Chapter 36

435 9 2
                                    

"Umuwi ka na," nilagpasan ko siya dahil ano mang oras ay babagsak na ang luha ko.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi tayo nagkakaayos," hinarangan niya ang daan ko paakyat ng kuwarto.

"Please Mateo, umuwi ka na," pagod na sabi ko.

Hinding hindi talaga tayo magkakaayos dahil ramdam ko talaga na may tinatago ka sa akin.

"Baby," pagsusumano niya.

Muli ko siyang nilagpasan ng makitang pababa na si Mommy. Tumahimik kaming dalawa kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para pumuntang kuwarto dahil alam kung hindi niya ako susundan dahil andito si Mommy.

"Anong nangyari anak?" tankang tanong ni Mommy na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Mag iingat po kayo, saka favor ako Mommy pwede po bang pag lalabas na po kayo isama niyo na rin po si Mateo, gusto ko lang po magpahinga."

Kita ko ang pagkunot noo nila pero kalaunan ay unti unti din silang tumango.

"Sam," rinig kung sabi niya bago ako makapasok sa loob.

Mabilis kung nilock ang pinto at dumiretsong kama sabay ng pagbagsak ng luha ko.

Impit akong umiyak habang yakap ang unan. Rinig ko ang ang pagtunog ng cellphone ko. Napabangon ako at kinuha iyon, kita ko ang sunod sunod na tawag at text niya. Muli kung ibinalik sa side table ang cellphone ko at pinunasan ang luha ko.

Dahil kay Faye ay nag aaway kaming dalawa. Halong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon kay Mateo.

Sino ba talaga siya.

Muling tumunog ang cellphone ko kaya muli ko iyon kinuha para patayin ang cellphone ko dahil ayaw ko siyang kausapin pero agad napatigil ng makitang nagtext si Klea.

Klea:
Let's talk.

Sobrang ikling text niya at kita ko muli ang panibagong text niya na kung saan kami magkikita.

Napatitig lamang ako sa text niya dahil sa pagtatago niya rin sa akin na magkakilala na pala sila dati pa.

Pinatay ko na ang cellphone ko ng muling tumatawag si Mateo.

Tumayo ako para dumiretso ng banyo upang makapaghilamos at magbihis. Kailangan ko rin siyang makausap, ramdam kung may tinatago rin siya sa akin.

Matapos magpalit ng damit ay bumaba na ako at napalinga linga sa labas upang tignan kung nakaalis na ba si Mateo pero nanlumo ako ng makitang wala na ang sasakyan niya.

Asan kaya siya ngayon? Dumiretso ba siya sa condo niya o nakipagkita ulit siya sa kan'ya?

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil umaasa ako na hindi siya aalis kahit na sinabi kung umuwi na siya kasi gusto niyang magkaayos kaming dalawa pero wala na siya ngayon.

Napatingala ako sa kalangitan ng makitang madilim ang langit. Mukhang uulan pa ata ngayon.

Sumakay na ako ng taxi at sinabi kung saan kami magkikita ni Klea. Pagkarating ko doon ay hindi ako nagbalak na buhayin ang cellphone ko para hindi masagot ang tawag niya.

Pagkababa ko ay siyang pagdaan ng sasakyan sa gilid ko na muntik pa akong masagasaan. Wala na bang bago lagi nalang ako muntik sagasaan ng mga sasakyan.

Tinignan ko ang sasakyan na iyon at nagulat ako ng makitang sasakyan iyon ni Jacob.

Andito rin siya kanina?

Nawala ang tingin ko sa sasakyan niya ng biglang pumatak ang maliliit na ulan kaya agad akong napatakbo papasok ng restaurant kung saan kami magkikita.

Nang makapasok ay pinunasan ko ang braso kung nabasa ng ulan bago luminga para hanapin si Klea, kunti lamang ang tao ngayon kaya agad ko siyang nahanap sa pinakadulo. Hawak hawak nito ang kan'yang cellphone habang ang tingin ay nasa labas ng glass wall.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon