Chapter 55

530 12 5
                                    

Kinaumagahan ay ginising ako ni Jacob para makakain ng alamusal na inihanda ni Manang Tessa, matapos namin kumain ay inaya niya akong maglakad sa tabi ng dalampasigan habang hindi pa mainit.

Napahinto kami sa paglalakad ng makita ang mga mangingisda na papaalis na.

"Mag iingat po kayo!" sabi ni Jacob sa kanila.

"Maraming salamat Jacob," ani nila at pinaandar na ang kanilang bangka.

"Marunong ka rin bang mangisda?" tanong ko ng muli kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Yeah, I can teach you if you want."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Bakit hindi halata na marunong kang mangisda," pang aasar ko.

Nawala ang ngiti niya kaya mas lalo akong napangisi.

"Biro lang."

Napairap siya kaya mas lalo akong natawa.

"Saan ba tayo pupunta?" sunod kung tanong.

"You will know later," sagot niya kaya napasimangot ako at pinagmasdan nalang ang napakagandang tanawin ng dagat habang sumusunod sa kan'ya.

Hanggang sa ilang minuto naming paglalakad ay huminto siya kaya napahinto rin ako at inilibot ang tingin, napatingin ako sa naglalakihang bato na kung saan doon din humahampas ang alon ng dagat.

Napatingin ako sa kan'ya ng mauna siyang umakyat sa naglalakihang mga bato.

"Jacob, delikado!" sabi ko pero tumingin lamang siya at inabot ang kamay.

"Don't worry, I'm with you," marahan na sabi niya kaya wala akong nagawa at inabot din ang kamay ko at inalalayan niya ako paakyat sa pinakatuktok ng mga naglalakihang bato.

Sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin, namangha ako dahil mula sa puwesto namin ay mas lalong napakagandang tignan nang dagat. Sayang lang dahil hindi ko ito makukuhanan ng picture dahil naiwan ko ang cellphone sa kama kanina.

"Ang ganda," mahinang sabi ko at napangiti.

Napapikit ako para muling salubungin ang malakas na ihip ng hangin.

"So beautiful," rinig kung sabi niya kaya minulat ko na ang aking mata at bumaling sa kan'ya, nakitang titig na titig siya sa akin.

"Thank you," lumawak ang ngiti ko.

Tumango siya at agad na umiwas ng tingin.
 
"Let's take a selfie," sunod niyang sabi sabay labas ng kan'yang cellphone kaya napatango ako at pumwesto sa likod niya.

Malawak ang ngiti ko habang kumukuha siya ng picture, una ay kaming dalawa sunod naman ay mag isa ako. Tawang tawa ako dahil sa tingin ko ay wala akong maayos na kuha dahil sa buhok kung nililipad ng hangin.

Nang lumalakas ang hampas ng alon sa bato ay bumaba na kami dahil delikado pang manatili doon. Naisipan na namin na bumalik na sa resthouse dahil mataas na ang sikat ng araw pero tumigil ako sa paglalakad nang maisip na gumawa ng sand castle sa parte na hindi mainit. Naalala ko pa nung bata ako na sa tuwing pumunta kami ni Mommy sa beach ay hilig kung gumawa nito, at naaalala ko rin na may kalaro ako noon na lagi akong iniinis pero hindi ko na matandaan ang pangalan o mukha niya dahil namana ko kay Mommy ang pagkakalimutin niya.

Ewan ko ba, parang sakit ko na atang hindi matandaan ang isang tao o isang bagay habang tumatagal.

Inumpisahan kung maghukay nang malalim at kita sa gilid ng mata ko na tumabi rin siya at tinulungan ako sa pahuhukay kaya inumpisahan ko ng magpatayo ng sand castle.

"I have no idea that you are good at this," aniya habang tinitigan ang gawa ko.

Makaraan ang ilang minuto ay natapos ko rin gawin ang sand castle, para sa akin ay ang hindi ito kagandahan dahil walang ibang kagamitan para magamit sa paggawa at tanging kamay ko lang ang ginamit ko para mapatayo ito.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now