Chapter 1

16.1K 209 1
                                    

Flashback

10 years ago

---

Sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakakasalubungan ko.

"Samantha!" lumingon ako sa taong tumawag sa akin at nakitang si Klea iyon na dali daling tumakbo papalapit sa akin.

"I missed you," aniya nang makalapit.

Halos dalawang buwan din kaming hindi nagkita dahil nagbakasyon ito sa Canada.

"I missed you more," ngiting sabi ko at sabay kaming naglakad papunta sa unang klase.

Ngayong araw ang umpisa ng aming klase and we are both in third year college. Pagkarating namin sa classroom ay agad naming nakita si Angel na bantay sarado ang mga upuan na nireserba para sa amin.

Klea and Angel are my bestfriend, my sister and my family.

"Angel!" sabay naming sabi ni Klea at agad umupo, bale ako ang nasa gitna nilang dalawa.

"I missed you guys! Parang isang taon tayong hindi nagkita," Angel said.

Lumawak ang ngiti ko at magsasalita sana ako nang sabay sabay kaming napalingon sa labas ng may nagsisitakbuhan na mga estudyante.

"Anong meron?" tumayo si Angel at sinundan ng tingin ang mga ito.

"GUYS! GUYS!"

Mula sa bintana ay sabay sabay kaming napatingin sa labas ng pinto, kilala ko ang lalaking ito, isa sa mga kaklase ko noong first year college.

Hingal na hingal siya habang inilibot ang tingin sa aming lahat. "Dito raw mag aaral si Mateo!" sigaw niya.

Mateo? Hindi ko alam pero agad akong kinabahan sa pangalan na iyon at kapangalan niya rin ang anak ni Tita Belle. Napatingin ako sa mga babae kung kaklase na nagsitilian.

"At ito pa! Kaklase rin natin siya!"

Mas lalong lumakas ang kanilang tilian. Napakunot noo ako.

"Totoo ba 'yan? Si Mateo dito mag aaral?" tanong ng isa.

"Oo nga! Papunta na nga raw siya rito."

Napanganga ako ng biglang nagsiayusan sila ng buhok at nagsilabasan ang kanilang make up.

Sino ba 'yang Mateo na 'yan?

"Klea sino si Mateo?" lumingon ako sa kan'ya at napansin kung nanlalaki ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin.

"No freaking way Samantha, hindi mo kilala si Mateo?" si Angel ang sumagot.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"

Napaismid siya sa sarkastikong sagot ko.

"Mateo is a famous car racer."

"So?" dagdag ko.

"My gosh Samantha! Hindi ka man lang nagulat na  dito mag aaral si Mateo? Famous drag racer, guwapo, mayaman. All package kumbaga!" hindi magkaundagang sabi niya.

Umirap ako dahil hindi naman ako interesado.

"Klea 'wag mong sabihin na hindi mo kilala si Mateo?"

Napasulyap ako kay Klea. "I know about him," maiksing sagot niya at agad nag iwas ng tingin.

Gulat kaming napatingin sa labas ng lumakas ang sigawan.

"Andyan na ba si Mateo?" bulungan nila at sumilip pa sa bintana ang iba.

"Mateo!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng hiyawan nila. Nang iminulat ko na ang aking mga mata ay biglang nawala ang hiyawan at ako naman ag napatingin sa pintuan. Nakita ang lalaking pinagsisigawan nila.

I Wish It Was Me (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin