Chapter 19

10.1K 151 2
                                    

"Ingat po kayo Mommy," ani ko ng makababa.

Ngayong araw na kasi ang aming Camping Trip.

"Mag iingat ka din anak, sige na at baka hinahanap ka na nila," tumango ako kay Mommy at yinakap sila bago umalis.

Kita ko na ang mga nakaparadang bus sa labas ng gate at hinahanap ko na ang bus number namin. Pagkarating ko doon ay kita ko na ang kaklase kung nagkukumpulan at ang iba naman ay kan'ya kan'yang nagkukuhanan ng picture sa isa't isa.

"Samantha!" mas binilisan ko ang lakad ko ng mataman sila Angel at Klea.

"Hindi naman mataas ang sikat ng araw para magshades ka," biro ko kay Angel ng makalapit.

Natawa si Klea at tinapat sa kan'ya ang dlsr na camera. Tag lamig ngayon kaya nagsuot din ako ng jacket.

"Trip ko lang bakit bawal?" aniya at tinaas ang kan'yang shades na agad ding binalik.

"Pero wait, let's take a selfie!" dagdag nito at pumwesto sa harapan namin.

Nakailang picture din ang ginawa namin hanggang sa dumating na si Ma'am Romero.

"Good morning everyone. Andito na ba lahat?" tanong nila.

Inilibot ko ang tingin ko at walang nakitang Mateo. Hindi talaga siya sumama.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Napayuko ako at napatitig na lamang sa maleta ko.

"Wala pa po si Jacob at Raven, Ma'am," rinig kung sagot.

"Okay, habang hinihintay natin sila, pwede niyo ng iwan kay kuya ang mga dala niyong gamit at pumasok sa loob ng bus pagkatapos."

Hindi pa tapos magsalita si Ma'am Romero na magsalita ay agad na silang nagsitakbuhan  at nag uunahanan na makaupo sa harapan ng bus.

"Dahan dahan lang lahat naman kayo makakaupo," sigaw ni Ma' am at natatawa sa iba kung kaklase dahil may nadapa pa paakyat ng bus dahil sa kakamadali.

Binigay ko na rin ang gamit ko at napagdesisyunan na ako nalang ang huling papasok. Ayaw ko naman makipag unahan dahil lang sa upuan.

"So ako na ang next," sambit ko sa aking sarili ng ako nalang ang natitira sa labas.

Nang tinignan ko ang bakanteng upuan ay nasa pinaka dulo na ito.

"Samantha," napatingin ako kay Klea  na nakaupo na sa tabi ng bintana.

"Dito ka nalang, doon nalang ako," sabay turo sa likod kaya agad akong napailing.

Mas gusto ko din sa pinakadulo dahil mas komportable na matulog.

"Wag na Klea, tabi nalang kayo ni Angel," sagot ko at ngumiti sa kan'ya bago tuluyang  dumiretso sa upuan ko.

Pagkaupo ko ay agad akong napahikab dahil sa antok. Wala kasi akong masyadong tulog kagabi dahil sa pag iimpake ng gamit, apat na araw din ang camping trip kaya marami akong dinala.

Kinuha ko ang cellphone at earphone sa maliit kung bag pero agad napatigil ng biglang pumasok sa isip ko si Mateo. Tila nagflashback lahat nang nangyari nung muntik na akong mabangga ng bike.

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil ayaw kung isipin siya. Inilagay ko na ang earphone sa aking tenga at isinandal ang ulo sa bintana itutulog ko nalang. Matagal tagal din ang biyahe namin na aabutin ng tatlong oras para makarating.

Pinikit ko na ang aking mata at minsan ay sinasabayan ang kanta sa mahinang paraan.

Ramdam kung may umupo na sa aking tabi at  ang pag andar ng bus. Hindi na ako nag abalang tignan iyon dahil paniguradong si Raven ito, hindi naman pwedeng si Jacob dahil alam niyang ayaw na ayaw ko siyang makatabi.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now