40

10 0 0
                                    

"Kanghyun, Cya, na-double check na ba ang strings? Ikaw Harin, ang sticks mo? Myeong, ayos na ba tayo sa keys? Wala ng nakalimutan? Ano, isang pasada pa tayo?"

Kung ako sa mga ka-banda nito ni Kuya, pupukpukin ko na sya ng gitara. Yung gitara ni Kuya Kanghyun ha, wag yung kay Cya. Ang pogi ng gitarang yun e.

Masyadong aligaga itong Jin Yonghoon na ito. Sya ang leader pero heto at sya lang ang hindi kalmado. Maliban kay Myeong na sadya namang magulo. Si Kuya lamang ang di mapakali. May bulate yata sa pwet!

"Hoy, ikaw Saga. Iluwa mo nga yang chewing gum mo at nangangawit ang panga ko sa kangunguya mo."

Ano?! Pati ba naman itong nginunguya ko'y papakialaman nya?!

"At ano bang ginagawa mo dito, umuwi ka na. Ka-babae mong tao andito ka? Asan ba yang si Dongju at magpahatid ka na, mag-motor kayo dahil hindi na makakalusot ang kotse sa trapik."

Napakadaldal nya.

"Kuya. Una sa lahat. Nandito ako dahil magandang gabi ito para sa isang dalagang gaya ko, diba?"

"At sino namang may sabi sayong dalaga---"

"---Hep! Pangalawa. Pangalawa hindi ako uuwi. No."

"Ano naman kung babae ako, anjan rin sa tabi-tabi mga classmates ko nanunuod rin sila."

"Tsaka...ano ka ba?"

"Nandito ang bestfriend ko, nandito ang mga kuya ko...at higit sa lahat nandito si Cya kaya dapat lang na nandito rin ak---Aray!!!"

"---Nandito rin ako, Hyung. Kaya wag mo nang alalahanin tong kapatid mo. Sagot ko 'to."

San ba nagmumumula ang Dongju na ito? Pati batok ko yata ay mapuputol sa bigat ng braso nya.

Bigla nalang sumusulpot at palagi syang ganito.

Kung may ipagpapasalamat man ako sa nakakabwisit nyang laging pag-akbay sa akin, yun ay ang mabangong perfume nya.

Sanay ako sa perfume ni Dongju. Sa totoo lang, sa lahat ng kakilala ko, sya ang paborito kong amoy. Si kuya kasi ay amoy cabinet. Hehe.

"Kaya nga ako nag-aalala kay Saga ay dahil narito ka. Karagkag ka pa naman." -Si Kuya at nakutusan kaagad si Dongju.

Mabuti na lamang at si Myeong ay hindi nya ginaganito.

"Narinig kita, Hyung. Hinahanap mo ko kanina. Kunwari ka pa, e sa akin mo rin naman pala ipinagkakatiwala tong kapatid mo."

"Regulus? Stand by. Ready tayo in five minutes "

Narinig kong sabi nung babaeng naka-lapel sa bandang likuran ni Kuya Harin.

Regulus? Sila yun. Ang alam ko'y second to the last silang tutugtog. Panghuli ang Highlight na literal na highlight ng gabi.

"O, Saga. Hetong camera, kunan mo ng maganda ang kuya ha?"

"Gandahan mo, titingnan yan mamaya nina mama at papa."

"Members! Let's go."

Magkasunod na sabi ni kuya matapos ilagay sa palad ko ang dslr nya. Members lets go, members lets go, kala mo pogi sya. At---Argh! Ginulo nya nanaman ang buhok ko! Pina-double loose plait braid ko lang ito kay mama at inabot pa kami ng thirty minutes, tapos ginulo nya lang! Nakakainis na Yonghoon!

"Ano bang sinisima-simangot mo jan? Matangos pa yang nguso mo sa ilong mo. Tara na sa unahan, sila Hyung na ang kasunod."

Nawala si kuya sa paningin ko dahil kay Xion. Hindi tuloy ako nakaganti. Lalaitin ko pa naman sana ang longsleeves nyang puro puno ng niyog at summer na summer. Kahit autumn naman talaga!

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now