Chapter 22

503 14 1
                                    

Una akong nakabalik ng camp bago sumunod si Mateo, mahirap ng may makakita sa amin. Noong una ay hindi siya pumayag dahil gusto niyang magsabay kami pero kalaunan ay agad ko din siyang napapayag.

Pagkarating ko ay agad kung nilapitan si Angel na busy sa kan'yang cellphone.

"Angel! Wala parin ba si Klea?" tawag ko ng makalapit.

"Ano ka ba kanina pa ako tawag ng tawag sayo kala ko kung nawala ka na."

"Sorry," pasimpleng ngumiti.

"Si Klea rin wala pa dito, asan na kaya 'yun? Kilala mo ba kung sinong partner niya?" tanong niya at muling inilibot ang kan'yang tingin.

"Ah si Jacob ata, nakita ko kasi silang magkasama kanina."

"What?! Si Jacob ang partner niya!" hindi makapaniwalang sabi niya na tinanguhan ko.

"Ang daya naman!" napasimangot siya at napapadyak.

Napatahimik ako at baka ako naman ang sunod niyang tanungin kung sinong kapartner ko.

"Sinong nanalo?" pag iiwas ko agad ng usapan.

"Hindi ko kilala pero galing ibang block," sagot niya.

Inilibot ko ang tingin ko dahil ramdam kung may nakakatitig sa akin ng tignan ko 'yun ay nanlaki ang mata ko ng makitang nakakatitig sa akin si Mateo na prenteng nakaupo sa labas ng kanilang tent.

Pinanlakihan ko siya ng mata at agad nag iwas ng tingin ng saktong makita ko si Klea na papalapit sa amin at parang lutang ulit ito. Sinundan ko ng tingin si Jacob na dumiretso naman sa kanilang tent.

"Klea, ayos ka lang ba?" tanong ni Angel sa kan'ya.

Tumango siya at tumingin sa akin bago dumiretso rin sa tent namin.

"Pagod lang siguro siya," ako na ang sumagot at sumunod na rin dahil ngayon ko lang din naramdaman ang pagod mula pagkarating namin.

Kinuha ko ang powerbank sa bag ko at chinarge ang cellphone ko bago humiga. Gusto ko munang matulog saglit dahil sa bilis ng oras mamaya ay maggagabi na.

Hindi ko namalayan na agad akong dinalaw ng antok at agad nagising dahil sa naramdamang gutom.

Bumangon na ako at tumingin sa tabi ko at tanging kami ni Klea ang nasa loob ng tent. Saan na naman nagpunta si Angel?

Kinuha ko na ang cellphone ko at nakitang alas syete na ng gabi, muli akong napahawak sa aking tiyan ng tumunog ito dahil sa gutom.

Tatayo na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng makitang nagtext si Mateo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko akalain na may gusto pala siya sa akin. Kailan kaya nagsimula?

Mateo:
Wake up sleepy head. It's already 7pm, you need to eat your dinner.

Sa simpleng mensahe niya lang ay agad kumabog ang dibdib ko.

Tumingin na ako kay Klea at mahinang tinapik ang kan'yang balikat upang magising na ito.

"Klea," mahinang tawag ko.

Gumalaw siya sa pag aakalang babangon na siya pero tinalikudan niya lamang ako.

"Klea!" tawag ko ulit pero tinakpan niya ang kan'yang tenga gamit ang unan.

"Kain na tayo."

"Gusto ko pang matulog," antok pa niyang sabi.

"Klea, Samantha!" napatalon ako sa gulat dahil sa biglaaang pagpasok ni Angel.

Agad ko siyang sinapak. "Hindi mo kailangan sumigaw!"

Tumawa siya. "Sorry," umirap ako sa kan'ya at natawa rin.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now