Chapter 34

409 12 1
                                    

Unti unti ng nagsialisan ang mga bisita ni Mateo. Naghihintay ako sa lamesa namin habang naghihintay sa kan'ya.

Ilang beses kung sinubukan kausapin si Klea pero hindi niya talaga ako pinapansin. Sobra na akong nag alala dahil sa nangyayari sa aming dalawa.

"Uwi na rin ba tayo?" tanong ni Angel.

Nagkibit balikat ako at ngumuso sa kan'ya para tanungin niya rin si Klea. Dahil alam kung hindi niya ako papansinin.

"Klea gusto mo na bang umuwi?" napaangat na siya ng tingin at umiling.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito at nakitang tumatawag si Mommy. Lumayo ako para sagutin ang tawag nila.

"Mommy," bungad ko.

"Anong oras ka uuwi anak? Anong oras na hindi pa rin ba tapos ang party diyan?"

"Tapos na po Mommy, hinihintay ko lang po si Mateo na ihatid po 'yung mga bisita niya"

"Oh sige, uwi ka agad. Mag iingat kayo."

"Okay po My," sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Muli akong bumalik sa kinauupuan ko at napasilip kay Mateo na asa labas ng gate. Abala pa rin siyang nakikipagkuwentuhan sa labas, pansin ko rin na tila nawala si Jacob. Kanina lang ay tinawag niya si Mateo pero ngayon ay biglang nawala. Imposible namang umuwi siya ng maaga.

Habang naghihintay sa kan'ya ay hindi ko na napigilan na kumain mag isa dahil sa gutom habang abala siyang ihatid ang ibang bisita niya sa labas.

"Klea, Samantha. Mauna na ako hinahanap na kasi ako nila Mommy."

Tumango ako at tumayo na para ihatid siya sa labas. Bumaling ako kay Klea ng hindi siya sumunod.

"Samantha, ano ba talagang nangyayari sa inyo ni Klea? Akala ko ba okay na kayo? Bakit hindi pa rin kayo nagpapansinan?" sunod sunod niyang tanong.

"Hindi ko rin alam bakit ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Siguro ay wala lang siya sa mood."

Napabuntong hininga siya at tumango. Kumaway na ako nang makarating kami sa kanilang sasakyan sa labas.

Pinaandar na ni Manong ang sasakyan at muli akong napatingin kay Mateo na nakipag apir sa kaibigan niya ng papaalis na rin ito.

"Mateo," tawag ko at lumapit sa kan'ya.

"Hinahanap na ako ni Mommy."

"Okay, Let me just get my keys. Wait me here," tumango ako at sabay kaming pumasok ulit sa loob.

Kinuha ko na ang bag ko sa lamesa at tumingin kay Klea.

"Klea uuwi na ako. Makikisabay ka ba?"

"Hinihintay ko si Manong susunduin niya daw ako dito. Mauna ka na dito lang ako," aniya pero ang tingin ay nasa cellphone niya.

"Okay. Text mo ako pag nakauwi ka na," mahina kung sabi pero hindi niya ako tinanguhan.

Gusto ko ulit humingi ng tawad sa kung ano mang kasalalan ko pero mukhang hindi niya ako kakausapin ngayon dahil sa lamig ng pakikitungo niya.

Bumalik na si Mateo at dumiretso sa kan'yang sasakyan.

"Una na ako, mag iingat ka sa pag uwi," sabi ko pa rin at tuluyan ng dumiretso sa sasakyan ni Mateo.

Pagkasakay ko ay kumawala ang malalim kung hininga.

"Are you okay?" tamad akong tumango.

"Sam, I am your boyfriend. You can tell me when you have problems."

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now