Chapter 42

401 9 1
                                    

Wala akong imik sa sasakyan hanggang  makarating kami ng bahay. Diretso lamang ang lakad ko papasok sa kuwarto at muling napaiyak. Nawalan ako nang ganang kumain at tinulog na lang ng maaga.

Kinaumagahan ay napagpasyahang kung pumasok na dahil sa tingin ko ay okay na ako at wala nang nararamdamang sakit sa katawan ko.

Kinuha ko ang jacket at bag na nasa sofa bago ako tuluyan humarap kay Mommy.

"Alis na po ako," sabi ko at humalik sa kanilang pisngi.

"Anak, mag iingat ka. Napakatigas talaga ng ulo mo sabing bukas ka na pumasok dahil kagagaling mo lang sa hospital."

Maliit lamang akong ngumiti dahil kailangan ko na rin pumasok para hindi marami ang hahabulin kung lessons.

"Ayos lang po talaga ako Mommy," naningkit ang mata ni Mommy at hinatid na ako kay Manong Nald.

"Bye Mommy."

Kumaway na ako bago umayos ng upo. Sa totoo lang ay kinabahan rin ako ngayon araw, nasabi sa akin kahapon ni Angel na kalat na sa School ang nangyari kay Mateo. Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa akin at maulit ang nangyari dati.

Balak ko rin mamaya na bago ako umuwi ay dadaan ako sa hospital para bantayan si Mateo kahit saglit lang. Dahil nalaman ko na baka magtatagal pa ang pag stay niya sa hospital dahil marami pang kailangan icheck up sa katawan niya.

Nang huminto na ang sasakyan ay inilagay ko na ang hoodie sa ulo ko bago lumabas.

Nakayuko akong naglalakad at isinuksok ang kamay sa bulsa ng jacket. Kita sa gilid nang aking mata ang paghinto nang ilan sa paglalakad  at napatitig sa akin.

"Look who's here! Lakas nang loob pumasok," rinig kung sabi ng babaeng nakasulubong ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daanan ko, kinagat ko ang labi bago unti unting nag angat ng tingin.

Hindi pamilyar ang mukha niya, galit na galit ang titig niya at nang inilibot ko ang tingin ko ay napalibutan na nila ako. Napaatras ako dahil ayokong mangyari ulit ang nangyari noon na pinagkaisahan nila ako.

"Hi, Samantha,"  humakbang siya papalapit sa akin kaya mas lalo akong napaatras pero may tumulak sa akin na dahilan ng pagkasubsob ko sa semento.

Napapikit ako sa sakit.

"Lakas talaga ng loob mo na pumasok matapos ang ginawa mo kay Mateo! Ngayon humanda ka dahil walang magtatanggol sa'yo!"

Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit at nakitang nakuha namin ang atensyon ng ibang naglalakad.

"Ayoko ng gulo," mahina kung sabi ng pilit niya akong pinatayo at walang anumang tinulak na dahilan nang pagkasubsob ko ulit sa semento.

Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa sakit, rinig ko ang tawanan nila habang nakatingin sa aming dalawa.

"Tandaan mo 'to Samantha, hindi kami titigil hangga't hindi nagiging maayos si Mateo," sumenyas siya sa mga kasama niya at naramdaman ko ang lamig sa aking katawan nang may binuhos silang juice sa akin at tinapon sa paanan ko ang plastic nun.

Pilit akong tumayo, gusto kung patunayan sa kan'ya na kahit wala si Mateo ay kaya ko ang sarili ko. Lahat sila ay pinagtatawanan ako at walang nag ahas na lapitan kami para patigilin sila.

Hindi ko inintindi ang mga binabato nilang masasakit na salita sa akin at nakakuyom lamang ang kamao ko habang mahigpit na hinahawakan ang strap ng bag ko.

Nang lalagpasan ko sana sila ay may tumulak sa akin na dahilan nang pagkasubsob ko sa babaeng kasama nila.

"Argh! Dinumihan mo ang uniform ko!" hinawakan niya ang buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon