Chapter 16

9K 161 1
                                    

Sinarado ko ang libro ko at inunan ang ulo roon. Kasulukuyan kaming gumagawa ng assignment sa library at hindi ako makapag pokus na gumawa dahil iniisip ko ang mga nangyari kahapon.

Tuloy ang pag iiwas ko sa kan'ya, sa tuwing nagtatama ang aming mata ay agad na akong nag iiwas ng tingin.

"Ayos ka lang ba Samantha? Kanina pa tahimik," napatingin ako kay Klea na nagsasagot din ng kan'yang assigment.

"Oo naman, tinatamad lang talaga ako gumawa ngayon," sagot ko at inayos ang buhok na nalaglag sa aking mukha.

"Nga pala, I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag niyo kahapon. Naiwan ko kasi yung cellphone ko sa locker. Saka mamaya nalang tayo sabay umuwi," dagdag niya.

Inangat ko na ang aking ulo at umayos ng upo.

"Pinag alala mo kami. Saan ka ba pumunta kahapon?" tanong ko.

Napatigil siya sa pagsusulat pero agad ding nagpatuloy.

"May pinuntahan lang."

Kumunot noo ako. Napalingon ako kay Angel na nakamasid sa kinikilos ko.

"Ikaw bakit hindi mo sinabi sa akin kung nasaan ka kahapon. Sinundan mo si Mateo diba?"

Napalunok ako at agad binuklat ang notebook ko. "Sinabi ko lang sa kan'ya 'yung sinabi sa akin ni Tita."

"Di ako maniwala," sagot niya.

"Nagtatanong ka tapos hindi ka maniniwala," sabay irap.

"Kasi pansin kung may something sa inyong dalawa, diba Klea?" sabay tingin kay Klea na napatigil sa pagsusulat.

"Anong something na pinagsasabi mo. Alam mo naman kung bakit ko siya sinusundan diba? Saka hindi mo ba pansin na kanina ko pa siya iniiwasan, kasi nga wala ng dahilan pa para lumapit sa kan'ya."

"Mateo," umirap siya at humawak pa sa kan'yang dibdib at nagdramang malungkot.

Napailing ako at napaiwas nang tingin sa kan'ya.

"May kukunin lang akong libro," tumayo si Klea ng hindi tumitingin sa amin.

Tumayo rin ako para maghanap ng libro para iuwi dahil sa bahay ko nalang ito tatapusin at para makaiwas din sa tanong ng babaeng 'to.

"Kukuha din ako ng libro," paalam ko sa kan'ya.

Tumango lang siya at tinitigan ang cellphone niya. Malamang ay picture ni Mateo ang tinitigan niya.

Napunta ako sa dulo ng library dahil hindi ko mahanap ang libro para sa history. Inilibot ko ang tingin ko at inisa isa ang bawat code ng libro.

"Andyan ka lang pala."

Mahina kung bulong sa aking sarili ng makita ko ang hinahanap kung libro pero may kaatasan ito.

Ba't kasi ang liit kung tao?!

Tumalon ako para maabot ito pero bigo ako. Naghanap ako ng upuan na malapit sa akin para maabot ito.

Kinuha ko ang upuan na hindi kalayuan sa akin at muntik ng mapasigaw dahil sa kaluskos na narinig ko. Agad akong kinabahan at lakas loob na unti unting nilapitan ang narinig kung kaluskos.

"Sino 'yan?" mahina kung sabi at medyo madilim sa bandang ito dahil ito na ang pinakaduluhan ng library.

Inilibot ko ang tingin ko at wala akong makitang estudyante. 'Wag naman sana multo ang bumungad sa akin, masyado pang sikat ang araw. Napahinga ako ng malalim at dahan dahan naglakad para tignan ang narinig kung kaluskos.

"Jacob?!" gulat kung sabi ng makita siyang nakahiga sa mahabang upuan.

Anong ginagawa niya dito? Saka bakit sa tuwing nakikita ko siya ay palagi nalang siyang tulog. Kaya rin pala hindi siya pumasok kanina kasi andito lang siya sa library.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon