Chapter 31

466 10 2
                                    

Pabagsak akong humiga sa aking kama pagkauwi. Kahit anong gawin ko ay talagang ayaw maalis sa isipan ko si Faye.

Tumagilid ako nang higa at nakita ang laptop ko sa side table, kinuha ko iyon at agad nilog in ang facebook ko. Sa tagal kung hindi nakapag open ay sabog ang notification ko at messages ng binasa ko iyon ay puro pangalan ni Mateo ang nababasa ko na hindi kami bagay, na ang pangit ko, hindi rin kami magtatagal.

Hindi ko na iyon pinansin dahil ayokong sumakit ang ulo ko dahil lang sa gano'n na bagay. Wala naman silang ambag sa buhay ko para pansinin iyon. Habang nagsscroll ako ay may isang post kung saan picture ito ni Mateo na may kausap. Nakatagilid siya habang nakatalikod naman ang babaeng nakahoodie.

Sumikip ang dibdib ko habang tinititigan ang picture na iyon. Totoo nga ang narinig ko, nagkita sila sa park. Kailan pa?

Gulong gulo na ang isip ko.

Pinagmasdan ko ang picture na iyon, siya ba si Faye? Binasa ko ang mga comments at puro masasakit na salita ang nababasa ko.

"Tignan mo ang babaeng ito ng malaman na may girlfriend si Mateo biglang lilitaw. Hoy babaeng impokrita magpakita ka wag puro tago!"

"Hindi ko alam kung bakit galit na galit kayo sa kan'ya. Don't be toxic! Bago niyo siya ibash alamin niyo muna ang istorya!"

Tuluyan ko ng sinarado ang laptop ko dahil ayaw ko ng mabasa ang lahat pa ng iyon.

Napatitig ako sa kisame. Bakit gano'n kung kailan masaya ng isang tao ay bigla nalang may kaakibat na lungkot. Ganito pala ang magmahal, akala ko puro saya lang pero darating rin pala ang araw na masasaktan ka.

Pinikit ko na ang aking mata dahil ayokong pagduduhan si Mateo.

Kinaumagahan ay matamlay akong naglalakad papasok ng school dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin papasok si Mateo.

Muli akong napabuntong hininga. Parang ayaw ko nalang pumasok, nakakamiss ang kakulitan niya, pati yung titig niya ay sobrang namimiss ko na. 'Yung pagtawag niya sa akin ng Sam, siya lang ang tumatawag sa akin nun. Kahit kahapon lang kami nagkita ay tila isang taon ko siyang hindi nakikita.

Ganito pala magmahal nakakabaliw.

Pagkarating ko sa klase ay kukunti pa lamang kami, wala pa si Klea at Angel. Inilagay ko ang aking ulo sa mesa.

Mula kaninang umaga ay naghihintay ako ng text ni Mateo, sabihin man lang na nakipagkita siya kay Faye o dumalaw ito sa kan'ya. Pero ni isa text ay wala akong natanggap.

Paano kung dadalaw ulit si Faye sa training niya? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok at nakitang si Klea ito na napatigil din at nagkatinginan kaming dalawa.

Umayos ako ng upo dahil gusto kung magsorry ulit sa kan'ya, ayaw ko ng ganito, hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap.

Dumiretso na siya sa kan'yang upuan kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lapitan siya. Dahan dahan ako napaupo sa upuan ni Angel habang siya ay busy na nilalabas ang kan'yang notebook at ballpen.

"Klea, sorry sa asta ko kahapon," pang agaw pansin ko.

Huminga siya ng malalim at tuluyan na akong tinignan.

"I'm sorry din, Samantha," napakunot noo ako dahil dapat ako ang humingi ng tawad at hindi siya.

Umiwas lamang siya ng tingin. "Masaya ako para sayo dahil si Mateo 'yung tipo na mamahalin ka higit pa sa pagmamahal mo," kinagat ko ang aking labi para pigilan umiyak, sa simpleng sinabi niya ay natouch ako.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now