Chapter 4

10.3K 185 2
                                    

Alasais palang ay nagising na ako at dumiretso ng bayan upang bilhin ang magandang regalo kay Mateo. Halos isang oras din ang inabot ko kakahanap buti nalang ay may isang tindahan na nagbebenta nun.

Napatitig ako sa aking kamay at kinuha ang band aid sa bag na ibinigay sa akin ni Mateo kagabi at inilagay sa maliit na sugat ko.

Matapos ay  tinignan ko ang binili ko para sa kan'ya at napangisi, agad kung inilagay 'yon sa loob ng jacket ko ng mataman ko ang sasakyan niya. Napatakbo ako mula sa waiting shed na kinauupuan ko.

"Mateo!" tawag ko ng bumaba na siya sa kan'yang sasakyan at hinarang ang dalawang kamay ko nang makalapit.

Agad akong napasimangot ng saktong lumakas ang ihip hangin na dahilan ng pagkasabog ng buhok ko na napunta sa aking mukha. Mabilis ko iyon sinuklay gamit ang aking kamay at muling napatingin  sa kan'ya at nakitang nakatitig na pala siya kamay ko.

Napangiti ako at kinuha ang maliit na box at inabot ito sa kan'ya.

"For you."

Bumaba ang tingin niya roon at muling nagsalubong ang kan'yang kilay.

"For me?"

Kinagat ko ang aking labi at tumango tango.

"For what?" nanliit ang mata niya na mukhang hindi naniniwala sa akin.

"Kasi hinatid mo ako kahapon," mas lalong nilakihan ang ngiti ko.

Tinitigan niya ako at kita sa mukha niya ang pagtataka. May pag-aalinglangan niyang kinuha  iyon at agad kung sinet up ang camera ko para videohan siya.

"What is this?"

"Buksan mo."

Daming tanong..

Unti unti niya itong binuksan at agad napatalon sa gulat.

"WHAT THE HELL!" mura niya at sabay tapon ng box na dahilan ng pagkalat ng laruang ipis.

"Gotcha!"

Agad kung pinatay ang video at tumakbo ng galit itong tumingin sa akin.

"I'm sorry. Pakipulot din 'yung kalat mo bago ka umalis hah!" sigaw ko habang tumatawa.

Hirap na hirap pa akong hanapin 'yon at nagtataka pa ang tindera kung anong gagawin ko doon. Hingal akong pumasok ng classroom at nakita sila Angel at Klea na nag uusap.

"Oh anong nangyari sa'yo?" tanong ni Angel ng makitang hinahabol ang hininga ko nang makaupo.

"Hah? Wala akala ko kasi late na ako," hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi ko.

"Oh gosh andyan na si Mateo!" rinig ko na ang bulungan nila.

Napalunok ako at biglang sineryoso ang mukha. Pumasok na si Mateo na galit pa rin ang mata, umiwas ako ng tingin at tinago ang cellphone ko.
May pang blackmail na ako sa kan'ya kung hindi siya susunod sa utos ko.

"Mateo pare ayos ka lang?" rinig kung tanong ng isang kaklase namin ng makaupo na ito.

"Hoy Benjie, feeling close?" sigaw ng isa ng hindi siya sumagot.

"Ikaw kausap ko Maria?" napangiti ako dahil sa bangyaan ng dalawa.

"Don't call me that eww! My name is Aria!"

Hanggang sa nagsigawan na silang dalawa buti nalang ay dumating na ang Prof namin at tumigil na silang dalawa.

Saglit lamang nagdiscuss si Prof at puro activities na ang pinagawa sa amin.

"Samantha," tawag ni Klea.

"Hmm?" at lumingon sa kan'ya.

Tumingin siya kay Mateo bago sa akin.

"Nevermind," ngumiti siya at muling nagsagot.

Nagkibit balikat na lamang ako at tinapos ang sinasagutan kung activities.

