26

12 0 0
                                    

"A-anong nangyari?"

Ito talagang si Seoho, kahit na yata mamatayan sya ay ngingitian ka parin nya. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na ang mukha nyang malawak ang ngiti. Ganoon parin ang ngiti nya kahit na mukhang nangalay sya sa pag-akay kay Leedo at napakamot ulo na lamang nang tanungin ko kung anong nangyari.

"Ito kasing si Leedo e."

Alas nuwebe pasado ng gabi, at oo nga, si Leedo nga ang hawak nya at hindi na ito halos makausap ng maayos, walang sagot kundi mahihinang ungol. Palatandaang naparami ang inom nito, bagay na hindi nya ginawa noon man.

"..."

"Ah Henna..."

Ano bang sasabihin ni Seoho, bakit kahit na palangiti sya ay kinakabahan ako? Lalo na at ang tagal nyang sundan ang sasabihin.

"Pwede bang ipasok ko na ang asawa mo? Medyo mabigat kasi sya e. Hehehe."

"Ah---ha, eh---oo---oo sige sige, tulungan na kita. Hehe. Pasensya ka na---m-mabigat talaga yan e. Napakalakas kasing kumain."

Hindi nya na ako nasagot kahit nang mapagtulungan naming maihiga si Leedo sa sofa. Na lasing na lasing. Inalis ko ang suot na sapatos nito, at bago pumunta sa kusina para kumuha ng planggana at bimpo ay kinausap ko muna si Seoho sa kung paanong kasama sya nito nang umuwi.

"Tumawag sa akin yan kanina na nag-iinom raw sya sa Level Up..."

"...E may tinuturuan pa ako nung tumawag kaya hindi ako kaagad nakasunod."

"Pag-punta ko, ayun, sakto, pinauwi na sakin nung waiter. Di manlang ako pinaupo."

Ano bang nangyari sa taong ito at uminom syang mag-isa? Nang huli nyang gawin ito ay noong maospital ang kapatid nyang si Gunhee. Pero ngayong ako mismo ay hindi alam kung bakit sya nagkakaganito, ano bang iisipin ko kundi nasa aming dalawa ang mali.

"Gusto mo bang kumain muna? T-teka, ipaghahanda kita."

Bago ako tumalikod papunta sanang kusina ay mabilis ring humindi si Seoho sa akin.

"---Naku, Henna, wag na, sa apartment na lamang ako kakain. Pauwi na rin ako."

"Sigurado ka ba? Pasensya ka na sa abala, ha?"

"Ayos lang yun, basta't sabihin mo sa asawa mo ay may utang sya sa aking tagay ha? Sige na, asikasuhin mo na iyan at amoy suka pa ang polo nyan."

"S-sige. Mag-ingat ka. Salamat ulit."

Nang makalabas si Seoho ay isinara ko na ang pinto. Lumakad palapit sa asawa ko at napabuntong hininga tsaka pumasok ng kusina para kumuha ng bimpong ipangpupunas sa kanya.

Makailang lingon kay Leedo mula sa kusina at hindi manlang sya nagpihit ng pwesto. Talagang marami syang ininom at alam kong sinadya nya iyon. Siguradong hindi nanaman ako patutulugin ng isip ko, dahil sigurado rin akong may kinalaman sa amin ito. Hindi sa kanyang trabaho, kaibigan o kapatid, kundi sa aming dalawa.

Kung tatanungin ko naman sya, alam kong hindi sya magsasabi ng totoo dahil ayaw nyang makaramdam ako ng discomfort sa pagitan naming dalawa.

"Mahal..."

"...huhubarin ko ang polo mo, ha?"

"..."

"..."

"Bakit ka ba kasi nag-inom ng sobra?"

"Amoy suka tuloy ang asawa ko."

Kahit na hindi sya sumasagot ay nagsasalita akong parang tanga. Nagsimula sa pagbukas ng butones ng kanyang puting polo. Ang suot nyang coat nang pumasok sa trabaho ay naiuwi rin ni Seoho.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