Round 54

6K 183 30
                                    

Chapter 54

~*~

Yvonne POV

Bakit palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang papalapit sa pinto?

"Don't dare to do it, Angel"

Kaya pala lumakas ang tibok ng puso ko. Si Gorilla pala yun, Pero aba't! Anong pinag-uusapan nila?

"Bakit natatakot kang matulad sa racing? Don't worry..." sabi ni kulangot na pinutol ni Gorilla

Napakunot noo ako. Hindi ko sila maintindihan. Bakit nabanggit yung racing?

"Diba sinabi kong itigil mo na to?!" Lumakas ang boses ni Gorilla.

Kinukutuban na ako sa pinag-uusapan nila. Yung kilay ko, nagkatagpo na.

"Alin? Yung plano mo? Yung plano mong ipahiya si Yvonne? Yun ba?"

Para akong nabato sa narinig ko. It can't be...

"Tsk. My dear Richard, ikaw ang lumapit sakin. Right? Tanda mo pa yung sa mall? I really can't believe na magagawa mo yun kay Yvonne." Lumalakas ang tibok ng puso ko kada may binibitawang salita si Kulangot.

A-ano bang sinasabi ni kulangot?

"Is that how you despise her? Now tell me, bakit ko ititigil kung may sinusunod akong kontrata. Isang kontrata na ikaw mismo ang gumawa. At bilang kapalit, makikipagdate ka sakin. Isang beses lang tayong nagdate ah--"

Naluluha na ako rito pero pinipigilan ko.

"Enough..."mahinang sabi ni gorilla, magsasalita pa sana si kulangot pero binulyawan na siya ng gorilla ."Enough--!" 

At hindi na ako nagdalawang isip na pumasok. Umingay yung pinto kaya napalingon silang dalawa.

Tanga ko rin minsan. Kung umexit nalang kaya ako at hindi na magpakita pa kay Richard habang buhay. Magpapatapon na lang ako sa America. Charot! Pero gusto kong manggaling sa bibig niya ang katotohanan eh. Katulad noong kay Jester. Shit!

Bakit bumabalik yun?!

Sana nagsisinungaling lang tong kulangot na ito.

I trust him.

"K-kate.." nasasaktan ako nang marinig ang boses ni Gorilla. Yung boses niyang halatang gulat na gulat at nasasaktan rin, ayokong marinig yan. He should not act this way tutal mali ang pinaparatang ng kulangot na yan.

He stepped forward kaya agad ko siyang pinigilan.

I looked at kulangot at nag-smirk lang siya.

"Totoo ba?" binalingan ko si Richard.

"Kate...let me explain--"

"Totoo ba?!" napasigaw na ako. What does he mean na mag-eexplain siya? Does it mean na totoo nga...?

"Yes, its---" sasagot pa sana yung kulangot pero napasigaw na ako sa galit.

"Putang*na! Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" gustong-gusto ko ng balatan tong si kulangot eh. Hindi ko na siya pinansin at tinignan ko nalang ang mukha ni Richard.

Ayoko mang aminin pero sa mukha pa lang niya, katulad na ng expression ni Jester noon. Guilty.

And it fvcking kills me!

"Kate..."

Fuck!

Nagagawa pa niya akong tawagin sa pangalan ko.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon