Round 9

12.2K 495 57
                                    

Chapter 9



Yvonne POV


Great. Just great.!


Err..!


Umulan talaga?!! Ang mas masaklap pa, naiwan na ako ng loko! Psh. Bakit pa kasi ako sumunod?! Hello! Hindi ako bumutas ng gulong niya. Siguro mga wild ghost ang gumawa nun. Huhu. Nakakatakot! Sinundan ko lang naman siya dahil akala ko ililibing na niya ang sarili niya dito sa sementeryo. Ayoko naman yun.

Mawawalan na ako ng gwapong slave.

Tsk.

Nakalock pa ang kotse niya. Kapag minamalas ka nga naman! Anong gagawin ko ngayon?! Palakas na ng palakas ang ulan!

Ayoko namang pumasok sa mga bahay bahay dito. Hello! Hindi ko sila close.! Baka mapagkamalan pa akong multo. Eh ang puti ko na kasi nilalamig na ako.

Letch* talaga! Malas ang gwapong yun! Papahirapan ko talaga yun! Makikita niya. 


*cough~~~*

"Ugly.."

Napatigil ako sa pag-ubo nang marinig ko ang cold na boses na yun.

He's here. He's back.

Nakapayong siya at nakapamulsang lumapit sa'kin.


"Oh *cough* my gosh! You're back!"

"Tabi" tinabing niya ako saka binuksan ang pinto ng kotse niya at pinakita sakin ang kinuha niyang charger.

"Ito ang binalikan ko." he said

Nagpout naman ako saka hinawakan siya sa braso. Ayokong maiwan dito no. I'm afraid to ghost kaya.

"Sa ayaw o sa ayaw mo, richie. Sasama ako sayo." Nauna na akong maglakad papunta sa taxi. Hindi na rin siya nakapalag. Pero ang loko, binaba lang ako sa may stop light. Langya talaga! Mabuti nalang may mga taxi na rin kaya nakauwi ako ng ligtas.





Kinaumagahan, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Pero pinilit ko paring bumangon. Gusto kong pumasok. Gusto kong ishare sa Richard na yun ang napala ko sa pagsunod sa kanya. Bwisit talaga.

Pagkapasok ko sa room namin, sumalampak agad ako sa arm chair ko kahit nagddiscuss na yung teacher.

Ang sakit ng ulo ko.

"Class dismiss!"

Aish! Nakakairita talaga yung ingay kapag nagddismiss na ang teacher diba? Sabog na nga tong utak ko, dadagdag pa ang bungo ko.

"May sakit ang panget oh!"

Napaangat naman ang tingin ko nang may magsalita sa harap ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kapal ng isang to. Isa lang naman siyang malaking extra sa storya ko.

Tumayo ako at nilagpasan siya. Mabuti nalang at naalala kong may isshare pa pala ako. Yung kutong lupang ahas na halimaw na Richard na yun, humanda siya.



Pagkarating ko sa hideout ng mga epal, mas lalo akong nairita dahil marunong na sila ngayong maglock ng pinto! Saang subject naman kaya sila natuto nun?! Letch* talaga! Hindi ako makasigaw dahil sa sipon ko. 

Anong konek sa sipon? Aish. Ewan.

Napilitan nalang akong kumatok. Mga ikatlong katok ko lang ay may nagbukas ng demonyo sa loob. At dahil nakalean lang ako sa pinto, ayun bumagsak ako sa sahig. Letch* talaga! Hindi man lang ako sinalo.


Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon