Chapter 25

507 10 1
                                    

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at ngumiti. Ang bilis ng panahon halos isang buwan na akong nililigawan ni Mateo, walang araw na hindi niya ako pinapangiti.

Laging tinatawagan, hatid sundo at binibigyan ng bulaklak pati na rin si Mommy. He also wants to win her heart kahit payag si Mommy na panliligaw niya sa akin. Alam na rin ni Tita Belle ang tungkol sa panliligaw niya.

Kinuha ko na ang bag ko para sa baba na hintayin ang pagdating niya. Pagkabukas ko ng pinto ay saktong bumangad din si Mommy.

"Good morning Mommy!" masayang sabi ko.

"Good morning anak, andyan na si Mateo sa baba," mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Dati ay napakaliit mo pa ngayon ay dalaga na at may nanliligaw na."

Kita ko sa mata ni Mommy na tila ano mang oras ay parang maiiyak siya.

"Mommy naman, napakaganda kaya ng anak mo kaya may nanliligaw," biro ko.

"Sinagot mo na ba siya?"

Umiling ako, hindi ko rin alam kung paano ba siya sasagutin. Napatingin ako sa kamay ni Mommy ng hinaplos ang kamay ko.

"Anak ramdam ko naman na mahal mo rin si Mateo at may tiwala ako sa kan'ya na hinding hindi ka niya papaiyakin. Lagi mo lang tatandaan anak na alam niyo ang limitasyon niyong dalawa."

Tumango ako kay Mommy.

"May tiwala ako kay Mateo...Mommy at alam kung gano'n din po siya sa akin."

Ngumiti si Mommy at muli akong yinakap bago tuluyan bumaba. Napatigil ako at pinagmasdan si Mateo na naka upo sa sofa habang naghihintay sa akin.

"Baka matunaw anak," gulat akong napatingin kay Mommy na natatawa.

"Mommy!" napasimangot ako.

Tumawa lang sila at ginuyod na ako pababa. Napatayo si Mateo ng makita ako at lumapit sa akin para kunin ang bag ko, halos sa isang buwan ay gano'n ang nangyayari siya ang nagdadala nito.

"Good morning," aniya.

"Good morning," mahina kung sabi dahil titig na titig sa amin si Mommy.

"Mag iingat kayo Mateo," sabi ni Mommy at hinatid kami palabas.

"Yes po Tita."

"Good morning Manong," bungad ko ng makita si Manong Nald na naglilinis ng sasakyan.

Ngayon ay si Mommy na ang hinahatid sundo nila sa trabaho. Tumango si Manong at muling nagpatuloy sa paglilinis.

Pinagbuksan ako niya ako ng pinto bago inabot sa akin ang bag ko.

"Goodbye Mommy."

Kumaway ako sa kanila at muling nagpaalam din si Mateo bago pinaandar ang sasakyan.

"Did you eat your breakfast?"

"Oo naman, ikaw?"

"Yeah, I just cooked sunny side up and bacon."

Napatango tango ako at tinitigan siya. Tila biglang umandar ang kapilyahan ko at gusto gayahin ang hilig niyang gawin sa akin. Nasa mood ako ngayon na pagtripan siya.

"Why are you staring at me?" saglit niya akong sinulyapan.

"Bakit bawal? Eh ganito ka rin naman sa akin ah."

Kita ko ang pag ngisi niya.

"Because I love staring at you, if you want I could stare into your eyes all day because you have the most beautiful eyes that I've ever seen."

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now