Round 22

9.2K 326 22
                                    

Chapter 22

~*~

Yvonne's POV

Three weeks na ang nakalipas simula nang pumayag ako sa condition ni kulangot. At tuwing weekend, whole day ang letch* kong practice. Tapos sa weekdays, pagkatapos ng klase kami nagpapractice. Then sa club kami ni Zake kumakain pagkatapos.

Pero ngayon, hindi kami sa club papunta. Tapos na kasi ang practice eh. Sa bahay ni Richie kami kakain. So ibig sabihin, pupunta kami ng zoo. Makakita ako ngayon ng kalahi niyang Gorilla. Hehe.

Si Secret lang ata ang kulang samin ngayon. 

Teka! Ba't naman kulang? Psh! Siguro nasanay lang ako sa presence ng babaeng yun. Kahit lately, hindi ko na ramdam ang presence niya. Mukha siyang umiiwas na ewan. Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako mind reader. Siguro may crush lang siya kay Zake. Pero itong si Zake, kung sino sino ang kasamang babae. Punyet* ring lalaki. Masyadong malandi. Tinalbugan pa ang pimples ko sa pagpaparami.

"Saan ba ang zoo dito, Gorilla? Ba't ang tagal! Gutom na ako!" Pagmamaktol.

"Tsk!" Sagot niya.

"Malayo pa dito ang zoo, yvonne eh." Walang kwenta na namang sagot ni Zake.

"Ikaw ba si Richard, Zake? Utak rin ah! Wag kang sumagot. Hindi ikaw tinatanong! Punyet*ng malandi to!" Hindi sarcastic ang pagkakasabi ko nun kaya napatahimik siya at naglaho ang ngiti niya. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt.

Oh my gosh! Yvonne! Nagiguilty ka sa sinabi mo sa cute na malanding to?

Ghad!

"Hayy..gutom na ako!" Pagpaparinig ko para maisip niyang gutom lang ako kaya ko yun nasabi. Pero nung tignan ko ang rearview mirror dahil nasa likod sila nakaupo at ako ang nasa passenger seat, nakatingin lang siya ng seryoso sa labas. My ghad!

Tinubuan ako ng guilt dahil sa cute na Zake na to!

Teka..

Ano bang pwede kong gawin para ngumiti ulit ang malanding to?

Nakarating nalang kami sa zoo este sa bahay ni Gorilla, nag-iisip pa rin ako kung paano ko mapapangiti ulit ng hanggang balakang si Zake. Ito kasing lalaking to! May konsensya rin ako no.

"Hayyyyy! Sa wakas! Nasa zoo na rin tayoooo!" Nag-inat ako ng katawan nang makalabas sa kotse.

"Uy, gorillang pula. Wag mo kong pakainin ng saging jan ah!" Daldal ko habang papasok na kami sa pinto.

"Ang kinis ng sahig. Nahiya naman ang mukha kong mabato" sarcastic na sabi ko habang nakatingin sa kabuuan ng bahay nila.

Actually, mas maganda yung sa amin. Walang makakapantay sa taste ng Mami ko pagdating sa pagdedesign ng bahay.

"Ikaw ba ang nagpapakintab dito sa sahig, gorilla? Dinidilaan mo ba to araw-araw bago ka pumasok? Kaya pala maalikabok ang bibig mo tuwing nagsasalita"

Tinignan ko si Zake kung tatawa siya. Pero waley. Nang mapadako naman ang tingin ko kay Richie, ayun, kasing talim na naman ng lapis na itutusok ko sa mata niya kapag hindi niya titigilan ang masama niyang tingin sa'kin. Pero wala pala akong lapis. Kaya kuko nalang.

"Will you stop talking. You're fvcking annoying." He said.

"Gutom na kasi ako! Pakainin niyo ako!" Galit ko namang sigaw.

"Charles, ikaw na magluto. Pakainin mo yang biik jan para matigil" sabi niya kay Charles na agad ring tumalikod kasama si Zake at nagpunta na siguro sa kusina.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon