Round 43

6.5K 204 9
                                    

Chapter 43

~*~

~Flashback~


Zake POV


Ang bilis tumakbo ng oras. Parang kahapon lang yung first day of school. Parang kahapon lang nangyari lahat. Hindi mo namamalayan na ang mga taong nasa paligid mo ay parang panaginip lamang. Hindi ka makapaniwala na kayo yung naging malapit na kaibigan ng mga taong aakalain mong drug lord. Joke.

Malapit ng matapos ang pasukan.

At dahil dun, may program ang school namin.

Andito kaming mga freshmen sa quadrangle na may hawak-hawak na puting lobo. Sa tali ng lobo, may nakataling maliit at nakaikot na papel. Nakasulat doon ang mga bagay na gusto naming mawala o baguhin since katapusan na ng pasukan sa taon na ito. Isusulat raw namin ang mga hinanakit namin sa maliit na papel na yun.

Yung iba, busy ng sumulat sa kanya-kanya nilang papel. May ibang tumitingin-tingin pa sa papel ng iba. May ibang walang humpay magsalita sa katabi nila na halata namang walang pake sa sinasabi nila.

Pero may ibang malungkot dahil sa katangahan kaya lumipad ang lobo nila. Kaso bigla akong napatigil ng makita si Zia. Kasama siya sa mga tanga dahil lumipad na rin ang lobo niya.

"5 minutes, magsisimula na tayo!" Sabi ng president the student council. Sila kasi may pasimuno nito kaya kami naiinitan dito sa quadrangle.

Lumapit ako kay Zia at inabot sa kanya yung lobo ko.

Nabigla naman siya sa ginawa ko.

"Akin na to?" tanong niya.

"Hindi. Hawakan mo lang. Magsusulat muna ako" sarcastic na sabi ko.

"Ahh. Okay." sagot niya at kinuha ang balloon saka tumungo.

I rolled my eyes heavenwards.

"Slow talaga." Bulong ko.

"Huh?" napaangat ulit ang tingin niya sakin.

"Wala. Sayo na yan. Aside sa gusto kong bawasan ang kagwapohan ko, wala na akong ibang maisulat kaya sayo nalang." sabi ko.

"Sigurado ka? Eh yang hangin sa loob ng sistema mo, hindi mo ba gustong mabawasan?"

"Ano?!"

Nagpipigil naman siyang tumawa at nag peace sign.

"W-wala.." Tumungo na siya ulit at tumahimik.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Akin na nga yan!" iritang sabi ko at inagaw ang lobo pero dahil sa ginawa ko, naputol yung tali at lumipad yung lobo.

"Aish! Kasalanan mo to!" sabi ko.

Kita ko na naman ang lungkot sa mukha niya. Aish! It's my fault again.

"Zia, itong balloon ko nalang gamitin mo.." may lumapit na lalaki at inabot sa kanya yung lobo.

Lumiwanag ang mukha ni Zia at aabutin na sana yung lobong binigay nung kutong lupang lalaki pero bago niya magawa yun, inunahan ko na siya.

"No thanks, brad. May lobo na siya." sabi ko at hindi nagdalawang binitiwan yung lobo kaya lumipad na rin.

Nagulat naman silang dalawa sa ginawa ko pero wala ng pumalag. Papalag siya, sumbong ko siya sa nanay ko jan eh. Joke! lol.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon