Chapter 28

437 13 1
                                    

"Klea, Angel kami na ni Mateo," mahina kung sabi sa aking sarili.

Impit akong napasigaw at ginulo ang aking buhok. Kasulukuyan akong naglalakad ngayon papasok dahil ngayon umaga ay sasabihin ko na sa kanilang dalawa, hindi rin ako nakisabay kay Mateo dahil todo praktis ako kung paano sisimulan sabihin sakanila ang tungkol sa amin.

Natatakot ako kung anong magiging reaksyon nilang dalawa dahil matagal kung nilihim ang tungkol kay Mateo.

Napahinga ako ng malalim para mawala ang nerbyos ko.

Napatingin ako sa paligid ng halos lahat ng nakakasabayan at nadadaanan ko ay napapatingin sa akin, napakunot noo ako ng magsalita ang babaeng nakasalubungan ko.

"Siya ba 'yun?" umiwas ako ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon.

Diretso na ang tingin ko sa daan at napangiti ng makita ko ang kaklase ko noon, kakaway sana ako ng inirapan niya ako napailing iling.

Hanggang sa malapit na ako sa klassroom namin ay napatigil ako sa paglalakad ng makita ang mga kaklase ko na nasa labas at napahinto sa pagsasalita ng makita nila ako. Muli kung inilibot ang tingin ko at namanhid ang mga paa ko ng makita ang mga picture na nadikit sa dingding.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag at dahan dahan iyon nilapitan, tila tumigil ang mundo ko ng  makita ang picture namin ni Jacob.

Sinong may gawa nito?

Bumilis ang kabog ng puso ko at napatingin sa mga taong napatigil sa paglalakad at halos patayin na ako sa tingin.

Muli kung tinignan ang mga ibang pictures at halos manlumo ako dahil sa halong halong pictures namin iyon ni Jacob na magkasama at magkausap kami sa bus, sa library kung saan sinalo niya ako at iba pa na magkausap kami.

Nanginginig ang buong katawan ko ng makita ang sumunod na pictures kung saan kasama ko naman si Mateo. Napakuyom ang kamao ko ng makita ang isang picture na kuha kagabi kung saan kayakap ko siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinanggal ang mga iyon.

"Damn it! Ang landi mo Samantha!"

Nag umpisa na ang kanilang bulungan

"Akala ko pa naman mabait siya 'yun pala nasa loob ang kulo."

"Akalain mo 'yun pinagsabay ba naman si Mateo at Jacob. Hindi na nahiya!"

Napapikit ako at tinanggal ang mga pictures na nakadikit.

Hindi ko alam na may taong gagawa nito.

"Two timer!"

Mas lalo kung kinagat ang aking labi na tila dudugo na iyon dahil hindi ko makayanan ang mga pinagsasabi nila at haharap na sana ng may maramdaman akong may bumato sa aking ulo at ng tignan ko iyon ay binato ako ng itlog.

Hanggang sa sunod sunod na ang pambabato sa akin, hindi ako nakapagsalita at tuluyan ng bumuhos ang luha ko habang sinasangga ang mga bato nilang kung ano ano.

"You deserve that bitch!"

"Ibuhos niyo na ang harina!"

"Tama na!" sigaw ko at napaluhod.

Ramdam ko ang sakit sa aking katawan dahil sa mga binabato nila sa akin.

"Samantha!" rinig kung nalulunod na sigaw ni Angel dahil sa walang humpay na sigaw na pinagsasabi nila sa akin.

Iaangat ko sana ang aking tingin ng mapatigil dahil binuhos nila sa akin ang harina. Napaubo ako at halos hindi makahinga.

Tanging iyak lamang ang nagawa ko habang sinasangga ang mga bato nila. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito sa akin.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now