56

8 0 0
                                    

"Wait. There'll be more, nagpe-plating pa ako."

Hindi ko pinapatulang mag-tanong kung bakit maya't-maya ang sulyap nya sa akin. Marahil ay nag-tataka sya sa rami ng inihanda kong pananghalian namin ngayon.

Kung iyon lamang ay wala naman dapat syang ipag-taka. Pero siguradong iyon ay dahil...ngayon lamang ako nag-luto. Sa madaling paliwanag, sa loob ng halos isang buwang magkasama kami ay ngayon lamang kami kakain ng lutong...Solar.

"Teka, ano bang nangyayari at parang may okasyon?"

"May bisita ka ba?"

Hindi muna ako mag-aabalang sagutin sya sa mga tanong na iyon. Inuna ko munang inilapag sa mesa ang huling side dish na maayos kong isinalin sa magandang plato.

"Tikman mong lahat iyan. Hindi ako ipapahiya ng sarili kong taste buds."

Hindi man gaanong masarap ay ayos na. Unang subok ko palang naman kaya't wala pa syang aasahan sa akin.

"Hm."

"Pwede na."

Iyon lamang ang sinabi nya matapos ilapag ang kutsara sa tinikmang soup. Tsaka kumuha ng para sa kanya. Mabuti nama'y hindi na sya maselan sa pagkain.

Hindi katulad noon.

"Sya nga pala, Leedo."

Kusa nya namang inihinto ang pag-kain para bigyan ako ng saglit na pakikinig. At bago magsalitang muli ay chineck ko muna ang kinakain ni Rumi'ng nasa high chair na katabi ko.

"May gusto sana akong ipakita sa iyo."

Ang mga tingin nya sa aking hindi mahulaan at ni walang ideya kung ano ang tinutukoy ko. I don't know if this is to be celebrated...but I know for sure this is a success. Our success.

"Here."

Mula sa aking kamay ay inabot nya ang isang bagay na ibinalot ko pa sa isang panyo. Ni wala akong na-plano kung paanong pagbibigay nito sa kanya. Kung saan ko dapat na isilid at kung paano ko sisimulang lahat.

Sabagay, anumang klaseng pagpepresenta nito'y wala syang ibang gagawin kundi matuwa.

Pag-kakuha mula sa aki'y hindi manlang sya nag-isip at maingat ring binuklat kaagad. Ganoon ka-bilis at alam kong saglit syang matitigilan para i-absord sa sarili kung totoo ba ang nasa harapan nya.

At totoong-totoo iyon.

"P-positive."

Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay nya. Nawala ang lagong sa boses nyang natural kong madinig noon. Nawala ang tapang ng kanyang mukhang dulot ng pagmamatigas sa araw-araw na magkasama kami.

"Positive." -Pag-uulit ko sa sinabi nya.

"..."

"..."

"Congratulations, Leedo."

Should I say we made it? Dahil hinintay naming mangyari ito ay natural lamang na sabihin ko iyon, hindi ba? Pero hindi. Ayaw kong mag-bago ang pag-iisip nyang binuo noong mga nakaraang linggo.

Na umalis pag-katapos ng lahat.

"Rumi will survive now."

"I'll make sure she will."

Mga nasabi ko para mas mapanatag ang loob nya. Because he did his part. A lot. Mula nang mag-stay sya sa amin ng kanyang anak... muntik na akong maniwalang minamahal nya na ulit ako.

Sa mga pagluluto... pag-aasikaso sa aming mag-ina... pag-sama sa akin sa lahat... at higit sa lahat ay pag-ngiti ng totoo sa tuwing kaharap nya kami ni Rumi.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon