Chapter 38

439 10 2
                                    

Nagising ako dahil sa mga boses na aking narinig. Unti unti kung iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kuwarto. Muli akong napapikit dahil sa naramdamang sakit sa aking katawan.

"Samantha," rinig kung banggit sa pangalan ko.

"Mommy..." hirap kung sabi at muling iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin si Mommy na umiiyak.

"Oh God. Finally you're awake."

Mas lalong bumuhos ang kanilang luha at yinakap ako, napainda ako sa sakit dahil sa higpit ng yakap nila.

"I'm sorry, Anak."

Ngumiti ako ng pilit at inilibot ang aking tingin.

"Nasaan po ako Mommy?" tanong ko habang inaalayan nila akong umupo.

"Hospital, Anak."

Namanhid ako at naalala ang nangyari.

'Yung truck, si Mateo.

"Asaan po si Mateo?"

Mabilis ang kabog ng puso ko dahil ang huling natandaan ko ay nakahilatay siya sa kalsada bago ako mawalan ng malay.

"Mommy?" kinabahan kung tanong ng hindi pa rin sila sumasagot.

"Kasulukuyan siyang ginagamot ngayon dahil naapektuhan ang ulo niya mula sa pagkakabangga," umiwas ng tingin si Mommy para punusan ang kanilang luha.

"P..po? Mommy," tila muling tumigil ang mundo ko sa sinabi nila.

Mateo...

Tinanggal ko ang kumot sa aking katawan at kahit hirap na tumayo ay ginawa ko pa rin dahil gusto ko siyang makita.

"Anak anong ginagagawa mo?"

Pinigilan ako ni Mommy at nagulat sila ng makitang nagsisiunahan lumabas ang aking luha.

"Gusto ko siyang makita Mommy," nahapagulhol ako habang yakap yakap nila.

"Anak kailangan mong magpahinga."

Umiling ako, gustong gusto ko na siyang makita. Iniligtas niya ako mula sa pagkakabangga ng truck. Ako dapat ang nasa situwasyon niya ngayon at hindi siya.

"Tita..Samantha.." napaangat ako ng tingin at nakita si Angel na dali daling lumapit sa amin at agad akong yinakap.

Hindi pa rin ako matigil sa pag iyak habang nakayakap sa kan'ya.

"Dalhin niyo ako kay Mateo," pakiusap ko.

"Makikita mo rin siya Samantha pero kailangan po ng kaunting pahinga," ramdam ko ang luha niya sa aking balikat.

"Mateo.."

'Yun na lamang ang nasabi ko at muling nilamon ng dilim dahil sa panghihina ng aking katawan.

----

"Tita umuwi po muna kayo para makapagpahinga, ako na po muna ang magbabantay kay Samantha."

Ginalaw ko ang aking kamay.

"Kaya ko pa naman Angel."

"Samantha," rinig kung sabi ni Angel at ramdam na lumapit sila sa akin.

Nagising akong muli sa puting kuwarto.

"May nararamdaman ka bang masakit sa katawan mo?" marahan na tanong ni Angel na agad kung inilingan.

"Sige na po Tita, ako na po ang bahala kay Samantha."

Nabaling ang tingin ko kay Mommy at diretso ang titig sakanilang mata, kita ko ang pagod doon. Napayuko ako dahil sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari ngayon.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now