Chapter 59

739 13 5
                                    

Umiyak ako magdamag dahil siya na mismo ang tumapos, sobrang sakit na mismo sa kan'ya nanggaling na wala na talaga.

Kinaumagahan ay imbes na pumasok na ako sa trabaho ay mas pinili ko na lang manatili sa Condo. Gusto ko sanang magkulong sa kuwarto pero pinuntahan ako ni Angel at nag ayang lumabas dahil nasabi niya rin sa akin na isang linggo lamang pinayagang leave niya. Kaya gusto niyang sulitin ang araw na magkasama kaming dalawa.

"Samantha," napatingin ako sa kan'ya nang napagpasyahan namin na maglilibot sa Mall, alam kung kaya niya ito ginagawa ay para makalimot ako sa nangyari.

"Hmm?"

"Punta tayo doon," aniya sabay turo sa isang botique na hindi kalayuan sa amin. "Bili tayo damit."

Tumango ako at dumiretso na doon. Naghiwalay kaming dalawa para nang makapasok at ako naman ay pumunta sa mga dress section. Halos wala akong gana na pumili at tinitignan na lamang ang mga presyo nito at matapos ay ibabalik din.

"Nakapili ka na ba?"

Napatalon ako sa gulat ng katabi ko na pala si Angel na hawak na ang napili niyang mga damit.

Umiling ako. "Wala akong mapili."

Napanguso siya at ipinakita sa akin ang mga damit na napili niya.

"Maganda ba?" tanong niya.

"Mganda," ikling sabi ko.

Bumagsak ang balikat niya.

"Samantha, meron nalang akong apat na araw bago umalis. Baka naman  sana ay maging masaya ang bakasyon ko dito kasama ka."

Napangisi ako. "Sorry, lahat naman talaga nang napili mo ay maganda," kinuha ko ang dress na hawak niya. "Maganda ito, tapos ito rin," sabay kuha din ng isang dress.

Umirap siya kaya mas lalo akong natawa. Dumiretso na siya ng counter at ng matapos ay nagtaka ako ng inabot niya sa akin ang isang paperbag.

"Regalo ko," aniya.

"Hindi ko naman birthday," biro ko.

Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. "Basta kunin mo na 'yan dahil alam kung bagay na bagay yang dress na binili ko para sa'yo."

"Thank you, Angel," marahan kung sabi.

Tumango siya at ikinawit ang kamay sa aking braso.

"Kain na tayo dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod."

"Lahat na ata ay napasukan na natin," sunod ko pang sabi at rinig ko ang mahinang tawa niya.

Dumiretso na kami sa isang sikat na kainan at habang nasa restroom siya ay ako naman ay umorder ng kakainin namin. Matapos ay inilabas ko ang cellphone ko para itext si Jacob. Dahil hanggang ngayon ay wala akong natanggap na text niya. Gusto ko man siyang puntahan sa bahay ampunan ay hindi ko rin maiwanan si Angel dahil gusto ko rin masulit na makasama siya bago man ang alis niya.

Matapos kung itext siya ay inilibot ko ang tingin ko at napansing maraming tao ngayon, halos punuhan lahat ng mga mesa hanggang sa nahinto ang mata ko sa babaeng nasa pinakasulok at hawak hawak ang kan'yang ilong. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Klea iyon kaya napatayo ako at agad lumapit sa kanya.

"Klea," sabi ko ng makalapit, kita sa mata niya ang gulat ng makita ako.

Tinanggal ko ang plato niya dahil sa tingin ko ay pinipigilan niyang wag maduwal.

"Naduduwal ka ba?"

Tumango siya kaya nang may mapadaan na waiter ay ibinigay ko sa kan'ya iyon at nagtaka pa ito dahil hindi pa ito nababawasan kaya itinuro ko si Klea para maintindihan niya ang gusto kung sabihin. Agad niya iyon nilayo kaya lumapit ako kay Klea at hinagod ang likod niya.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now