Round 24

10.2K 359 52
                                    

Chapter 24

Happy 10k reads everyone! Waaahh! Masaya na ako sa 10k na yan at 1k comments. Lovelots everyone! By the way, this chapter is dedicated to Kookiecoke-. Enjoy!

~*~

Secret POV

"Shhh...shhhhh.." kasalukuyan kong pinapatahan tong kapatid kong ayaw tumigil sa kakaiyak. Bwist! Kasalanan ko naman kung bakit ayaw tumigil sa pag-iyak ng kapatid ko. Hindi na kasi siya nakakainom ng gatas.

Inutusan ko pang mangutang ang isang kapatid ko dahil wala talaga akong kita ngayon. Akala ko kasi naibili na ni mama ng gatas yung binigay ko sa kanyang pera nung nakaraang buwan. Pero di pala. At hindi ko na inalam kung saan niya yun ginamit. Baka di ko alam ang magagawa ko pagnagkataon. Kung ako nalang sana ang bumili nun, hindi sana nag-iiyak at nagugutom tong kapatid ko.

"Ate...ayaw magpautang ni aling belen eh.." sabi ni Shai nang makarating siya.

"Sht! Tsk. Subukan mo kay aling Aida." Napasabunot ako sa buhok ko nang lumabas ang kapatid ko.

Wag lang magpapakita sakin yung nanay ko. Baka may magawa akong hindi niya gusto.

"Ate...gutom na po ako.." Si sasha.

"May bente pesos si ate ohh. Bili kayo ng makakain ah. Wag puro junk foods. Jenina, samahan mo tong sina Sasha at Julie bumili ng pagkain" sabi ko. Agad namang kumaripas ng takbo ang tatlo. Mag-uunahan yun sa tindahan. Ganyan trip ng mga kapatid ko. Buti nalang hindi nadadaanan ng sasakyan tong bahay namin kaya pinapabayaan ko lang silang magtatatakbo.

"Ate, ayaw rin eh" salubong sakin ni Shai nang makapasok siya.

"Pilitin mo naman, Shai! Ayaw nang tumigil sa kakaiyak tong si Sean eh!" Iritang sabi ko.

"Ate! Yung phone mo! Kanina pa nagrring! Baka jowa mo. Humingi ka ng pera" sinamaan ko nang tingin si Sabrina na nakangiti lang nang nakakaloko sakin.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang caller.

Charles Clinton.

Oh ghad! May lakad pala kami ngayon. Tutulungan niya kasi akong gumawa ng documentary film. Camera na rin niya ang gagamitin kasi nahihiya na akong lumapit kay panget. At sa laptop na rin niya ako mag-eedit. Alam kong nakakahiya. Pero kung hindi ko kakapalan ang mukha ko kay Charles baka hindi ko na magawa tong punyetang project nato.

Pinakuha ko muna ang kapatid kong iyak ng iyak kay Shai. Papainumin nalang muna niya nang maligamgam na tubig para magkalaman ang tyan.

"Hello" sagot ko sa kabilang linya.

"Saan tayo magkikita?" Seryosong saad niya.

"E-ewan...ikaw bahala" sagot ko.

"I'll fetch yo--"

"No! Sa jollibee nalang!" Putol ko sa sasabihin niya. Langya! Di niya ako pwedeng sunduin. Tama nang si Zake lang ang nakaalam kung saan talaga ako nakatira. Pero paano kung pinagkalat na pala ng lokong yun ang nalaman niya? Tsk! Sisiguraduhin ko talagang hindi na magkakaanak yun.

"Ate..may lakad ka? Paano si Sean?" Nakakunot noong sabi ni Shai.

"Akin na si Sean..kayo na ang bahala kila Julie, Jeninna ay Sasha ah." Sabi ko at kinarga ang bunso naming kapatid. Medyo hindi na ito umiiyak. Buti naman.

"Dadalhin mo si Sean sa lakad mo, ate?" Sabrina.

"Alangan namang hahayaan kong magutom to dito. Basta, kayo nang bahalang mag-explain kay mama. May gagawin akong project." Sabi ko habang sinisimulang bihisan si Sean.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon