Round 55

5.6K 181 23
                                    

Chapter 55
~*~

Richard's POV

Alam kong hindi pa ako gustong makita ni Kate. Kaya didistansya muna ako. Kakausapin ko rin naman siya pero hindi ko muna ipagpipilitan yun sa ngayon. Nasaktan ko siya. Hahayaan ko siyang mag-isip sandali.

Pag-uwi ko ng bahay, sinilip ko ang kwarto ng Dad ko. Nagtataka kasi ako sa litratong binigay ni Kate. Pero hindi ko siya nakita dun. Nagpunta nalang ako sa kusina para uminom ng tubig. Wala akong ganang kumain ngayon.

Paalis na ako sa kusina nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa balcony. Sa tindig pa lamang nito, alam ko na kung sino. Saka wala namang ibang tao rito.

Dahan dahan akong lumapit.

"Dad..." sambit ko.

Napalingon naman siya.

Nakita ko ang hawak niyang wine na ibinaba naman niya agad nang makitang nakatingin ako dun.

"Richard..!"

Nabigla yata siya sa pagdating.

"It's gay to cry." I joked.

Minsan na niyang sinabi sa akin yan nung bata ako. Hindi ko makakalimutan yun. Ayaw niya kasing may umiiyak.

And now, I'm seeing him for the first time na umiyak.

Pero ano nga bang mali sa umiyak? Hindi naman yun nagpapakita ng kahinaan. Umiiyak lang naman tayo dahil sa mga problemang gusto na nating tapusin pero hindi naman matapos-tapos. Umiiyak tayo hindi dahil mahina tayo, para sa 'kin, mga malalakas ang loob ng taong umiiyak. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, kasiyahan lang ang mararamdaman natin. 

"Sinong may sabing umiiyak ako?" ngumiti siya pero alam kong pilit lang.

Tumalikod siya at napahinga nang malalim.

Mas lumapit ako sa kanya. Nagdadalawang isip pa akong hawakan siya sa balikat. Pero hindi ko nalang itinuloy.

"Dad..." tawag ko.

Pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Sht.

Ito ang unang beses na nilapitan ko siya simula nang mawala si Mommy. Minsan lang kami magkausap at sa tuwing nag-uusap naman kami ay hindi kami nagkakasundo.

"I-I'm...sorry.." I said.

Gusto ko nang makipag-ayos sa kanya. Kami na nga lang dalawa, hindi pa kami nagkakasundo. Alam kong ito ang gustong mangyari ni Mommy, kung nasaan man siya ngayon.

Inaasahan kong tatahimik lang siya at hindi sasagot pero taliwas ito sa nangyari.

"No...Hindi ka dapat humingi ng tawad. Ako ang may kasalanan sayo Richard. Ako ang may malaking kasalanan sayo...anak.." He said.

Niyakap niya ako bigla.

And with that, gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko napansin na napangiti ako. Parang nabunutan ng isang tinik ang puso ko.


Kinabukasan

Hindi na ako masyadong nabigla na may nakahandang pagkain sa lamesa. Ang nakakabigla lang, nandun si Dad. Inanyayaan niya akong sumabay sa kanya. Kaya naupo na ako. Yun nga lang, wala parin akong ganang kumain.

Ganito pala ang pakiramdam na magkasundo na kayo ng ama mo at sabay na kayong kumakain.

Pero hindi pa rin talaga ako lubusang masaya ngayon.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon