Round 6

13.6K 496 53
                                    

Chapter 6

~*~

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko nung gumising ako sa umaga hanggang sa pagpasok ko sa school. Actually, hindi ngiti. It's a grin.

Pero unti unting naglalaho ang ngiti ko nung hindi ko mahagilap ang kaluluwa ni Richard. Ni kaibigan niya, cannot be seen. Asan ba sila?! Kung kailan may sagot ako saka naman sila mawawala!

Nung math time na namin, umalis na ako sa klase. Ayoko kasi sa subject namin na yun. Duh! Kapag nagtrabaho ba ako, hahanapin ko pa rin ba si X?! Psh! Nakakairita.

Hahanapin ko nalang si Mr. Feeling anime and friends. Mas mag-eenjoy pa akong asarin siya. Haha. Ang sarap kayang makita na ang kalaban mo para nang puputok sa galit. It makes my day complete. Ang makita siyang galit makes me great. Haha.

I'm on my way na sana sa maliit na building nang may makasalubong ako.

Gusto mong malaman?

Well, it's a secret.

"Himala. Buhay ka pa pala!" Salubong ko.

"Tsk. Pakyu. Akala ko ba tutulungan mo ko?!" Bulyaw niya.

"Matapos mo kong ilaglag? Tutulungan pa kita? I'm sorry. Hindi ako anghel." Sarcastic na sabi ko.

"Yeah. I know. Kasi ang panget na katulad mo, kasing demonyo ni Richard!"

Antaray ng lola niyo. Sigawan ba naman ako? Ayos lang sana kung isang beses lang pero nakakarami na ang isang to ah. Anong akala niya sakin? Nasa south pole? At siya nasa north? Kung makasigaw parang nasa palengke lang.

"Speaking of the demon. Asan pala siya? Bakit hindi siya pumasok? Sinundo na ba siya ng jablo?" Tanong ko.

"Nasa private room lang siya. Teka. Bakit mo naman siya hinahanap?" room lang nila yun?

"Asan ba ang private room na yan?" Sinagot ko rin ng isang tanong ang tanong niya.

"Malapit sa guidance office. Yung may garden" mataray niyang sagot.

"Okay. Now. Kung gusto mong hindi mapaalis dito, sumama ka sakin"

Hihilahin ko na sana siya nang magsalita siya.

"Wag na. It's too late. Pinaalis na niya ako. And the reason why I'm here is kinuha ko nalang yung natitirang gamit ko dito" medyo malungkot ang boses niya.

"Uhh...kawawa ka naman...wag kang mag-alala...makakahanap ka rin ng ibang school...sige babye! Chu chu. Umalis ka na para mabawasan na ang mga bwisit sa buhay ko" pagtataboy ko sa kanya.

Kala niyo tutulungan ko ang isang to noh? Huh! I'm not insane.

"Psh. Wala ka talagang kwenta! Magsama kayo ni Richard! Ang sasama niyo!"

"Hoy. Joke lang." Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil hinila ko na agad siya dun sa private room nilang tatlo.

Joke lang talaga yun. Naisip ko rin kasi na magagamit ko pa ang isang to. Mukha siyang mataray tsaka mataray rin siyang magsalita pero masunurin naman.

Can you imagine na ginawa niya talaga ang sinabi ko?! Kahit virginity pa ang nakasalalay. Ginawa niya talaga. Hindi nga siya nagdalawang isip nung sabihin ko sa kanya ang script niya eh. Baka naman hindi na talaga siya virgin? Hmm. Pwede rin.

Pero isa lang ang naiisip ko. Pareho kami. Hindi sa mukha at virginity pero sa ugali, pareho kaming palaban.

Pagdating namin dun sa tapat ng bahay bahayan nila, naramdaman ko nalang ang pagpigil sakin ni Secret.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon