Round 52

5.9K 189 36
                                    

Chapter 52
AN: UNEDITED CHAPTER
~*~

Secret POV

Andito ako sa condo unit nina Zake, Charles at Richard. Ito na ang huling araw ko rito. Tutal medyo bati na kami ng mama ko. Pwede na naman daw akong bumalik sa bahay. Pero bago ako umalis, gusto ko munang magpaalam at magpasalamat sa kanilang tatlo sa pagpapatuloy nila rito sakin.

Kahit ayoko pang makita si Zake...

"I'm sorry Secret..."

Napapikit ako ng maalala ko ulit ang mga katagang binitawan niya sakin nung huling pag-uusap namin.

"Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya. Akala ko galit pa rin ako. But when I laid my eyes on her...parang nawala lahat ng galit ko..."

Take note, umiiyak siya nang sinasabi yun. Doon ko unang nakitang umiyak si Zake.

Hindi ko na siya pinatapos nun. Bago tumulo yung luha ko, pinaalis ko na siya sa harap ko. Ang gago niya! Nagpunta pa siya dun para saktan ako. Hindi na lang sana siya nagpakita kung ganun lang ang gagawin niya.

"Hoy bruha."

Napalingon ako at nakita ko si Yvonne na nakacross arms.

"Anong kadramahan mo jan?" tanong niya at tinignan ang mga litratong tinitignan ko kanina.

"Pake mo!" sagot ko.

"Ang gagwapo nila dito no?" pang-aasar niya sakin at mukha pa talaga ni Zake ang pinakita sakin.

"Hindi ka nakakatulong, Panget" sabi ko.

"Speaking of tulong, kailangan ko ng tulong Secret." biglang lumungkot ang mukha niya.

Napakunot noo naman ako.

"Saan?"

"Si kulangot. Sabi niya beauty pageant ang huling challenge niya sakin. Sa tingin mo, saan ako makakahanap ng beauty sa panahong to? Saan ko mapupulot yan?" sagot niya.

"Diba sabi sayo ni Richard tumigil ka na sa challenge-challenge na yan kay Angel? Saka bakit mo pinoproblema yan? Marami ka namang pera. Magparetoke ka" sabi ko

Lumiwanag naman ang mukha niya na parang nakaisip ng masamang plano.

"Retoke? Nice---" naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Richard kasama si Charles pero wala akong nakitang Zake.

"Anong pinag-uusapan niyong retoke?" nakakunot noo niyang tanong.

"May nasabi ba akong retoke? Ang bingi mo gorilla! Ang sabi ko re...re..." sinamaan naman ako ng tingin ni Panget. Gusto ata niyang mag-isip ako ng palusot pero wala akong maisip eh.

"Gusto niyang magpaganda" sagot ko.

Nanlaki naman ang mata ni Panget sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong ni Richard sabay tingin sa kanya.

"Gusto niyang sumali sa isang beauty pageant. Yun ang huling laro nila ni Angel." sagot ko na ikinasama ng tingin sakin ni Panget.

Wala akong pake kung magalit siya sakin. Mas mabuting alam ni Richard para hindi siya mapahamak.

Yvonne POV

Pagkatapos akong ilaglag kanina ni Secret. Hinila ako ni Gorilla at dinala sa bahay niya para pagalitan ng bongang-bonga. Oh diba? Sosyal siyang magalit. Gusto niya nang privacy. Akala ko daldalhin niya ako sa room niya at gagahasain. Di joke lang.

Sa ngayon, naiwan ako dito sa salas nila. Iniwan niya ako rito matapos akong manalo sa debate namin.

Sasali ako sa beauty pageant ng school namin kaso hindi ako pwedeng magparetoke. Hahaha! Hindi ko naman gagawin yun eh. Pero magkakaroon pa ng elimination since isa lang ang maaaring representative sa school namin. Tawagan ko kaya si Ate Cess? Magaling yun sa mga fashion thingy eh. Tutal busy lage si Mami kaya hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa kanya.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon