Chapter 20

14.1K 188 0
                                    

Napakurap kurap ako ng tumalikod na si Mateo at iniwan kaming nakatanga dito.

Flirt? Wow! Pinapakialamanan ko ba siya? Hindi naman ah!

"Everyone, dito tayong lahat," pumapalakpak si Ma'am Romero para makuha ang atensyon ng lahat.

Umirap na lamang ako at iniwan si Jacob at dumiretso na kila Angel at Klea.

"Anong sabi ni Mateo?" bungad na tanong ni Angel ng makalapit ako.

"Wala lang 'yun," nasabi ko na lamang at tumabi kay Klea.

"Goodmorning everyone!" ani ng katabi ni Ma'am Romero.

"I am Mariz, the manager of Acadia Camp. For now let me tour you until we reach to the main spot of this camp," sabay ngiti niya at nauna ng naglakad.

Sumunod na ang lahat at doon ko lamang inilibot ang tingin ko at halos mapanganga ako dahil totoo nga ang sinasabi ni Ma'am Romero. Napakaganda nga talaga dito, sa naglalakihang puno palang ay mapapahanga ka na at mas lalo akong namangha ng may makita akong sapa na hindi kalayuan sa amin.

"Mukhang kulang ang pag stay natin dito ng apat na araw," rinig kung sabi ni Angel na panay na ang kuha ng picture sa lahat ng nadadaanan namin.

"Let me welcome you again to the main spot of Acadia Camp."

Laglag ang panga ko dahil para kaming nasa gitna ng field habang pinapalibutan ng naglalakihang puno.Pati ako ay napalabas ng cellphone at kumuha rin ng picture.

"Ano yung naririnig ko? Falls ba yun Ma'am?" rinig kung tanong ng kabilang block.

Napatahimik ang lahat dahil sa sinabi niya.

"For your question. Yes, may falls na hindi kalayuan sa atin and we called that as AC falls," sagot ni Ma'am Mariz.

"Ma'am bakit hindi niyo naman po sinabi na may falls po dito, edi sana nagdala ako ng swimsuit," maktol ng isa kung kaklase kay Ma'am Romero.

"Kaya nga hindi ko sinabi dahil alam kung may magdadala sa inyo niyan. Remember, this is a school trip not a family gathering. Kaya okay lang na maligo kayo pero walang magswiswimsuit!" babala ni Ma'am at naningkit ang mata sa aming lahat.

"Ma'am naman eh, napakadaya niyo talaga"

"No buts!" dagdag ni Ma'am Romero.

Mahina akong natawa.

"Okay. Before na maglibot libot kayo, you need to group yourselves into three dahil kailangan niyo munang ipatayo ang kan'ya-kan'yang niyong  tent," nagkatinginan kami nila Angel at Klea at sabay sabay na tumango.

"And later on magkakaroon tayo ng activities para mas masulit niyo ang inyong camping trip. I hope that would be okay?" sabi naman ni Sir fred.

"Yes sir," sagot ulit ng lahat.

Sumunod na ang lahat at nagsilinyahan para kunin ang tent na ipapatayo. Matapos naming kunin ay naghanap kami ng magandang puwesto bago inilatag ang mga gamit ng tent.

Inilagay namin sa gilid ang maleta namin at inumpisahan ng basahin ang instruction para maipatayo na ito.

"Paano ba 'to? Hindi ko maintindihan," inis na sabi ni Angel at tinapon ang hawak na ibang parts ng tent.

"Ako na diyan Angel, basahin mo nalang yung susunod na instructions," ani naman ni Klea at inabot ang papel sa kan'ya.

Tumango si Angel at inumpisahan ng basahin ang susunod na gagawin. Matapos kung makapaghukay ng lupa kung saan ilalagay ang stand ng tent ay tumayo na ako at tinignan ang iba na halos ang bilis ipatayo ang tent nila. Hindi ko mabilang kung ilang tent na ang nakatayo dahil sa sobrang dami namin.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now