43

6 0 0
                                    

"W-wala ba... si Leedo?"

Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang aking asawa sa palibot ng mga lalake sa loob ng kwarto. Nahirapan ang mga palad ko sa pagtiklop at parang matagal na mula nang huli ko itong maigalaw. Pati mga mata ko na napakabigat katulad ng pakiramdam sa tuwing nakakatulog ako na umiiyak.

"May nakikita ka ba?"

Ang mga tono nyang nang-aasar nanaman. Sila lamang ni Woong at Keonhee ang narito. Ang alam ko'y mamayang gabi ang pinaghahandaan nyang pagtugtog sa lantern festival. Sa lalim ng mga mata nya, ilang gabi ba ang hindi nya tinulugan para sa pag-eensayo nila ng banda? Pero bakit narito sya at nakuha pang dumalaw sa akin.

"Bakit dumalaw pa kayo? Mamaya na ang event, diba?"

"Nasaan ang papa?"

Nagpalitan lamang ang tatlo ng sulyap sa akin. Kung naigagalaw ko lamang ng mabilis ang katawan ko ay bumangon na ako para uminom ng tubig dahil halos mapunit ang aking labi sa panunuyo nito.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Kagabi pa kami tumugtog, baliw."

"..."

"..."

"Dalawang gabi at halos dalawang araw ka nang tulog."

S-seryoso ba ang Yonghoon na ito? Imposible. Ang sabi ni doktora ay mabilis rin akong magigising kapag nawalan ng bisa ang anaesthesia. Kagaya ng sinabi nyang hapdi at kirot ng sugat sa oras na gumising ako, na totoong nararamdaman ko na.

"Bat hindi pa kayo magsi-uwi ng makapaghanda ka para mamaya, Yonghoon?"

"Baka sisihin mo pa ako kapag nagkamali ka sa performance mamaya e."

"Pabalik naman na siguro ang papa, ayos lang ako dito. Lalabas na rin ako mamaya."

Dinampot ni Woong ang telepono nya sa katabing mesa, may itinype mula dito at saka iniaabot sa akin ng walang ibang sinasabi. Kundi ang mata nyang malaki parin kahit na mukhang maga sa pagpupuyat.

Hindi ko kaagad naintindihan ang gusto nyang sabihin, maliban nang i-play ko ang video'ng inilatag nya sa harapan ko.

"..."

"..."

"..."

I-ito?

"Tingnan mo ang date."

Si Woong sa akin. P-pero bakit hindi ko maalala? Anong nangyari, bakit nagkaganoon? Kahit na dalawang araw lamang ang lumipas ay hindi parin normal iyon na gaya ng inaasahan ko.

Ang petsa nito ay kagabi pa at hindi ako pinagtitripan lamang ng tatlong ito?

"Magpalakas ka na at hinihintay ka na ni Tito." -Si Yonghoon nang iabot sa akin ang ginayat na prutas.

Patuloy kong pinanuod ang video mula sa kuha ni Woong. Kung gayon, totoong napatagal ang aking pagtulog? Kaya pala ganito kabigat ang mga mata at buong katawan ko. Natapos ang lantern festival habang mahimbing ang tulog ko?

Hindi pa natatapos ang video nang mabilis itong agawin sa akin ni Hwanwoong. Hindi ang pugto nyang mata ang pinansin ko kundi ang inginungusong doktor na syang nagbukas ng pinto at ngayo'y papalapit sa amin.

"Good afternoon."

"How was your rest, Mrs. Kim?"

Rest? Rest ba iyong pakiramdam ko'y pagod na pagod ang katawan ko dahil sa matagal na paghiga? Ngumiti sya nang makarating sa harapan namin at tiningnan ang nakasabit na suwero.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now