"Class dismiss," ani ni Prof at nauna ng lumabas.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at gulat ng kinuha ni Mateo ang cellphone ko at agarang lumabas.

"Cellphone ko!"

Kita ko ang gulat na tingin nila Angel at Klea dahil sa ginawa ni Mateo. Dali dali akong lumabas at rinig ko pa ang tawag nila sa akin.

Iyong video!

"Mateo akin na 'yan!" sigaw ko at muntik pa akong makabunggo dahil sa kan'ya.

"Mateo!" halos lahat ng estudyanteng  nadadaanan ko ay nakatingin sa akin.

Akala siguro ay isa ako sa kanila na desperada kay Mateo. Mas binilisan ko ang takbo ko ng lumiko ito papunta sa likod ng school. Saktong pagliko ko ay ang pagtama ko sa isang matigas na bagay.

"Aray," ani ko at tinignan iyon at nakita si Mateo na galit na galit ang titig.

"Akin na nga 'yang cellphone ko!" sambit ko at aakmang kukunin ang cellphone ko ng bigla niya itong inilayo.

"Delete that video!"

Tumingin ako sa kan'ya at ngumisi buti nalang ay may password ang cellphone ko. Baka sa video na 'yan ay mapapasunod ko siya sa mga gusto ko. Pagbabantaan ko siya na ikakalat ang video niya pag sumali siya sa racing.

"No, no, no!" diin kung sabi. "Kung ayaw mong ipost ko 'yan ibigay mo ang cellphone ko!" aakmang kukunin ulit ang cellphone ko ng itinaas niya ito.

Ngayon ko lang napansin na hanggang dibdib niya lamang ako.

"Are you blackmailing me?"

"Oo! Kaya akin na kung ayaw mong ipost ko 'yon!" galit kung sambit.

Hinila ko ang damit niya sabay talon para maabot 'yon pero nagkamali ako dahil sa pagtalon ko ay nawalan ako ng balanse na dahilan ng aming pagkatumba.

Tumama ang ulo ko sa dibdib niya. Ang tigas!Inangat ko ang aking tingin at akmang kukunin ang cellphone sa kamay niya ng paggalaw ko sa ibabaw niya ay nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin sa kan'ya na ilang pulgada nalang ay magdidikit na ang aming ilong.

Napatitig ako sa kan'yang mga mata at ngayon ko lang napansin ang kulay abong mga mata niya.

"M..mateo," mahinang sambit ko ng maramdaman ko ang kamay niyang nakaalalay sa aking baywang.

"Mateo! Samantha!" rinig kung sigaw na mukhang malapit na sa amin.

Tinapik tapik ko ang balikat niya, paano kung makita nilang ganito ang posisyon naming dalawa.

Dali dali akong tumayo nang bigla niyang ginuyod ang aking kamay na dahilan ng muling pagkaibabaw ko sa kan'ya at sa hindi inaasahang  pagkalapat ng labi ko sa kaniya.

Napakurap kurap ako ng maramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Ilang segundo ng mabalik ako sa realidad at dali dali muling tumayo at ganoon din siya.

"Bakit mo ginawa 'yon!" galit kung sabi.

Mas lalong sumeryoso ang tingin niya at magsasalita sana ng makarinig kami ng sigaw sa hindi kalayuan.

"Samantha!" rinig kung sigaw ni Klea.

Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone ko at sinampal siya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko pero wala akong paki. Kinuha niya ang first kiss ko!

"You pervert!" dagdag ko at tumakbo papaalis doon.

Walanghiya siya! Buti nalang ay walang tao roon kung hindi ay baka pagpasok ko bukas ay impyerno na ang mangyayari sa akin

"Samantha!" ulit nila makita nila akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Anong nangyari?"

"Are you okay?" magkasunod na tanong nilang dalawa.

Tumango na lamang ako. "Bukas nalang tayo mag usap kailangan ko na kasing umalis," pilit akong ngumiti at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now