Round 21

9.3K 314 33
                                    

Chapter 21

AN: Hi guys! This chapter is dedicated to @shnBitter. Thanks for reading my story. Hope you support this 'till the end.

~*~

Secret POV

Weekend ngayon at saktong tulog si mama kaya lalayasan ko muna siya. Maghahanda nalang ako ng pantapak sa tenga ko mamaya pag-uwi. Kailangan ko ring rumacket ngayon kasi may project sa school. Wala akong panggastos.

May documentary film kasi kaming gagawin sa isang naming subject. At sa kasamaang palad, isang matapobreng paniki ang partner ko. No choice ako kundi gumawa ng sarili kong project. Kesa naman umasa ako dun. Tsk.

Ang problema ko lang, wala akong materials. Tulad ng camera. Alangan namang cellphone lang ang gamitin ko. Duh! Bili lang sa divisoria tong samsung phone ko.

Paglabas ko sa iskinita ng bahay namin, nanlaki ang mata ko nang makita si Zake. Wtf. Anong ginagawa ng isang to dito?! Paano niya nalaman ang bahay ko?!

Nakasandal pa siya sa magara niyang kotse na dito pa sa loob ng squatter area. Baka nga madikwat yang cellphone niya eh. Tsk. Careless! Palibhasa mayaman.

"Anong ginagawa ng isang Secret Santiago sa isang lugar na to?" He said then smirked.

Para namang may biglang bumara sa lalamunan ko nang sabihin niya yun. Fvck! It can't be. Katapusan ko na ba? Hindi niya pwedeng malaman na mahirap lang talaga ako. Ano nalang ang gagawin ko kapag nalaman nila ang tunay na pagkatao ko? Yeah I'm a social climber. Pero ginagawa ko lang yun para hindi ako mabully ng mga tao dun.

I just want to finish my studies there.

"W-wala..kang pake! E-eh ikaw?" Shit! Nabulol pa ako.

"Sinusundo ka. Pinapahanap ka ni Madam Yvonne. Let's go"

Bahagya akong napakunot noo nang biglang sumeryoso ang mukha niya nung tumalikod siya at sumakay sa kotse. Knowing him, wala ata sa vocabularyo niya ang magseryoso. Pero hindi na ko nagtanong pa. I hurriedly hop into his car.

But I'll try to be quiet this time.

Ayokong magtanong siya. Baka malaman pa niya na galing lang talaga ako sa mahirap na pamilya.

Minutes later, we've reached our destination. Sa di kalayuan, nakita ko si Yvonne na mukhang nagppractice magmaneho. He's with Charles. At si Richard naman, nakacross arm lang na nakatingin sa kanila sa loob ng isang tent.

Actually, mukhang andito kami sa isang race track. And aware na naman ako kung bakit kami andito. Yvonne is trying to learn how to drive para sa nalalapit niyang race match with..angel? Angel ba ang pangalan nun? Hindi ako sigurado.

But I bet, hindi mananalo ang panget na to. Hahaha! She's even incapable of driving. Tapos drag racing pa ang sasalihan niya. Poor ugly..

"Anong ginagawa niyan dito?" Napatingin ako kay Richard na masamang nakatingin sakin.

"Pinapahanap siya ni Yvonne eh" sagot ni Zake habang kumukuha ng tubig.

Binalik na niya ang tingin niya sa kotseng minamaneho ni Yvonne na palapit dito. Nang tuluyan na itong makalapit, bumaba si Charles at inabot ang tubig na binigay ni Zake.

"Kamusta?" Pangangamusta ni Zake sa kanila.

"I need break!" Bulyaw ni Yvonne.

"5 minutes" Richard.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon