Chapter 51

505 14 4
                                    

Napatitig ako sa kisame, ala una na nang madaling araw pero di pa rin ako madalaw dalaw ng antok. Napagilid ako ng higa at napabuntong hininga. Gulat pa rin ako dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin mamaya dahil ramdam kung susunduin niya ulit ako para ihatid sa trabaho.

Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng tumunog ang cellphone ko. Napakunot noo ako dahil wala naman akong inaasahan na tawag ng ganitong oras. Napabangon ako at kinuha ang cellphone ko, nanlaki ang mga mata ko ng makitang rumehistro ang pangalan ni Angel sa screen.

Kaagad kung sinagot ang tawag niya. "Hello?" bungad ko.

"Hi, Samantha."

Napakurap kurap ako at mas lalong napaayos ng upo. Ang tagal na naming hindi nag uusap.

"Kumusta ka na?" agad kung tanong.

"Okay naman, pasensya na at tumawag ako ng ganitong oras kahit alam kung madaling araw na diyan. Nagbabasakaling sagutin mo tawag ko, ngayon lang kasi ako hindi busy sa trabaho."

Napangiti ako dahil hindi niya talaga ako nakakalimutan tawagan pag hindi siya busy sa kanyang trabaho.

"Namiss kita, Angel."

"Namiss din kita," mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Ano may boyfriend na ba?" biro ko.

Saglit tumahimik sa linya niya at rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Naalala mo pa ba si Harvey?"

Kumunot noo ako at napaisip, agad ding nanlaki ang mata ng maalala si Harvey. Siya 'yung palaging binubully noon.

"Bakit anong meron sa kan'ya?"

"Hindi ka maniniwala sa sabihin ko pero katrabaho ko siya ngayon at..." napatigil siya sa pagsasalita. "Hindi ko talaga akalain na si Harvey pala 'yung katrabuhan namin, ang laki ng pagbabago niya kaya hindi ko siya nakilala."

Mas lalong kumunot noo ako dahil hindi ko alam kung anong meron kay Harvey at binabanggit niya ngayon.

"Kasi ganito 'yan..." ramdam ko ang pagkairita sa boses niya.

"Ano bang gusto mong sabihin?"

"Na ano kasi.... Lasing ako tapos may nangyari sa aming dalawa."

Nanlaki ang mata ko. "ANO?!"

"Eh kasi lasing ako tapos hindi ko na maalala kung anong mga ginagawa ko, nagising na lang ako na katabi ko siya."

Napahawak ako sa aking noo. Hindi ko akalain na magtatagpo ang landas pa nilang dalawa, naalala ko noon kung gaano rin kahate ni Angel si Harvey tapos ganito ang mangyayari.

"Kailan pa iyan?"

"Matagal na pero naulit ulit.."

Laglag ang panga ko.

"What the?! Angel!" galit kung sabi. "Kayo ba?"

"Hindi ko rin alam, pero Samantha, nahuhulog na ang loob ko sa kan'ya. Gosh! Ang laki talaga ng pagbabago niya from patpatin to... Gosh!" hindi niya mabanggit banggit.

"Bakit hindi mo siya kausapin? Para linawin kung anong meron talaga sa inyo! Angel!"

"Natatakot ako na baka wala talaga siyang nararamdaman sa akin, sa trabaho ay halos hindi niya ako kausapin. Sa tingin ko ay galit siya dahil sa pambubully ko rin sa kan'ya noon," ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Napabuntong hininga rin ako. "Tandaan mo ayaw na ayaw din kitang nakikitang nasasaktan dahil sa lalaki, kaya mas mandang kausapin mo siya tungkol diyan Angel."

"Ano ba 'yan, 'wag natin siyang pag usapan! Kaya napatawag ako dahil gusto kitang kumustahin," pang iiba niya ng usapan.

Napabuntong hininga na lamang ulit ako. "Wala naman bago sa akin, trabaho lang talaga."

I Wish It Was Me (Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora