Epilogue

1.3K 20 19
                                    

Sa loob ng isang linggo ay maraming nangyari, bumalik lahat sa normal. Muli akong pumasok sa trabaho at muling bumalik si Angel sa Italy para sa kan'yang trabaho doon. Minsan ay lumalabas kaming dalawa ni Klea at kung minsan naman ay naglalakad lakad kami sa Parke. Sa isang linggong lumipas ay hindi ko na muling nakita si Mateo, dahil sa puspusan na training niya.

Sumulyap ako kay Jacob na katabi ko ngayon, sa loob ng isang linggo na iyon ay pakiramdam kung mas naging malapit kami sa isa't isa.

Inilibot ko ang tingin ko at sumilay ang ngiti sa labi ko dahil ito ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Tournament na pinapangarap ni Mateo. Punuhan ang mga bleachers at rinig ang mga hiyawan nila na kan'ya-kan'yang cheer sa mga racers na inidolo nila.

Napatingin ako sa malaking screen kung saan ipinapakita kung gaano kalawak ang field habang nagsasalita rin ang host at sinasabi ang laps na kailangan nilang tapusin at matapos ay sinabi rin nila ang background ng mga racers sa mga lahat ng mga sinasamahan nilang racing competition.

Lumakas ang hiyawan ng ipinakita sa screen ang picture ni Mateo, ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko habang titig na titig sa screen.

"Did you know partner, he has not lost a race since he began participating in drag racing. He was also awarded as the youngest car racer in 2018. He set a record by winning all of the competitions and not losing a single one."

Laglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa sabi ng host. Gano'n pala talaga siya kagaling sa racing. Napasulyap ako kay Jacob at malaki ang ngisi habang nakatingin sa screen. Kita ko sa mata niya ang pag-kaproud kay Mateo kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Wow," mahinang sabi kaya napasulyap siya sa akin at mas lalong natawa dahil sa reaksyon ko.

"He's a famous car racer and no one can beat him, not even me. So I believe in him. He can win this," aniya at ginulo ang buhok ko.

Napakurap kurap ako at muling tumingin sa screen. Nang sunod ulit na ipinikilala ang iba pang racers. Hanggang sa muling ipinakita sa screen ang mga sasakyan ng racers na papunta sa starting line at napahanga ako dahil napaka astig ng mga sasakyan na iyon.

"Are you ready everyone?" tumigil ang host sa pagsasalita at ako naman ay titig na titig sa screen dahil hindi ko alam kung saan ang sasakyan doon ni Mateo. "This is the awaited day."

"Black car Samantha, that's his car," rinig kung sabi ni Jacob kaya agad kung tinitigan ang sasakyan sa pangpito.

Napalunok ako dahil sa kaba ko ngayon, pero naniniwala rin ako na mapapanalo niya ito.

"Gentleman, start your engine!" anang host at rinig naming lahat ang alingawngaw ng kanilang sasakyan.

Bumalik ang alaala noon kung saan pinapanood ko rin siya sa racing. Mas domuble ang kaba ko ngayon kumpara noon.

Muling ipinakita sa screen ang mga sasakyan ng mga racers at mas lalong lumakas ang hiyawan ng pumutok na ang baril na hudyat na umpisa na ang racing. Tutok na tutok ako sa screen at halos hindi ako makapaniwala na magagaling silang lahat, sobrang bilis ng takbo ng kanilang sasakyan pero ni isang beses ay hindi 'yun sumagi sa sasakyan ng kalaban nila o sa barriers.

Nawala lamang ang tingin ko sa screen ng maramdamang may humawak sa kamay ko kaya napasulyap ako kay Jacob ng hawakan niya iyon at kita ko ang ngisi sa kan'yang labi.

"Nanginginig ang kamay mo," aniya.

"Kinabahan kasi ako," sagot ko.

"Don't be, believe on him," sabay titig sa akin kaya sumilay rin ang ngiti sa labi ko at sabay kami ulit tumitig sa screen at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko.

I Wish It Was Me (Book 1)On viuen les histories. Descobreix ara