Chapter 9

9.2K 161 0
                                    

Napakurap kurap ako dahil sa sinabi niya.
Ako girlfriend ni Mateo?

Napatingin ako kay Angel na laglag ang panga at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin kung sa akin ba o sakanilang dalawa.

Napapikit ako ng mariin dahil pati ako ay nasama sa away nila.

"What's going on here!?" tumaas ang balahibo ko dahil sa boses na iyon.

Unti unti kaming humarap at bumungad sa amin si Dean na galit ang tingin sa aming lahat.

"Mr.Alvarez, Mr.Santiago. Go to my office now!" tila biglang humangin ng malakas dahil sa lakas ng boses ni Dean.

Tinulak ni Mateo si Jacob at tumingin sa akin bago lumabas, gano'n din si Jacob na diretsong sinundan si Mateo.

"Samantha! Totoo ba 'yung narinig ko? Girlfriend ka ni Mateo?"

Niyugyog niya ang braso ko at halos lahat ay gano'n din ang tanong at parang papatayin ako dahil sa nakakatakot na tingin nila.

"Hindi Angel at saka hindi ko nga kilala si Jacob!.Hindi ko alam kung ano ano ang pinagsasabi niya," tanggi ko.

"Eh ano yung sinabi niyang magkasama kayo kahapon?"

Sunod sunod na ang kanilang tanong at halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila dahil sa pagsasabay nilang pagsasalita.

"Ikaw ba ang babaeng 'yun?" nabaling ang tingin ko sa kaklase kung nagsabi nun.

Bigla rin natahimik si Angel.

"Hindi ako ang babaeng 'yun! At saka 'wag kayo masyadong magpapaniwala sa lalaking 'yun hindi totoo ang mga sinasabi niya."

"Si Jacob na mismo ang nagsabi Samantha na girlfriend ka ni Mateo," lumapit ang iba sa akin kaya napaatras ako.

"Hindi nga totoo 'yun! Hindi ko sila kilalang dalawa! At hinding hindi ako ang babaeng 'yun. Kung ayaw niyo maniwala edi wag kayong maniwala hindi ko naman kayo pinipilit," galit ko na ring sabi.

Napakuyom ang kamao ko dahil kita sa mata nila ang pagdadalawang isip dahil sa sinabi ko.

Umusbong ang galit ko kay Jacob bakit sa dami dami ng sasabihin niya ay iyon pa. Saka sino ba siya para sabihin 'yun? Porket sikat siya gano'n gano'n nalang? Hindi niya man lang ba naiisip kung ano ang maging kahihinatnan ng ginawa niya.

Ngayon palang ay marami ng naiinis sa akin dahil sa sinabi niya.

"Samantha," napatingin ako kay Angel at pasimpleng may tinuro sa harapan at ng tinignan ko iyon ay nanlaki ang mata ko ng makita si Ma'am Romero na nakatayo sa gilid ng mesa.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at humingi ng tawad.

"Mag usap tayo mamaya," mahinang bulong ni Angel at inilabas na ang kaniyang gamit.

Napapikit ako ng mariin dahil mula ng dumating si Mateo ay wala ng maayos na nangayari sa akin.

Halos walang pumasok sa utak ko hanggang matapos ang klase at walang nagpakitang Jacob at Mateo.

Isa pa ay natawag ako sa recitation buti nalang ay medyo madali lang ang sagot at hindi nahalata na hindi nga talaga ako nakikinig.

Hindi ko pa naayos ang gamit ko ng ginuyod na ako ni Angel at nagtaka nang halos lahat nang estudyanteng nadadaanan namin ay nakatingin sa akin.

"Siya ba 'yun?"

"Humanda siya sa akin!"

Napayuko ako dahil wala akong balak na patulan sila at baka mas lalong lumala pa. Kailangan ko rin makausap si Jacob para bawiin ang sinabi niya. Mukhang kalat na ng nangyari kanina kaya ganito sila makatingin sa akin.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now