Round 4

15.4K 545 104
                                    

Chapter 4

Yvonne's POV

Sa araw na to, hindi na ako papayag na mabully ng walang kwentang gwapong yun.

Kung kinakailangang magbuo ng kilusan laban sa kanya, gagawin ko. Magiging kasing tapang ako nina Andress Bonifacio at Jose Rizal. Maipaglaban lang ang kasarinlan ng mga studyante sa Maxpel Academy.

Bababa ako sa aking masaganang buhay upang makatulong sa bayan katulad ni Mahatma Gandhi. At---

"Ms. Fortez...."

Nagising ako sa malumanay na pagtawag ng teacher namin sa pangalan ko. Rinig ko rin ang mga hagikhikan ng mga kaklase ko. Hindi niya ako sinisigawan kaya mahina rin ang tawa ng mga engot sa likod ko.

"Ms. Fortez, ano nga yung takdang aralin natin?" Medyo sarcastic na tanong ng teacher namin. Knowing na natutulog ako. Paano ko malalaman?

Kinusot ko muna ang mata ko bago umayos ng upo.

"Ma'am..?" Mahinang sambit ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Naging guro lang kayo does it mean magiging bulag na rin kayo? Can't you see, I'm taking a nap. Ang ganda kasi ng bed time story niyo. Yung tungkol sa boyfriend mo ba yun?" Kalmado pero may halong pagkasarcastic na sabi ko.

"Wala kang respetong bata" nanlulumong sabi ng teacher.

"Bakit PO ma'am? Purket matanda, kailangan nang respetuhin? Eh ang bata, nererespeto ba?"

"Principal's office now!" Bulyaw niya.

Napasmirk nalang ako.

~*~

"Ms. Lyn, pasensyahan mo na talaga si Yvonne. Her mother had told that she's a little bit...uhm what's this..yung prangka magsalita."

"But Ma'am, wala po talaga siyang respeto" Dipensa naman ng subject teacher ko

"Anak yan ng isang sikat na Business tycoon kaya ganyan talaga. Ikaw nalang ang mag adjust kaysa hintayin mong siya" mahinang bulong ng Guidance counselor namin.

Nagkataon kasing wala yung Principal kaya dito ako pinapunta. At mukhang hindi naman ako yung may kasalanan dahil hindi naman ako kinakausap ng babaeng andito. Yung teacher ko lang sa Filipino yung kinakausap.

I just keep my eyes rolling. At nang mabagot na ako, tumayo na ako at nagsmile sa kanila pero fake lang. Halata naman kasi sila. Pero wala akong pake.

Pabalik na sana ako sa room nang may mapansin akong small building na may garden sa paligid. Para siyang bahay na modern ang design pero bakit may ganito sa school namin. Sa pagkakaalam ko, college lang ang may dormitory sa academy na to.

Because of my curiosity, I follow the tiny stone path papunta sa not so huge na building.

Siguro ang principal ang nagpagawa nito dito. Tago kasi yung lugar. Kung hindi ka nanggaling ng guidance, hindi mo makikita to. Tsaka the ambiance is quite good because of the plants.

But the hell.

Bukas na bukas magpapagawa rin ako ng ganito.

It's unfair kaya.

Nang pinihit ko na ang door knob, napa-evil grin ako dahil hindi lock.

So akala talaga nilang walang makakapunta dito. Or maybe bawal lang talagang pumunta dito? Tsk. The hell I care!

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon