34

8 0 0
                                    

"Lee Giwook."

Parehong nakasilid sa bulsa ng aking pantalon ang aking mga kamay nang lapitan ko sya. Parati syang ganito. Na kahit naglalakad na sa loob ng campus, nasa likod parin at nakasabit ang kanyang gitara.

"Nakalabas ka na pala."

"May kailangan ka ba?"

Kasabay ng paghinto nya sa paghakbang ay ang pagkalas ng nakapasak na airpod sa kaliwang tainga.

"Yung babaeng gusto mo..."

"...si Kang Rio yun, hindi ba?"

"..."

"Ang akala ko ba... pinopormahan mo yon?" -Dire-diretsong tanong ko sa kanya. Na mukhang walang ipinagbago sa kanyang ekspresyon. Sabagay, wala akong inaasahan sa isang Cya.

"Bakit?"

Kinuha ko ang natitira pang hakbang para mas lumapit sa kanyang harapan.

"Paano ba yan?"

"Mukhang nasasalisihan ka."

Naramdaman ko ang buwelo nya sa pagsasalita bago ako sagutin. Matagal ko na syang kakilala. Madalang kaming mag-usap, pero alam kong kaibigan ko sya. Kahit na minsan ay nayayabangan talaga ako sa kanya.

"Si Jung Subin ang kasama nya kahapon."

"Lamang pa naman sayo ng yabang ang isang yon."

"Paano ka na, Lee Giwook?"

Kahapon ng umaga habang nasa dayo kami ng bowling sa Yongsan, nakita ko ang Kang Rio na iyon. Sya yung babaeng patay na patay si Cya. Nakita ko syang umiiyak sa harap ni Jung Subin ng English Department.

Nakita ko rin ang pag-abot nya rito ng isang sobre, pagkatapos sabay silang umalis ni Jung. Para nga akong nanunuod ng Kdrama na walang subtitle dahil hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila.

Kung nililigawan nga ni Cya ang babaeng yon, sa nakita ko kahapon habang kaharap nito si Jung Subin...mukhang hindi si Cya ang gusto ni Kang Rio.

"Anong paano na ako?" -Tinanong nya ako kasabay ang pagkamot ng isang daliri sa kanyang ulo.

"..."

Wala naman akong pakialam sa mangyayari sa lovelife ng taong to e. Masarap lamang talaga sya asarin kung minsan. Madalas kasi, wala syang pakialam sa mga nangyayari. Parang si Kanghyun hyung rin...basta may hawak na gitara, buhay.

"Ikaw ang paano na, Xion."

Himala. Tinawag nya ako sa pangalan ko. Madalas kasi, lalo na kapag nasa inuman kami, Hoy ang tawag nya sakin, o di kaya ay 'Tol o Kambal ni Myeong.

"Sino bang may sabi sayong si Kang Rio pa ang nililigawan ko?"

Ano bang sinasabi ng batang to?

"Hindi ko na gusto ang babaeng yon."

"Habang tumatagal..."

"...pa-weird sya ng pa-weird."

Naupo sya sa katabing gutter, itiniklop ang isang binti at ang isa nama'y inihatag para ayusin ang sintas ng suot na white converse.

"Hindi na katulad nyang magaling sumayaw ang gusto ko."

Pagkatapos sa sintas ay ipinagpag ang dalawang palad atsaka tumingala sa kinatatayuan ko.

"Napag isip-isip kong..."

"..."

"..."

"...Mas gusto ko pala ang mga babaeng maganda ang boses at magaling tumugtog ng piano."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now