Chapter 17

9.4K 163 1
                                    

Tahimik ko lamang pinagmamasdan si Angel na kumakanta. Hindi maalis sa isipan ko ang kasama ni Mateo kanina.

Ngayon ko lang ulit siyang nakangiti dahil sa kan'ya. Siya ba iyong babaeng tinutukoy na kaibigan nila ni Jacob?

Sila na ba ng babaeng 'yun? O nililigawan? Alam ba ito ni Jacob?

Napabuntong hininga ako at inabot ang softdrinks.

"Hit you with that ddu-du ddu-du du." kanta ni Angel at sinabayan pa nito ng sayaw.

"Ah yeah, ah yeah." tinapon ko ang unan na sa tabi ko sa kan'ya dahil nagtwerk pa ito.

"Tumigil ka nga!"

Sabay tawa kahit papaano ay naibsan ang kung anong nararamdaman ko ngayon.

Rinig ko din ang mahinang tawa ni Klea habang pinagmamasdan si Angel.

"Ano ba kayo! kaya nga tayo andito para magsaya tapos andyan lang kayo tutunganga. Kumanta din kaya kayo!" galit niyang sabi at kumanta ulit.

Umiling ako at inabot ang chichiryang binili namin.

Tahimik lamang namin pinapanood si Angel na kumakanta hanggang sa mapagod siya at umupo sa pagitan namin ni Klea.

"Ba't ang tahimik niyong dalawa ngayon. Let's enjoy this moment! Masyado tayong stress ngayong buwan," aniya at kumuha din sa kinakain ko.

Tumayo ako dahil tama siya, andito kami ngayon para magsaya at ayaw kung magpaapekto kay Mateo.

Magsama silang dalawa.

Hinablot ko ang mic na nasa kamay ni Angel at pumili ng kanta. Matapos ay tumitig ako sa kanilang dalawa at initaas ang kilay para ipahiwatig ang gustong sabihin.

Napangisi si Klea at tumayo na.

"Okay fine! Let's do it!" napasigaw si Angel at kinuha pa ang dalawang mic na nasa gilid.

Napangiti ako dahil ngayon lang namin ulit ito gagawin, ang sabay na kumanta na tila walang inaalala na problema. Nagkakakatitigan kami ng tumugtog na ang kanta.

"Girls, we run this mutha (yeah)." sabay sabay naming sabi at nagtawanan.

Malaki ang ngiti ko habang sabay sabay namin itong kinakanta. Todo sayaw naman si Angel buti nalang ay covered ang room na ito at walang nakakita sa mga pinaggagawa namin sa loob.

Hanggang sa matapos ang kanta ay wala pa rin tigil si Angel sa pagsasayaw kaya hinila ko na siya at pinaupo. Pabagsak akong umupo habang habol habol ang hininga.

"Gosh! Ngayon lang ulit natin ito ginawa!" sabi ni Angel na halos pahiga na sa upuan dahil sa sobrang pagod.

Malaki pa rin ang ngiti ko dahil kahit papaano ay nawala sa isip ko si Mateo.

Parehas kaming napatingin kay Klea ng tumunog ang cellphone nito.

"Okay po papunta na po kami diyan," aniya at binaba din agad ang tawag.

"Andito na si Manong," sabay tingin sa aming dalawa.

Napatango ako at muling tumayo para ligpitin ang kalat namin at matapos ay agad ding kaming lumabas.

Habang nasa sasakyan ay nakasandal lamang ako sa bintana habang si Angel ay abala sa pagcecellphone at gano'n din si Klea. Ayaw kung ilabas ang cellphone ko dahil makikita ko lang ang mga mensahe ni Mateo.

"Samantha," napaangat ako ng tingin kay Angel na nakaupo sa front seat dahil mas gusto niya dun kaysa dito sa backseat.

"Umm?"

"What is this? Kailan ito nangyari?" napakunot noo ako at tinignan ang cellphone niya ng iniharap niya ito sa akin.

"If anyone of you hurt her again, say hi to hell."

I Wish It Was Me (Book 1)Där berättelser lever. Upptäck nu