Chapter 33

419 13 2
                                    

Muli akong umupo sa tabi ni Klea at inilapag sa mesa ang kinuha kung pagkain para sa amin ni Mateo. Nakita ko ang saglit na pagsilip niya doon at agad nag iwas ng tingin. Hindi ko na ulit nilagyan ng seafood ang plato naming dalawa at pinalitan ng iba.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Paano mo nalaman na may allergy siya sa seafood?" mahinang tanong ko.

"I already told you Samantha that I know about them."

Napatango tango ako at pilit na ngumiti. "Magkakilala na kayo dati?" sunod na tanong ko.

Natigil siya sa pagsubo at tuluyan ng humarap sa akin.

"Why don't you ask him if he knows me?"

Napatitig ako sa kan'ya at kita ko sa mata niya na tila galit nga talaga siya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng ikinagagalit niya.

"May problema ba tayo Klea?" mahina kung tanong.

Sarkastikong siyang ngumiti sa akin at saka umiling. "Wala naman, Samantha. Ikaw lang nag iisip niyan."

Sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya at umalis.

"Anong nangyari kay Klea?" napaiwas ako ng tingin at napatitig sa kamay ko.

"Hoy Samantha!" ramdam ko ang pagtapik ni Angel kaya saglit ko siyang sinulyapan.

"Hmm?"

"Anong nangyari? Bakit umalis si Klea? At ikaw bakit parang tulala ka dyan?"

"Wala 'to, sige na kumain ka na hintayin ko lang si Mateo," sabi ko.

Unti unti siyang napatango.

Pinaglaruan ko ang daliri ko ng biglang sumagi sa isip ko ang minsang kakaibang kilos ni Klea. Hindi naman siya gano'n dati pero nung dumating sila Jacob at Mateo ay tila nag iba din ang ugali niya.

"Samantha tawag ka ni Mateo."

Napaangat ako ng tingin ng kinalabit ako ni Angel at ngumuso siya kung saan nakatayo Mateo na naghihintay sa akin na lumapit sa kan'ya.

Pilit akong ngumiti at lumapit sa kan'ya. Iniwan ko muna sa lamesa ang kinuha kung pagkain naming dalawa.

Napatitig ako sa kan'yang mga mata at kita rito ang pagod.

"Magpahinga ka na pagkatapos nito," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Tumango siya. "Did you already eat?"

Umiling ako. "Hindi pa naman ako gutom pero naghanda na ako ng pagkain natin."

Kung kanina ay ramdam ko ang gutom pero ang nangyari kanina ay biglang nawala dahil sa mga pinag iisip ko.

Napatingin ako sa kan'ya ng hinila niya ako papasok ulit sa kanilang bahay.

"Saan tayo pupunta? 'Yung pagkain natin naiwan sa lamesa."

"Leave it there. Hindi rin naman ako gutom."

Sabay tigil sa kan'yang kuwarto. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala sa kuwarto niya. Nauna siyang pumasok kaya sumunod na rin ako at bumungad sa akin ang napakasimpleng kuwarto niya kumpara sa condo niya na sobrang dami ng display ng collections niyang sasakyan. Halatang hindi talaga siya umuuwi dito.

"Paano 'yung mga bisita mo?" tanong ko.

"Aalis na rin sila mamaya."

"Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sakanila."

Umiling siya at tumitig sa akin at nagulat ng yinakap niya ako.

"Give 5 minutes. I want to rest like this," napangiti ako at yinakap siya pabalik.

I Wish It Was Me (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt