Chapter 41

433 12 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong namalagi dito sa hagdan. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko para hindi magtaka si Mommy kung anong nangyari sa akin.

Kahit nanginginig ang paa ay pilit akong tumayo na para bumalik na sa aking kuwarto. Napahawak ako sa dingding bilang alalay. Habang papalapit na ako ay tumigil ako sa paglalakad at inayos ang aking buhok at pilit na ngumiti na tila walang nangyari.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at nang bubuksan ko sana ang pinto ay agad bumungad sa akin si Mommy.

"Anak! Saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap," nag aalalang sabi ni Mommy.

Inalalayan nila ako hanggang makaupo sa kama.

"Nag banyo lang po."

Tinitigan nila akong mabuti sa mata kaya agad akong napaiwas nang tingin at inaabot sa side table ang binili nilang pagkain para sa akin.

"Pumunta ka ba sa kan'ya?" sumeryoso ang boses nila kaya agad akong umiling.

"Hindi po Mommy," pagsisinungaling ko at nilantakan ang lugaw na bili nila para makaiwas sa ano man pang tanong nila.

Hindi ako makakain ng maayos dahil sa titig ni Mommy. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni Klea kanina. Sobrang sakit na gano'n pala ang tingin niya sa akin na huhusgahan ko siya kung sakaling malaman ko ang lahat sa kan'ya.

Naaawa rin ako dahil di ko akalain na sa likod ng masaya niyang ngiti ay may kinimkim pala siyang sakit na pinagdaanan niya noon.

"Tita," sabay kaming napalingon ni Mommy sa pinto ng pumasok si Angel.

"Oh ba't andito ka? 'Di ba may klase kayo ngayon?" napatayo si Mommy at kinuha ang plastic na dala niya at inilagay sa lamesa.

"Hindi po muna ako papasok ngayon," aniya at saglit akong sinulyapan.

"Bakit? Naku Angel kailangan mong pumasok dahil malapit na ang exam niyo," nag-aalalang sabi ni Mommy.

Napailing si Angel at tumabi sa akin sa kama. "Dalawang subject lang naman po ang klase namin ngayon kaya madali lang po akong makakahabol."

"Naku! Kahit na."

"Wag kayong mag alala Tita papasok rin po ako bukas," natatawang sabi niya.

"Ikaw talagang bata ka!" naningkit ang mata ni Mommy at natawa rin.

"Oh siya at maiwan ko muna kayong dalawa saglit, babayaran ko lang yung hospital bills dahil makakalabas na rin si Samantha mamaya."

"Talaga po Tita?" sabay sulyap sa akin kaya napatango ako.

"Great!" masayang sabi niya.

Sinuklian ko ang ngiti niya at nahihiya rin sa kan'ya dahil pinaalis ko siya kagabi nang hindi man pang nakapagpaalam.

Nagpaalam si Mommy na lalabas na pero ramdam kung hindi siya naniwala sa sinabi ko kanina.

I'm sorry, Mommy.

"Wala na bang masakit sa'yo?" tanong niya kaya napailing ako at inilagay na sa mesa ang pinagkainan ko.

"Pasensya nga pala kagabi at pinaalis kita," mahinang sabi ko.

Ngumiti lamang siya at marahan na tumango. "Ayos lang Samantha, ang importante ay maayos ka na ngayon."

Maayos na ba talaga ako? Sa dami ng nalaman ko ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung paano ko uumpisahan sabihin sa kan'ya ang tungkol kay Klea. Kailangan niya rin malaman ang lahat.

"Samantha.."

"Hmm?" nang mapatitig ako sa kan'yang mata ay mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

I Wish It Was Me (Book 1)On viuen les histories. Descobreix ara