08

22 2 0
                                    

"Mahal..."

Kinusot nya ang mga mata para maaninag ako. Mula sa kinauupuang silya ay alam kong kamumulat lamang nya. Pinagpagan ang laylayan ng suot nya at humakbang ng mas malapit pa sa akin.

At naramdaman ko ang mabagal na haplos ng mainit nyang mga palad sa aking pisngi. Kahit na patay ang ilaw, malinaw ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.

Kinabig ko sya palapit sa akin.

Niyakap ng mahigpit.

Saka hinaplos ang kanyang buhok na naipon sa kanyang likuran.

Bakit kailangang malungkot sya ng ganito dahil sa kagaguhan ko? Ang asawa ko...ramdam na ramdam kong hindi sya masaya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" -Tanong ko habang nakakulong parin sya sa mga bisig ko. Si Henna naman ay lalong hinagpitan ang pagyakap sa akin.

"..."

"Hinihintay kita... Pero nakatulog parin ako... Pasensya ka na..." -Kamot ulo sya na akala mo sya pa ang may kasalanan sa akin.

Alas onse pasado nang maabutan ko syang tulog at naka-ub ob sa mesa, hawak pa nya sa kabilang kamay ang isang lighter na malamang ay ipangsisindi nya ng cake sa kanyang harapan.

"H-happy birthday, Mahal."

Sa tuwing ganito katamis ang ngiti nya sa akin, wala akong ibang nararamdaman kundi mahawa sa nararamdaman nyang saya. Pero bakit pakiramdam ko ayaw nyang makita kong nasasaktan ko sya?

"Henna... I'm sorry."

"..."

"... I'm so sorry."

Kinabig ko syang muli palapit sa akin dahil lalo kong nakikita ang pagkakamali ko sa inosente nyang mata at labi.

Sana nararamdaman nya ang lahat ng pagmamahal ko sa mas lalong paghigpit ng aking yakap at mga halik ko sa kanyang noo. Sana kahit kaunti ay magpakita sya ng galit sa akin, dahil para akong mababaliw sa konsensya kong ito. Kapag mas mabait sya sa akin, mas lalo kong nararamdamang nasasaktan ko sya.

"A-ayos lang, Mahal. Gusto mo bang magpahinga na tayo?"

"...Ang lalim na ng mata ng asawa ko."

Hindi manlang ba sya hihingi ng paliwanag sa akin? Dahil kahit na gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi sya masasaktan, at kung paano ko sasabihin na hindi nya iisiping mahal ko pa si Solar.

"Ayaw mo bang pag-usapan kung bakit ganitong oras na ako nakauwi?"

Mabilis syang umiling sa akin.

"..."

"Kahit na asawa kita, may privacy ka parin para sa mga bagay na ayaw mong sabihin sa akin..."

"..."

"...Hindi ako hihingi ng paliwanag dahil asawa kita at may tiwala ako sa mga desisyon mo, Leedo."

Pagkatapos ay ibinigay nya sa akin ang ngiti na mag-aalis ng pag-aalinlangan kong hindi nya maintindihan ang lahat.

Bago kami ikasal, ni hindi ko sya kayang i-approach dahil ayaw kong madagdagan pa ang pagiging malapit nya sa akin. Ang akala ko'y wala akong ibang mararamdaman sa loob ng marriage na ito kundi panghihinayang sa relasyon namin ni Solar.

Pero ibang iba ang pagkakakilala ko sa kanya.

Dahil ngayon, ni hindi ko maalalang nagsisi akong sya ang naging asawa ko. Kahit madalas hindi ko naipaparamdam ang pagiging asawa sa kanya, sa ipinapakita nyang tiwala sa akin, alam kong alam nyang mahal na mahal ko sya.

"Gusto mo bang magshower? Ihahanda ko ang bihisan mo."

"Huwag na, pagod ka na rin. Halika na, magpahinga na tayo."

Pagkatapos nyang mailagay ang cake sa loob ng pridyider at ayusin ang kumot ni Gunhee habang tulog ito sa sofa, niyaya ko na sya sa kwarto hawak sa kanyang beywang. Saglit akong nagbihis ng mas komportbleng damit at umakyat na rin kaagad sa higaan.

"Mahal..."

"...Nag-file ako ng leave para bukas, gusto mo bang lumabas tayo?"

Mabagal syang humarap sa akin at kinuha ang aking kanang braso para iyakap sa kanya.

"Huwag na. Gastos lang yun e. Dito nalang tayo sa bahay."

"Tsaka isa pa, malapit na ang second semester ni Gunhee, kakailangan nya ang pera para sa enrollment."

Kaya malapit sa kanya ang kapatid ko dahil ganito nya kung ituring. Noong may relasyon pa kami ni Solar, hindi naging ganito ka-komportable si Gunhee sa kahit sinong babae, maliban na lamang nang si Henna na ang naging ate nya.

"Iba ang para sa kapatid ko at iba rin ang para sa asawa ko... Huwag kang mag-alala, pinaghahandaan ko rin naman ang pag-aaral ng batang iyon e."

"Kaya pumayag ka na, saan mo ba gustong pumunta?" -Ako.

"..."

"O sige. Pero...wala naman akong ibang...alam na puntahan maliban sa bahay natin, sa bahay ng mga kaibigan natin, at sa bahay ni papa e." -Pabiro nyang sabi.

Tama sya. Nakilala ko talaga syang bahay-eskwelahan. Prinsesa kung ituring nina mama at papa, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit halos hindi sya lumalabas ng bahay.

Kundi dahil mas gusto lamang talaga nyang nasa bahay, kaharap ang kung anu-anong tinta at walang tigil sa kagagawa ng mga piyesa nya.

Maliban nang ikasal kami at igugol ang dalawang taon nya para sa akin. Nabubuhay sya kung paano dapat kumilos ang isang babaeng asawa sa bahay at pamilya nito. At ginagawa nya iyong lahat para sa akin. Natutunan nyang lahat para sa akin.

"Pero...pwede bang sa beach tayo pumunta?" -Mula sa pagkakayakap sa akin ay tumingala sya para malaman ang aking sagot.

"..."

"May alam akong magandang beach..." -Ako.

Ang Muchangpo beach ng Daecheon ang tinutukoy ko. Isa iyon sa mga paborito kong pasyalan noong college, lalo na sa tuwing buwan ng July. Dahil bukod sa magandang sunrise at sunset, sa mga ganitong panahon ng taon nahahati ang karagatan katulad nang nangyari sa bibliya. Ang tawag nga dito ng mga taga-roon ay Moses Phenomenon.

"Salamat, Mahal." -Sya.

"Para saan?"

"..."

"..."

"Kasi...alam ko naman na bumabawi ka sa akin kaya mo gagawin ito, hindi ba?"

Alas dose pasado na ng madaling araw at kahit lampshade na lamang ang buhay ay nakikita parin sa kanyang mga mata ang kislap nito. Dahil kahit na ganito ang nangyari ngayong araw, hindi nito nabawasan ang pagiging inosente ng aking asawa.

Iniangat ko ang kanyang ulunan at kusa syang umunan sa aking braso. At matapos syang halikan ng saglit sa labi ay mas lalo pa syang yumakap sa akin.

Ito ang pinakang masayang pakiramdam sa lahat. Na pagkatapos ng mahabang araw, magkayakap parin kaming natutulog parati.

"Matulog na tayo...maaga kitang gigisingin bukas."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant