53

5 0 0
                                    

"Sinabi ko naman sa iyo, Hija..."

Hindi nya muna kinuha ang inilapag ko kaninang mga papel sa mesa. At sa pagtingin nya sa mga mata ko, alam kong nasa puso nya ang pakikipag-usap sa akin.

"Sinabi ko naman sa iyo, hindi mo kailangang mag-madali..."

"...napaka-rami mo pang oras na pag-isipan ito."

Ngayon nama'y inilapag ko sa mesa ang tsaa para sa kanya at kay Yonghoon. Ilang araw na rin silang nagagawi ditong mag-ama para tingnan-tingnan ako. Na hindi ko naman hiniling sa kanila.

Tsaa lamang ang mai-aalok ko dahil hindi pa ako nakapaghahanda ng pananghalian. Kanina kasing dapat ay pa-punta ako sa palengke ay may nangyaring hindi ko inaasahan, kaya wala akong ibang nagawa kundi bumalik pauwi.

Isa pa, kahit naman maghanda ako ng makakain ay laging sakto lamang sa akin. Dahil mag-isa lamang naman ako rito.

"Ilang gabi ko na rin po iyang pinag-isipan, Ninong."

"..."

"Isa pa po..."

"...Hindi naman gagawin ni Papa ang papel na iyan kung ayaw nya, hindi po ba?"

Kamakailan nang iabot sa akin ng papa ni Yonghoon ang mga papeles na iyon. Na kapwa mga importanteng dokumento. Binasa ko iyong lahat maigi bago naintindihang malinaw. Pero iyon at iyon lang rin naman ang nakukuha kong desisyon.

Naroon ang mga resulta ng check ups nya sa doktor na ni wala akong ideya kung kailan sya kumonsulta. Wala akong ideyang nakikipag-laban sya sa congestive heart failure. Hindi nya sinabi kahit na dadalawa na lamang kaming mag-kasama. At ng mga oras kung kailan kukunin na sya sa akin, sarili ko ang ipinagagamot ko at hindi sya.

"E ikaw?"

"Gusto mo bang...ituloy pa ang planong ito ng papa mo?" -Si Ninong.

Alam nyang ganoon na lamang ang buhay nya, hindi ba? Siguradong alam nya iyon. Kaya't inihanda nya ang lahat ng mga papel na ito para sa akin. Hanggang sa huli, ang iniisip nya ay ang maiiwan nya.

Ang titulo ng bahay at lupang minahal nila ni mama. Gayundin ang deed of sale nito na sya mismo ang gumawa. At ni hindi sya nagdalawang isip na pirmahan.

"Opo. Alam po ng papa ang lahat ng makabubuti sa pamilya namin."

"Lalung-lalo na...sa akin."

"Kaya ito po ang desisyon ko."

Narito rin ang titulo ng talyer at iba pang importanteng dokumento nito. Gayundin ang susi at listahan ng bonus ng mga mekaniko nya para sa susunod na taon. 13th month pay at benepisyo ng mga ito.

Ibebenta nya ang bahay pero hindi ang talyer na pinagkakakitaan ng mga pinagkakatiwalaan nyang mga trabahante.

Ang papa talaga.

"Kung gayon, kapag handa ka na, pwede kitang samahan sa abogado ng papa mo at makilala ang..."

"...bibili ng bahay nyo."

Wala na rin namang pag-gagamitan ang bahay na ito. Mga ala-ala ng pamilya ko at ng pagkabata ko na pareho lamang magpapa-alala sakin kay mama at papa.

Itong bahay naming pinaka-komportable sa lahat. Magaan maski sa mga bisita. Ang lumang sofa ni papa at mama sa tanggapan na nakatapat sa silangan. Ang kwarto nilang mag-asawa sa kasunod na pinto...kasunod ang kwarto kong may kamang si papa mismo ang gumawa.

Kusina na may mahabang mesa pero hindi nagagamit dahil sa sala rin kami kumakain palagi. Ang banyo kunsaan nag-coconcert parati noon ang papa ko. At ang hardin ni mama kahit na hindi sya marunong mag-tanim.

"Bukas..."

Ilang buwan o taon mula ngayon, mawawala na ang mga imaheng iyon sa utak ko.

"..."

"Bukas ko po gustong makita ang abogado." -Pagpipinal ko.

Noong bata ka, masarap isipin na ang bahay na kinalakihan mo...uuwian mo nalang isang araw kasama ang asawa at mga anak mo. Makikita mo ang ama at ina mong sabay tumatanda. Kakalungin ang apo at maghahanda ng pagkaing sama-sama nyong kinakain noong maliit ka pa.

"Kung iyan ang desisyon mo."

"Wala akong magagawa."

Lalabas ka sa pinto at lalanghapin ang hanging alam mong wala sa lahat ng tahanang napasukan mo.

Dahil IBA ang bahay ng magulang mo.

"E ang..."

"...Ang isa pang papel na para sa iyo?"

"Napag-isipan mo na ba?" -Sya muli.

Kasama rin sa bunton ng mga papel na iyon ang family registration na para sa akin.

May pirma iyon ni papa...at ni mama. Ibig sabihin lamang na matagal nang gusto ni papa na dalhin ko ang pangalan nya. Dahil isa akong Yang. Na syang apelyido iyon ni mama magmula nang maghiwalay sila ng una nyang asawa.

Pero ang narito't nakasulat ay isang Hwang Henna.

Marahil ang iniisip nyang naikasal na ako, kaya't hindi nya na binalak pang madala ko ang kanyang pangalan.

"Hindi ko pa po..."

"...Napag-iisipan ang tungkol riyan."

Ano ba ang kailangan kong gawin? Kung mayroon man...may mababago ba iyon sa buhay ko at sa totoong kinakaharap ko? Isa na akong Kim ngayon. Pangalan ng asawa ko ang dinadala ko sa halos dalawang taon. Alam iyon ng mag-amang ito...kaya't alam ko rin ang gusto nilang mapag-usapan sa paraan ng pagtatanong ni Ninong.

"Henna, hija."

Wala akong itinugon sa kanya. Pero handa akong pakinggan ang lahat ng sasabihin nya. Pakikinggan ko sya kahit na ayaw kong kimkimin ang anumang katotohanan sa sarili ko.

"Alam mong..."

"..."

"...magiging Hwang ka lamang kapag hindi ka kasal sa sinuman, hindi ba?"

Tama sya.

Bago ako maging legal na anak nya...kailangan kong ipanganak ulit...o humiling ng divorce sa lalaking syang taglay ko ang pangalan ngayon.

Alam kong hindi lamang nila tinatanong dahil ayaw nilang alalahanin ko ang pang-iiwan ng asawa ko. Pero gusto nilang marinig ang tungkol roon.

Kung ano ang nangyari at kung nasaan ito.

"Papa, oras na ng pananghalian."

"Mabuti pa ay umuwi na tayo."

"Henna, sumama ka na at sa amin ka na rin kumain."

Magkakasunod na sabi ni Yonghoon sa kanyang ama. Na alam kong gusto lamang iliko ang usapang iyon. Noon pa man, palagi nyang pinagtatakpan ang nararamdaman ko.

Ang totoo ay hindi ako takot harapin ang tungkol sa usapang iyon. Natatakot lamang akong walang pag-piliang desisyon. Kahit na wala ng natitira sa akin, pakiramdam ko ay maya't-maya parin akong nawawalan.

"Kapag nalaman ko kung nasaan ang asawa ko..."

"..."

"..."

"..."

"...Baka makapagdesisyon na rin po ako tungkol sa papel na iyon."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon