Chapter 46

407 18 4
                                    

Ngayong araw ay halos wala akong lakas at gustong 'wag na lang pumasok. Gusto kung igugol ang natitirang oras ko para makasama si Mateo.

Mugto ang mga mata ko kakaiyak kagabi dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin pag alis ni Mateo. Ngayon ay kasulukuyan kaming pabalik ng klase ng mautusan kami ni Angel na ibalik sa library ang librong nagamit namin kanina.

Nang mapadaan kami sa Dean office ay napatigil kami sa paglalakad ng lumabas si Klea. Ramdam ko agad ang paghawak ni Angel sa pulsuhan ko.

Napahinto rin si Klea sa paglalakad ng makita kaming dalawa.

"K..klea," mahinang sabi ni Angel.

Lumapit siya sa amin at tipid na ngumiti kay Angel.

"Puwede ba kitang makausap Angel?" mahinang tanong niya.

Mukhang alam ko na ang dahilan, napatingin sa akin si Angel at napakunot noo. Kaya tipid rin akong ngumiti at tumango na lamang.

"Sige na, may importante siyang sasabihin. Doon na lang muna ako sa rooftop, total ay wala naman tayong klase," sabi ko.

Mas lalong kumunot noo siya kaya napalingon na ako kay Klea at nagpaalam.

Habang papunta roon ay napaisip ako sa magiging reaksyon ni Angel pag nalaman niyang babalik si Klea sa Canada. Alam kung sobra siyang masasaktan dahil sa totoo lang ay bago pa man nila ako makilala ay matagal ng silang magkaibigan na dalawa. Mas malalim ang pagsasamahan nilang dalawa kaysa sa akin.

Humawak ako sa railings at pinikit ang mata nang lumakas ang hangin, nagulo ang buhok ko at hindi ko inabalang ayusin iyon.

Bukas na ang alis nilang dalawa, bukas na matatapos ang lahat. Nakapag desisyon na ako, kahit sobrang hirap tanggapin ay kailangan kung gawin. Dahil ayoko sa huli na may masasaktan pa rin ako.

Ramdam ko ang init ng sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya napagpasyahang kung umupo na at muntik akong mapasigaw sa gulat ng pagharap ko ay bumungad sa harapan ko si Jacob.

"Are you okay?" kaagad niyang tanong.

Saglit akong napatitig sa kan'ya at hindi siya pinansin. Muli akong humarap sa railings at umusod para hindi mainitan. Napatitig ako sa mga estudyanteng nasa baba na tila walang problema sa mundo habang nagkwekwentuhan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ng hindi pa rin siya tinitignan.

Kita sa gilid ng mata ko na tumabi siya at sumandal sa railings medyo may kalayuan sa akin.

"I just want to rest here," sagot niya.

Malalim akong napabuntong hininga, alam niya rin bang babalik na si Mateo at Klea?

Pasimple akong sumulyap sa kan'ya dahil ngayon ko lang narealize na nasaktan ko rin siya sa mga sinabi ko noong nakaraan. Tinulungan niya na nga ako sa mga taong umaway sa akin pero ako pa ang may ganang magalit.

"Sorry nga pala noong nakaraang araw, hindi ko sinasadya 'yong mga sinabi ko. Pero mas magadang layuan mo na lang ako para di ka madamay," diretsahang sabi ko.

"I won't do that. I don't care about them, what matters is that you are okay," sabay lingon sa akin.

Nagkakatitigan kaming dalawa kaya agad akong umiwas ng tingin. Wala akong ideya kung bakit niya pa rin ito ginagawa. Naawa ba siya sa akin dahil sa nanyari o may ibang dahilan?

"Bukas ng gabi ang flight nila," sunod niyang sabi.

Hindi ako nagsalita, pag iniisip kung aalis na si Mateo bukas ay tila winawasak din ang puso ko.

"Are you coming?"

Nagkibit balikat ako, hindi ko alam kung makakasama ba ako, hindi ko rin alam kung papayag ba si Mommy.

Mamaya rin pag uwi ko ay aaminin ko ang lahat ng pagsisinungaling ko sa kanila. Ayaw ko ng magtago ng lihim.

"I will not come too."

Muli akong napalingon sa kan'ya.

"Bakit naman? Hindi ka ba nasasaktan na aalis sila Mateo at Klea?"

"Baka mamaya ay bigla akong sumama sa kanilang dalawa pag inihatid ko sila," sabay tawa niya, napailing ako at tipid na ngumiti.

Malalim akong napabuntong hininga at muling pumikit ng lumakas ang hangin.

"I'm glad to see your smile again."

Idinilat ko na ang mata ko dahil sa sinabi niya at nakitang titig na titig siya sa akin. Magsasalita sana ako ng agad niya akong inunahan.

"I need to go," sunod niyang sabi.

Sinundan ko siya ng tingin at nagulat ng makita si Klea na nakatayo sa tabi ng pinto ng rooftop.

Saglit na huminto si Jacob nang makalapit siya kay Klea bago tuluyang lumabas. Unti unting lumapit sa akin si Klea at tulad ko at isinandal din ang kamay niya sa railings at tinitigan ang mga estudyanteng nasa baba.

"Sinong kasama ni Mateo sa Hospital?" tanong ko.

"Pinabantay ko siya saglit sa mga Nurse, babalik din ako agad pag naayos ko na ang mga gamit namin."

Tumango ako at muling humugot ng malalim na hininga.

"Klea, I'm sorry. Sorry sa lahat lahat, alam kung sobra kitang nasaktan. Hindi ko akalain na si Mateo ang tinutukoy mo, hindi ko man alam ang rason kung bakit hindi mo sinabi sa akin pero okay lang," malungkot akong napangiti. "Nang magising siya tila nawasak ang mundo ko na hindi niya ako maalala, sobrang sakit na ikaw ang tanging naalala niya. Ngayon alam ko na ang pakiramdam, na 'yung taong mahal ko ay may mahal na iba."

Tuluyan na siyang humarap sa akin kaya muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Puwede ba akong humingi ng pabor?"

Kumunot noo siya. "Anong pabor?"

"Na pag dumating 'yung araw na bumalik 'yung ala ala niya, puwede bang tulungan mo siyang kalimutan ako? Dahil tulad niya ay magsisimula ulit ako," pilit akong ngumiti.

"Anong ibig mong sabihin?" mas naguguluhan niyang tanong.

Tumitig ako sa kan'yang mga mata sabay pagpatak ng aking luha.

"Pinapalaya ko na siya."

Mas lalo kung kinagat ang labi ko na tila dudugo na ito anumang oras. Sana nga ang desisyon kung ito ay hindi ako magsisi sa huli. Gusto ko ng maging maayos ang lahat, ayaw ko ng may masaktan pa.

Hindi siya nakapagsalita at nanlaki ang kan'yang mga mata dahil sa sinabi ko.

"Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa. Pinagtagpo lang talaga kami pero di itinadhana," agad kung pinunasan ang pisngi ko. "I finally learned to let go of what wasn't mine in the first place."

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now