Chapter 13

8.7K 164 2
                                    

Kinuha ko ang susi ng locker ko para kunin ang p.e uniform ko. Ngayong araw ay naatasan kaming maglaro. Matapos kung makuha ay napatalon ako sa gulat ng katabi ko na pala si Klea.

"Are you okay Samantha? Nakuwento sa akin ni Angel yung nangyari kahapon," sinarado rin niya ang kan'yang locker bago tumingin sa akin.

"Oo naman, buti nalang ay wala ka kahapon kundi baka nadamay ka din tulad ng nangyari kay Angel," sabay baling kay Angel na abalang nagsisintas ng kan'yang sapatos niya.

"Don't worry, from now on hindi ka na guguluhin pa ni Mateo at Jacob, ako ang bahala sa kanilang dalawa okay?" malungkot siyang ngumiti.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero napatango na lamang ako at nagpaalam para magbihis.

Matapos ay agad ding akong lumabas at saktong naghihintay na rin sila sa akin.

"Tara na," ani ni Angel at kumapit sa braso ko.

Saktong pagkalabas namin ay agad din akong napatigil ng makita ko si Mateo na nakasandal sa gilid ng pinto ng locker namin. Nakapagpalit na rin siya ng damit pang basketball at masasabi kung sa suot niyang iyon ay agad napapalingon ang iba sa kaniya.

Napahinto din sila Angel at Klea at tinignan ang tinitigan ko.

"Si Mateo," mahinang sambit ni Angel at napansin ko din ang paghigpit m ng pagkapit ni Klea sa braso ko.

Napaangat ng tingin si Mateo at agad akong nag iwas ng tingin. Ano kaya ang iniisip niya ngayon na hindi ko sinasagot ang tawag niya

"Samantha, palagi bang pumupunta si Mateo sa inyo?" tanong ni Klea.

"Hmm. Hindi naman at saka tinawagan din ako ni Tita Belle kanina na hindi ko na kailangan bantayan pa si Mateo kaya magiging tahimik na ulit ang buhay ko," sagot ko.

Dahan dahan siyang tumango at hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi pero kita ko ang maliit na ngisi niya.

"Ano? Bakit daw? Agad agad? Ni hindi pa nga ako nakakalapit sa kan'ya tapos pinatigil ka na ni Tita," sunod sunod na sabi ni Angel kaya agad kung hinampas ang balikat niya dahil sa sinabi niya.

"Aray naman!" sabay himas sa kan'yang braso.

"Tumigil ka nga Angel, ang daming lalaki diyan," sunod naman na sabi ni Klea.

"Anong meron sa inyong dalawa at bakit ganyan kayo makapagreact," habang palipat lipat ang tingin niya sa amin.

Umiling iling nalang ako at hindi na siya sinagot. Gano'n din si Klea na diretso na ang tingin.

"Ewan ko ba sa inyong dalawa," sabay irap niya at naunang naglakad.

"Samantha," bumaling ulit ang tingin ko kay Klea, "Sabay tayong umuwi mamaya, nakakamiss rin kasing gumala tayo bago umuwi."

Napangiti ako. "Oh sige."

Ang tagal pala namin hindi sabay umuwi at namimiss ko narin kumain sa labas.

Nang makarating kami sa gym ay agad din kaming lumapit kay Sir Fred na naghihintay na sa aming lahat.

Maraming estudyante ngayon sa gym dahil kasama namin ang ibang block para sa gagawin na activities.

Sabay sabay kaming napabaling lahat ng sabay pumasok si Mateo at Jacob. Animo'y parang may pausok sa daan nila habang naglalakad.

Seryoso ang kanilang titig, parehas pang nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng kanilang shorts at tila walang pake sa mga babaeng sinisigaw ang pangalan nila.

"Dito tayo," sabi ni Klea sabay upo.

"Ang swerte talaga ng block natin. Akalain mo, kaklase natin si Jacob at Mateo," sabi naman ni Angel na malaki ang ngiti.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now