ni Solar ang sinabi nito sa akin kahapon? Ganito parin kaya ang maging pananaw nya? Sabihin parin kaya nya sa aking suportahan ko ang aking asawa sa kung anong tama?

"Henna, anak..."

"Pa?"

"..."

"..."

"Maging matapang ka parati, anak."

"Mahal ka namin ng mama mo."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now