Chapter 40

504 11 2
                                    

Sabay naming pinagmamasdan ni Jacob si Mateo na mahimbing ng natutulog ngayon. Andito kami sa labas ng kan'yang kuwarto, nakasilip sa maliit na salamin ng pinto.

Naawa ako sa kan'ya dahil siya ang dumadanas nito imbes na ako. Nag aalala din ako kay Tita kung maayos na ba siya, hindi ko kaya kung may nangyari pa ulit sa kanila dahil sa akin.

Nabaling ang tingin ko kay Klea na natutulog sa tabi niya habang hawak hawak ang kan'yang kamay. Sariwa pa rin ang sinabi ni Jacob sa akin na may gusto rin sa kan'ya si Mateo noon.

Iniisip ko rin kung gaano ko nasaktan si Klea nang malaman niyang may relasyon kami ni Mateo. Ano ang nangyari sa kanila noon? Bakit halos hindi sila magpansinan ngayon? Tama nga din ang usap usapan na nasira ang pagkakaibigan nila dahil hindi matanggap ni Jacob na may relasyon sila noon.

Ang daming katanungan sa isip ko, kung paano niya ako nagustuhan, mahal niya nga ba talaga ako? Ginamit niya lang ba ako dahil magkaibigan kami ni Klea? O hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya sa kan'ya kaya nagkikita silang dalawa ng hindi ko alam?

Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay hindi ko maiwasang magselos. Sa kabila ng lahat at mahal ko pa rin siya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at pinaglaruan ang daliri ko para pigilan pumasok baka magkagulo ulit pag ginawa ko iyon.

Sana ay maalala niya na ako.

"You need to rest now Samantha," sabi ni Jacob.

Dahan dahan akong tumango. Nang makarating kami sa tapat ng aking kuwarto ay sensyasan ko siya na hanggang dito nalang ako.

"Salamat," malamig kung sabi.

Nakatitig lamang siya sa akin, kaya gamit ang aking kamay ay inilagay ko ito sa gulong ng wheelchair para itulak na papasok.

"Samantha," tawag niya pero tuloy tuloy lamang ako sa pagpasok.

Imbes na humiga na ako ay pumunta ako malapit sa bintana upang doon nalang pagmasdan ang mga bituin sa langit.

Dahan dahan kung itinaas ang kanang kamay at pinaradaman ang kamay doon ni Mateo habang nag star gazing noon. Muling bumalik ang mga masasayang araw kasama siya.

Kailan kaya ulit mauulit?

Nang makaraan ang ilang minuto ay bigla kung binaba ang aking kamay ng marinig ang boses ni Mama sa labas.

"Anak."

Lumapit sila sa akin at pinagmasdan ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" 

Tumango ako. "Kayo po nakapagpahinga na po ba kayo?"

"Hindi ako makatulog dahil iniisip kita."

Malungkot silang ngumiti at inikot ang wheelchair ko upang iharap muli sa bintana. Nasa likod ko sila at ramdam ko ang paghawak nila sa aking buhok.

"Namiss na kitang ipitan, tanda ko pa noong bata ka na hindi ka aalis ng bahay hangga't hindi ko naiipit ang buhok mo," mahinang natawa si Mommy kaya napangiti rin ako at inalala ang panahong iyon.

Ramdam ko na ang marahan nilang pag ipit sa buhok ko, sa sobrang rahan nun ay halos gusto ko ng matulog.

"May lalaki sa labas ng kuwarto mo anak, kaibigan mo raw siya," napamulat ako, hindi pa rin ba talaga siya umaalis.

"Humihingi siya ng tawad kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya kung ano ba ang nangyari," halong galit ang naramdaman ko sa boses nila.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko para pigilan muli ang pagbagsak nang aking luha.

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari, aksidente ang lahat at wala kang kasalanan. Wag ka rin mag alala kay Belle dahil tumawag ako sa mga pinsan niya kanina at sa awa ng Diyos ay maayos na raw siya."

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now