Chapter 21

10.4K 84 2
                                    

Pasimple ko ulit sinulyapan si Mateo na nasa likod ko, wala pa rin itong imik magmula kanina.

Napapikit ako ng mariin at inilibot na ang tingin sa paligid para makapaghanap ng papel, sa halos ilang minuto na paglalakad namin ay wala parin akong makita. Kita ko rin ang iba naming kaklase na halos umakyat na ng puno para lang tignan kung meron bang nakaipit na papel o wala.

Bakit ba kasi sa dami dami ng magiging partner ko siya pa. Puwede naman si Raven o kahit sino basta 'wag lang siya.

Humarap na ako kay Mateo para sabihin na maghanap rin siya dahil mula kanina ay nasa likod ko lang siya.

"May nakita ka na b--.Huh?" nanlaki ang mata ko at iniwas ang tingin sa kan'ya ng may makita akong papel na nilipad mula sa puno.

Agad akong tumakbo para masalo iyon pero hindi sa inaasahan ay natisod ako sa kahoy na naapakan ko.

Napasigaw ako sa gulat dahil sa pag aakalang matutumba na ako, buti nalang ay agad hinawakan ni Mateo ang braso ko na dahilan ng pagtama ng katawan ko sa dibdib niya.

"Ma..mateo," gulat kung sabi at tinulak siya pero hindi siya natinag.

Paano kung may makita sa amin? Halos nakayakap na ako sa kan'ya.

"Mateo!" ulit ko ng nakatitig lang siya sa akin.

Kung kanina ay nakahawak siya sa balikat ko ngayon ay bumaba ito sa kamay ko at ginuyod papaalis. Napatingin ang iba sa amin at laglag ang panga, pilit kung tinatanggal ang kamay niya  pero mas lalo lamang itong humigpit.

May girlfriend siya tapos ganito ang gagawin niya.

"Saan tayo pupunta?" sabi ko ng makitang malayo na ang nilakad namin at wala ng makitang kaklase namin.

Paano kung mawala kami?

Tumigil na siya sa paglalakad at doon lamang tinanggal ang kamay niya.

"Anong ginagawa natin dito?" galit na sabi ko.

"Let's talk."

Napasuklay siya sa kan'yang buhok at pagod na tumingin sa akin.

"Bakit kailangan dito pa? Bumalik na tayong camp dahil pagod na rin ako," sabi ko at tumalikod na pero agad napaharap dahil sa sinabi niya.

"You're avoiding me because you like Jacob right?" laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Ako gusto si Jacob? Wow! Kung ano ano nalang ang sinasabi ng lalaking 'to.

Porket nakita niya lang kami na magkausap kanina, gusto ko na agad siya. Ibang klase!

"Ano ngayon kung gusto ko siya?"

Gusto kung malaman kung anong ibig sabihin ng lahat ng ito.

"He's a jerk!"

"Bakit ikaw hindi?"

"What?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Napasintak ako.

"Alam mo Mateo, kung wala kang matinong sasabihin babalik na akong camp, isipin mo na lahat ng gusto mong isipin. Saka hindi naman kita pinapakialaman pagdating sa girlfriend mo kaya 'wag mo rin akong pakialamanan kung sino ang gugustuhin ko."

Halos hindi ko pa mabanggit ng maayos pagdating sa girlfriend  niya.

"What did you say? Girlfriend?" tumaas ang kilay niya.

Ibang klase talaga ang lalaking ito, 'wag niyang sabihin na idedeny niya ang babaeng kasama niya sa mall.

Sumilay ang ngisi sa labi niya at para bang namangha sa sinabi ko.

"Bahala ka sa buhay mo," tumalikod na ako pero agad niya akong pinigilan.

"I don't have girlfriend, Samantha," diin niyang sabi.

Sarkastiko akong tumawa..Jerk!

"Huwag mong ideny Mateo, kita ng dalawang mata ko na may kasama kang babae sa mall," sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"You're jealous."

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kan'ya at natawa sa sinabi niya.

"Bakit naman ako magseselos?! Magkasama pa kayong dalawa!"

Hindi ko na maiwasan magtunog selosa. Ano ba, Samantha!

"She's just my cousin. Ana."

Nanlaki ang mata ko at napaatras.

Cousin? Ana? Shit!

"Now I know. You're avoiding me because you saw me with my cousin and assumed that she's my girlfriend."

Napakurap kurap ako at gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.

Napasapo ako sa aking noo. Ang tanga mo talaga, Samantha! Malay ko ba namang pinsan niya 'yun!

"You want to know who I'm inlove with?"

May gusto siyang ibang babae? Maganda ba? Sexy? Matalino? Sino? 'Yung babaeng kaibigan niya ba? Siya pa rin ba?

"Wala akong pakialam," sagot ko at muling tumalikod dahil sa kahihiyan.

"Repeat the first word, Samantha."

Napatigil na ako sa paglalakad at ramdam ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Unti unti akong napaharap ulit sa kan'ya at kunot noong tinignan.

Humakbang siya papalapit sa akin at mariin na tinitigan.

"I like you, Samantha."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang paru paro sa aking tiyan.

Hindi! Panaganip lang ito! Saglit kung kinurot ang aking daliri at mahina akong napaaray dahil hindi nga talaga ako nanaginip.

"Hin...hindi ito magandang biro, Mateo," utal kung sabi.

Si Mateo may gusto sa akin?

"I'm serious, Samantha. The first time I met you, I had no damn idea that I'd love you this much. Words can’t express how I feel about you."

Dahil sa sinabi niya ay tila nagwala ang puso ko. Nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan.

Kita ko sa mata niya ang pag iingat sa bawat salita na binitawan niya. Agad kung tinakpan ang mukha ko dahil sa luhang lumandas sa aking pisngi.

"Fuck! Why are you crying? I'm sorry."

Halos gulo niya ng sabi at tinanggal ang kamay kung nakatakip sa mukha ko at siya mismo nagpunas ng luha ko.

Hindi ako umiiyak dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Ang buong akala ko ay wala siyang gusto sa akin, akala ko may girlfriend siya. Akala ko ay may gusto rin siya doon sa babaeng 'yun.

Ang tanga tanga ko talaga!

"Wala 'to," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa aking pisngi.

Malalim akong humugot ng malalim na hininga, hindi ko na rin mapigilan ang nararamdaman ko sa kan'ya. Nanginginig kung hinawakan ang kamay niya at pinagsaklop ito bago ngumiti sa kan'ya. Kita ko ang gulat sa kan'yang mata at agad akong yinakap.

Natawa ako na may halong iyak dahil sa muling mahinang pagmumura niya.

Kinain ko rin pala ang mga sinasabi ko, na hinding hindi ako magkakagusto sa kan'ya pero heto ako ngayon, hulog na hulog na sa kan'ya.

Falling in love with him I hadn't expected, it  is something I couldn't stop even If I tried. I am in love with him. I am in love with the famous drag racer.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now